Chapter 26

253 19 4
                                    

Hindi siya nagkwento kay Bea, o sa kanino pa man maliban sa kanyang mama. Ayaw ni Renaissance na ipubliko agad ang mga bagay, sasagot na lang siya kapag tinanong siya lalo na ni Bea na katabi niya ngayon sa coffee shop.

"Diba sabi ko naman sa'yo? Na-shookt ka lang talaga noong araw na 'yon." Sabi nito habang nginunguya ang chocolate pancake na in-order niya. "Tsaka kung ako sa'yo, kung ako lang ha— di ko na patatagalin 'yan. Sa napakaraming taon kong nakasama si Luke naku safe na safe ka riyan! Kaya 'wag mo na siya paghintayin ha?"

"Bakit mo ba siya minamadali?" Singit ng isang pamilyar na boses. Tumingin siya sa likuran niya at nakita si James. Biglang tumibok nang mabilis ang puso ni Renaissance. Dr. Lee's Traumatic Effect.

"Bakit ka nakikisingit sa usapan namin ha?" Mataray na sagot ni Bea. Pumunta ito sa gilid ni Bea at siniksik ang doktora. He smiled at Renaissance and she smiled back politely at him. "Lumayas ka nga dito! 'Wag kang sumasabat sa usapan namin! Usapang babae 'to unless kung di ka lalake..." Tiningnan ni Bea si James na nanghahamon pero inirapan lang siya nito at hindi pinansin. "Reiny, 'wag ka ngang naniniwala sa sinasabi ng baliw na 'to," sabi sa kanya ni James, "Ikaw naman i-diagnose mo na sarili mo. Kung ano-anong iniimbento mo."

"Nagpapayo ako kasi I give best payo dahil—"

"Psychiatrist ka?" Inunahan ng sinabi ni James, "Bea this is pointless. I don't want to start my day with an argument with you. Pwede bang kahit minsan lang, parang awa mo na, itikom mo 'yang mabahong bibig mo. Mahinang pinitik ni James ang bibig ni Bea.

"Kung di ka sumawsaw sa usapan namin edi sana okay umaga mo."

He shook his head and sighed then took his coffee, "Basta kung ako sa'yo, follow your own timeline." Suhestiyon nito sa kanya. Marahan siyanv tumango at tumungo na ang doktor papuntang pintuan.

"Hoy! Di ganoon 'yon! Mali ka naman magpayo!" Sigaw ni Bea, mabilis siyang pinigil ni Renaissance dahil napapatingin na ang ibang customer sa lakas ng boses nito.

Dalawang pasyente na lang at siya na ang kasunod. Kinakabahan siya na masaya, lalo na ngayon at alam na nila ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Iniisip niya kung paano maging less awkward ang sitwasyon. "Ate Reinassance!" Napatingin siya sa tumawag sa kanya, "Lexy!" Patakbong lumapit ito sa kanya at sinalubong niya ito ng isang mahigpit na yakap. "Did you enjoy your Hong Kong trip?" Tanong niya sa bata.

"Yes ate, we go to lots of rides and I saw Mickey Mouse and Ariel and other Disney princesses." Kwento nito. Maraming ikinuwento sa kanya ang bata at masyado siyang nalibang hanggang sa tawagin na siya ng sekretarya ni Luke para pumasok sa loob. Kasama niyang pumasok si Lexy at nang makita nito si Luke ay agad itong nagpabuhat sa doktor. Nakangiti itong nakatingin kay Lexy at nang makita siya nito ay mas lalong ngumiti ang doktor. "I'll give ate Renaissance a shot first, okay?" Abiso ni Luke sa bata. Bumaba na ito at nagpabuhat sa kanyang yaya.

Ilang beses pinaaalala ni Renaissance sa sarili na huwag kabahan, parang dati lang din 'to. Pero mukhang ayaw sumunod ng organ sa dibdib niya at napakabilis ng tibok nito. Ginawa niya ang inhale at exhale habang hindi nakatingin si Luke para bumalik ito sa normal pero mabilis pa rin. Nang injection-an na siya ni Luke ay tiningnan ang vitals niya. Napataas ang kilay nito nang marinig ni Luke kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Inosente niya itong tiningnan na parang ayos lang ang lahat, "Bakit?"

"Do you have palpitations right now or it's because of me?" Nag-init ang mukha ni Renaissance kaya mabilis siyang tumingin sa ibang direksyon. "Masyado ka namang assuming, doc." He shook his head and chuckled. "By the way Lexy wanted to eat at her favorite fast food restaurant again, wanna go?" Alok nito sa kanya. Hindi na siya humindi at sumama na sa kanila for the jolliest afternoon she'll have.


ALLRGSTSWhere stories live. Discover now