Chapter 25: History

20.8K 624 33
                                    

Chapter 25

Pagkapasok ko palang sa loob ng apartment sinalubong na agad ako ng yakap ni Alizear. Mabilis ko naman na tinakpan ang ilong ko para pigilan ang maduwal.

Hindi pa ako handa na malaman ni Alizear na buntis ako. Hahanap pa ako ng lakas ng loob para masabi ko sa kanya ang katotohan.

"Sobrang namiss kita." aniya kasabay ng paghalik niya sa noo ko samantalang nakatikom lamang ang bibig kasi ayoko ng amoy ng pabango niya. Bumabaliktad ang sikmura ko.

"C-cr lang ako." nauutal kong sabi sa kanya habang nagmadali akong pumunta sa loob ng cr at mabilis kong nilock ang pinto habang sinubsob ko ang mukha ko sa inidoro at naduwal.

Natatakot ako sa maging reaksyon ni Alizear. Hindi ko manlang naisip na posible talaga akong mabuntis ni Luke. Kakapatapos lamang ng regla ko noong may nangyari sa amin kaya talagang posible.

Matapos niya akong ihatid ay mabilis na agad siyang umalis. Halata sa mukha niya ang pag-aaalala. Ayoko naman na tanungin siya dahil alam ko na tungkol lamang 'yon kay Vivian.

Humingi ako ng pabor sa kanya na huwag niyang sabihin muna kay Alizear ang katotohanan. Gusto kona ako mismo ang magsabi at kung ano ang magiging desisyon niya ay tatanggapin ko.

"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong habang hawak niya ang noo ko para tingnan kung mainit ako.

"Ayos lang ako." nakangiti kong wika ng maramdaman kona naman na bumaliktad ang sikmura ko dahil sa amoy niya.

"Pwedeng palitan mo ang damit mo? Suotin mo ang favorite ko na damit mo." muli kong sabi habang hindi ko pinapahalata na nasusuka talaga ulit ako.

"Oo naman." aniya at mabilis siyang pumasok sa kwarto namin na dalawa.

Malakas akong napabuntong hininga habang sinandal ko ng likod ko sa couch at mariin kong pinikit ang mata ko.

Hindi kona alam ang gagawin ko sa buhay ko. Nagdadalawang-isip na din ako kung itutuloy kopa ba ang kasal ko kay Alizear kasi ayoko na matali siya sa amin.

"Kamusta naman ang trabaho?" tanong niya sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko.

Hindi ko manlang namalayan na nakaupo na siya sa tabi ko. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi wala ng amoy ang suot niyang damit kaya kumalma na ko.

"Tambak pero kakayanin." tipid kong sabi habang muling pinikit ko ang mata ko.

"Nakipag-usap na nga pala ako sa kakilala kong architect at engineer." nakangiti niyang wika kaya iminulat ko ang mata ko habang nagtataka na tumingin ako sa kanya.

"Bakit mo sila kinausap? Para saan?"

"Magpapagawa na ako ng sarili nating bahay kasama ang magiging anak natin." aniya habang nababakas sa mukha niya ang kasiyahan samantalang ako naman ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Hindi ko na matutupad ang pangarap naming dalawa na magkaroon kami ng anak kasi buntis ako. Buntis ako pero hindi siya ang ama.

"Wow!" sabi ko nalang habang iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Kamusta naman ang pinsan mo?" pag-iiba ko ng topic sa kanya dahil hindi ko talaga kaya na pag-usapan ang mga ganun kasi niloloko ko lamang siya.

"Nalobo na ang tiyan at mabuti nalang pinanagutan siya ng koreano na nakabuntis sa kanya. Balita ko din na gusto siyang pakasalan ng nakabuntis sa kanya."

"Saan gaganapin ang kanilang kasal?" tanong ko sa kanya dahil sobrang namimiss kona ang babaeng 'yon.

Siguradong miss na miss na din siya ng anak ko. Minsan na din niyang sinabi sa akin na bumalik kami sa baguio para makasama niya ulit si Kate dahil gusto na daw 'tong makalaro.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon