Chapter 14: His first love

24.8K 671 137
                                    

Chapter 14

Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko ang reaksyon ni Alizear ng makita niya akong nakasuot ng isang dress na kulay itim habang hapit na hapit sa katawan ko.

Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko pero kahit na may anak na ako hindi pa din nawala ang hubog ng aking katawan.

Ngayon lang muli ako nakapagsuot ng ganitong klase ng dress dahil simula noong nanganak ako puro maong pants nalang ang sinusuot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayon lang muli ako nakapagsuot ng ganitong klase ng dress dahil simula noong nanganak ako puro maong pants nalang ang sinusuot ko. Nagsusuot naman minsan ng dress pero hindi tulad ng suot ko ngayon na sobrang ikli at nakikita na ang cleavage ko.

Samantalang si Alizear naman ay naka pulang coat kaya mas lalong nangibabaw ang kagwapuhan niya. Bumagay din sa kanya ang bago niyang kulay ng buhok na blonde.

Naalala ko bigla noon na madami ang nagkakagusto kay Alizear dahil kapag napunta siya sa cafe kung saan ako nagta-trabaho halos lahat ng kababaihan ay doon na din tumatambay masilayan lamang siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naalala ko bigla noon na madami ang nagkakagusto kay Alizear dahil kapag napunta siya sa cafe kung saan ako nagta-trabaho halos lahat ng kababaihan ay doon na din tumatambay masilayan lamang siya.

Napaka-swerte ko kasi ako ang babaeng napili niyang mahalin kahit na may anak na ako.

"Ang ganda ng mahal ko." nakangiting wika sa akin ni Alizear habang pinapasadahan ng tingin ang istura ko.

"Ngayon mo lang nalaman?" pang-asar kong sabi sa kanya habang nakataas ang kilay ko na nakatingin sa kanya.

"Matagal na, simula pa noong buntis ka ay maganda kana sa paningin ko." nakangiting wika nito habang hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noong dumating kayo sa buhay ko. Binago mo ako Madison kasi noon ang focus ko lang ay ang trabaho ko. Wala akong pakealam sa mga babaeng nagtatapat ng nararamdaman nila sa akin. Pero simula noong makita kita sa cafe na pinagtatrabahuhan mo binihag mona agad ang puso ko ng wala pang ilang segundo." nakangiting sabi sa akin ni Alizear habang hawak ang magkabila kong pisngi at nakatitig siya sa mata ko.

"Mas binago mo ako Alizear kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko para mapalaki ng mag-isa ang anak ko. Pero dumating ka sa buhay ko at tinulungan ako sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay." nakangiti ko ding sabi sa kanya habang hinahaplos ko ang kanan niyang pisngi.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon