Chapter 2

574 84 3
                                    

Chapter 2

Nagmamadaling umakyat si Renaissance ng hagdanan hanggang marating niya ang sixth floor ng ospital. Nakita naman siya Dr. James na papunta sa klinika ni Dr. Luke, napataas ang isang kilay nito. Agad tumungo ang dalaga sa cubicle ng sekretarya, tatlo na lang ang mga pasyenteng nakapila at malapit na ang lunch break dahil hanggang twelve lang ang clinic hours nito at magre-reesume ng one p.m pero hindi siya pwede. Eleven forty-two na nang makarating siya at buti na lang ay napakiusapan niya ang doktor— through his secretary na kung maari ay agahan niya ang pagpapa-therapy dahil may klase siya ng hapon. Laking pasalamat niya nang pumayag naman ito pero medyo nahirapan siya, hindi raw kasi maaaring maiba ang oras ng immunoshots niya.

Nakita niya na may pumasok na isang lalaking doktor sa klinika ni Dr. Luke at hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon. Masama ang pakiramdam ni Renaissance lalo na't kagabi ay puyat na puyat siya kaka-review para sa long quiz, halos wala na siyang itinulog. Kaya nang may vacant siya ng thirty-minutes ay itinulog niya na lang ito ngunit bitin pa rin. Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya at naramdamang may tumapik sa balikat niya. Nakita niya si Ms. Lapuz ang sekretarya ng doktor, "Nakatulog ka na. Pasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na pag-uwi mo." Nakangiting sabi nito. Nginitian niya ito ng matamlay at kinusot ang mata, bago siya makapasok ay napahikab muna siya. Tinaas niya nang marahan nag kanyang salamin saka pumasok sa loob ng clinic.

Napatingin ang dalawang doktor sa dalaga noong pumasok siya, talagang kakaiba siyang manamit. Naka skirt siya na checkered design at naka-tuck in dito ang kanyang black na t-shirt na napaka haba ng mangas, hindi parin nawala ang kaniyang medyas na ankle length. Napataas ang kilay ni Dr. James at sandaling napatingin sa kaniya with a teasing smile, Luke didn't mind him, tuso talaga si James. Tumingin sila sa dalaga na malatang naglalakad papuntang patients chair. Mapungay ang mga mata nito at halatang pagod, "Are you okay?" Tanong ni Luke. Tumango ito.

"Opo." Habang inaayos ni Luke ang gamot nito ay nakapikit na ang dalaga at pilit na nilalabanan ang antok. Hilo na siya at pakiramdam niya'y bangag na siya para kumilos pa. Dinilat niya ang kanyang mata at tiningnan ang isa pang doktor, "I'm Dr. James Lee. Hi Reinassance." Tiningnan niya nang mabuti ang doktor at umayos, may pagka-chinito ito at mestizo matangos rin ang ilong at cute kung ngumiti.

"Hello po." Nag-bow siya nang kaunti.

"You look like—"

"Twelve?" Pangunguna niya. Kadalasan ay iyang ang malimit na sinasabi sa kanya pero ipinag-kikibit balikat niya na lang ito.

"No, I'm gonna say that you look like a doll." Ngiti nito sa kanya. Nakatutuwang pagmasdan ang mukha ng doktor na ito at mukhang hindi siya 'yung mga terror na mahilig pagalitan ang mga pasyente nila. Pero kung sa bagay, sa pampublikong ospital lang palaging may ganoon.

"Kala ko po sasabihan niyo ako na mukhang bata." Napatawa naman siya nang bahagya.

"Are you half Korean?" Napangiti naman siya na tila ba pinipigil na tuwang-tuwa siya, "I like your bangs they don't look like you're trying hard so much." She chuckled lightly. "You really look like a doll." Komplimento pa nito.

"Thank you po." Pa-humble na sagot niya.

Nang maturukan na siya ay tumayo na rin agad at kinuha ang bag niya, "Doc, mauuna na po ako." Paalam niya.

"Your thirty minutes isn't done yet." He replied. Tumitig ang dalawang doktor sa kaniya. "Kasi po doc, nakakahiya naman po sa inyo at magbe-break time pa po kayo." Sagot niya.

"Don't worry about it. I can always wait for you." Sabi nito sabay ayos ng kanyang desk.

"Naku hindi na doc, nakakahiya na pinagbigyan niyo na po ako ngayon hindi naman po makapal ang mukha ko."

ALLRGSTSWhere stories live. Discover now