Chapter 12: Bridge

23.2K 617 78
                                    

Chapter 12

Habol ang tingin ko sa aking anak na masayang nakikipaglaro sa anak nina Avery na si Xavery kasama ang kambal na anak ng pinsan kong si Kaye Ann.

Noong una sobrang nagulat si Kaye Ann dahil sa kinahinatnan ko. Hindi niya daw akalain na buntis ako noong nawala ako. Siguro hindi din nasabi sa kanila nina Mommy ang nangyari sa akin noon.

"Lumalaki na ang mga anak natin. Sobrang nakakalungkot." rinig kong sabi sa akin ni Kaye Ann habang nakatingin sa mga anak namin.

Napangiti nalang ako sa sinabi niyo sapagkat hindi namin mababago ang katotohanan na sa oras na lumaki sila meron na silang magiging desisyon sa buhay at ang mahirap pa do'n baka makalimutan nila kami.

"Ano ang pangalan nung isa mong kambal na may hawak na libro?" tanong ko kay Kaye Ann kasi pansin ko na hindi siya nakikipaglaro sa iba sapagkat mas ninanais na lamang niya ang magbasa.

"Francis." sabi nito kaya tumango nalang ako at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa lakas ng pagtawa ng anak ko habang masaya silang naghahabulang tatlo.

"Naaalala mo pa ba? Noong araw na ipinagtatanggol ko sayo si Avery?" natatawa nitong sabi kaya binalikan ko sa isipan ko ang nangyari noon ng may ngiti sa labi ko.

"Medusa. Sobrang ganda ko naman na Medusa." natatawa kong sabi sa kanya kasi nasa ala-ala ko pa din ang tinawag niya sa akin noong sinugod ko si Avery sa kanilang room noon upang hanapin ko si Xander.

Si Xander kapag nawawala sa paningin ko alam kong malapit lang siya kay Avery at hindi niya ako maloloko noon na minsan nagpapanggap siya bilang ang kambal niya. Saksi ako noon, sa pamimilit niya kay Caleb pero dahil matigas ang ulo ni Xander pinagpapatuloy niya.

Naalala ko bigla noong nasa park kami. Hindi alam ni Xander na nakasunod lang ako sa kanila. Kasama noon ni Avery si Caleb at habang pinagmamasdan ni Avery ang mga batang naglalaro doon na nakakuha ng chance si Xander na lumapit sa pwesto ni Avery upang makipagpalit kay Caleb samantalang si Caleb naman ang umalis habang nakamasid lamang sa kanilang dalawa.

Muli lang silang nagkapalit noong bumili ng ice cream si Xander para kay Avery.

Damn this man, mahal naman niya si Avery pero sinasaktan niya.

"Kasama ako ni Luke noong naging miserable ang buhay niya." wika ni Kaye Ann habang nanatili pa din ang tingin sa mga anak namin na nagtataguan na.

"Sobrang naapektuhan ang buhay niya noong namatay ang kanyang babaeng kapatid." malungkot na wika nito habang hinahaplos niya ang singsing na simbolo na kasal na siya kay Yvan.

"Nambabae siya at kung minsan ay nagiging palaaway at hindi lang 'yon, gumamit na din siya ng marijuana."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ang isang Luke na tulad niya ay may pinagdaanan na gano'ng pangyayari.

It's been a week simula noong nangyari sa may restaurant. Mabuti nalang at hindi kumalat sa sociel media ang pangyayari dahil sa sobrang gulat ng mga tao ay hindi sila nakapag video. Kahit na ganun ang nangyari hindi pa din nawawalan ng customer sa restaurant at kung minsan pa nga ay punong puno pa din ang mga taong kumakain.

"Sobra din siyang nagmahal sa isang babae na halos ginawa na niyang mundo pero dumating sa point na niloko siya ng tinuturin niyang kaibigan kasi may tinatago palang relasyon ang babaeng mahal niya at ang kanyang kaibigan." dugtong nito kasabay ng pagbuntong hininga niya.

"Si Luke kahit madami na napagdaanan, nagagawa niya pa din maging masaya."

Now I know, kaya pala ganun siya mag react noong nasampal ko si Vivian ay dahil natatakot siya na may masamang mangyari sa kanyang anak kasi ayaw na niyang mawalan ng mahal sa buhay.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon