Chapter 30: Married

31K 896 423
                                    

Chapter 30

Bumukas ang pinto habang niluwa nun sina Mommy at Daddy na bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Mabilis naman na lumapit sa akin si Mommy para yakapin ako kaya napangiti ako.

"Ang ganda naman ng baby ko." nakangiting wika ni Mommy habang nakahawak na sa magkabila kong braso.

"Mom! I'm not a baby anymore." nakanguso kong sabi ng biglang tumawa si Daddy.

"Tama ang anak mo na hindi na siya baby kasi ikakasal na siya ngayon." sabi naman ni Daddy at lumapit sa akin at niyakap din ako habang marahan na hinalikan ang noo ko.

"Kahit na, baby ko pa din siya." nakangusong wika ni Mommy kaya natawa kaming dalawa ni Daddy.

"My baby is now a beautiful lady." nakangiting wika ni Dad kaya hindi ko mapigilan na mapaluha na mabilis naman ako binigyan ng tissue ni Mommy.

"Masisira ang make-up mo kapag umiyak ka." pananakot sa akin ni Mommy kaya natawa ako.

"I love you so much! Mommy, Daddy." nakangiti kong wika habang pareho ko silang niyakap na dalawa na mabilis naman sila gumanti.

"Sana maging masaya kana sa lahat ng masasamang pinagdaanan mo. Siguradong matutuwa ang anak mo kapag nakikita niyang masaya ang Mommy niya." sabi ni Mom habang marahan na pinupunasan ang pisngi ko gawa ng luha ko.

"Miss kona ang anak ko." nakayuko kong tugon ng hawakan ni Mommy ang pisngi ko

"Kahit wala na siya sa tabi mo, nandito naman siya sa puso mo." wika ni Mom habang marahan na pinatong ang palad niya sa lugar kung nasaan ang puso ko.

"Simula ng nasa sinapupunan ko po ang anak ko nasa puso ko na siya hanggang sa kamatayan ko."

"Ganyan ang pagmamahal ng isang ina." nakangiting wika ni Mommy kaya napangiti ako.

Nagpaalam na muna sa akin sina Mommy at Daddy para kamustahin ang ibang mga abay sa kasal ko. Hindi ko akalain na matutupad na ang kasal na pinapangarap ko.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ko ang sarili ko. Suot kona ngayon ang napakagandang wedding gown na design ni Tita Alexandra.

Hapit na hapit sa katawan ko habang palobo naman ang pang-ibaba at sobrang haba samantalang sa likod naman ay may design na malaking bulaklak na kulay puti. Sobrang napakaganda ng wedding gown na'to.

Narinig kong bumukas ang pinto at napangiti ako ng makilala ko kung sino 'yon. Si Avery na ngayon ay naka kulay pulang gown habang hapit na hapit sa katawan niya. Naka bun din ang buhok niya habang may kaunting buhok sa magkabilang laylayan.

"Ang ganda naman ng bride." nakangiti niyang wika kasabay ng pagyakap niya sa akin.

"Mas maganda ang Bride's maid." tugon ko naman ng mas lumawak ang ngiti niya kaya mas lalo siyang gumanda sa paningin ko.

"Sana maging maging masaya kana. Deserve mo maging masaya sa piling ng lalaking mahal mo." aniya habang hawak niya ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Sana nga, sana nandito ang anak ko." nakayuko kong sabi ng muli niyang pisilin ang kamay ko.

"Nandito naman kami."

"Salamat sa inyo kasi kung wala kayo hindi kona alam ang magyayari sa akin. Hindi ko alam kung paano ako babangon sa lahat ng pinagdaanan ko. Sa pagkawala ng anak ko. Sobrang hirap at sakit ng nangyari sa akin pero kahit na ganun hindi ko magawang sisihin ng panginoon. Lahat ng bagay may rason at kahit na napakahirap intindihin pilit ko pa din na uunawain." wika ko ng bigla akong yakapin ni Avery.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon