Chapter 17

288 16 1
                                    

Chapter 17

Nakarating silang dalawa ni Luke sa isang maliit na bayan sa Bataan. Mabundok at puno ng halaman ang paligid at kaunti lang mga taong nakatira roon pero maraming tindahan dahil ito ang pinakabayan sa lugar na iyon. Maraming turista ang dumadayo rito, malapit ang lugar sa dagat. Agad silang nagpunta ni Luke sa pagawaan ng sasakyan, nagugutom na si Renaissance dahil naubos nila kanina ang mga snacks at ngayon pasado alas dose na'y hindi pa rin sila nananaghalian ni Luke. "Gaano ho ba katagal gawin ito?"

"Naku boss mukhang baka bukas na po ito. Maraming gawain sa loob tsaka marami ring turista ang nagpagawa."

"Ganoon po ba? Kaya po ba hanggang bukas ng umaga?" Tanong ulit ni Luke. Tiningnan niya ang loob ng pagawaan, marami ngang mga sasakyan sa loob na ginagawa, "Mga bukas po ng tanghali. Kulang kami ng tauhan." Gusto niyang mapabuntong hininga ng napakalakas dahil Sabado bukas. Baka hindi na naman siya makauwi sa kanila. "Sige po. Saan ho ba pwedeng magbayad. Para bukas kukunin ko na lang 'yung sasakyan."

"Doon po boss." Turo ng lalaki na kausap ni Luke. Tumingin sa kanya ang doktor, "Dito ka muna." Tumango si Renaissance bilang sagot. Hindi nagtagal ay nagbalik rin ito at habang inilalagay sa wallet niya ang resibo. "Tara." Aya ni Luke.

"Saan?"

"I know you're hungry, me too." Humanap sila ni Luke ng makakainan. They stumbled on a karinderya-like place. Maraming turista ang kumakain dito at dito na nila piniling mananghalian. Pagkapasok ay hinananapan sila ng upuan ng isang crew at kinuha ang kanilang order. "Ang sosyal naman ng karinderyang 'to." Sabi niya habang tumitingin sa paligid. "Natingnan mo na kung may signal?"

"Ha?"

"Call your parents and tell them ihahatid na lang kita sa inyo bukas." Napako ang kanyang mga mata kay Luke and he raised his brow, "Why?"

"Wag na po. Sasabihin ko na lang na next week na talaga." Sagot niya. Nakakahiya na rink ay Luke at magiging isa pa nitong intindihin. "Don't refuse and call them. I know they are going to be worried sick about you."

"Worried sick agad. Hindi ba pwedeng alala lang?" He bent his neck and crossed his arms. Agad na kinuha ni Renaissance nag kanyang cellphone sa kanyang bag, "Eto na nga po..." Agad na sumagot ang kanyang ina ng i-dial niya ang number nito, sakto namang pagdating ng kanilang order. Pagkatapos makipag-usap ay tumingin siya sa pagkain sa harapan niya. Hindi niya mapigilang maglaway at agad lantakin ang pagkaing nasa harap niya. Kanina pa siya gutom na gutom habang nasa sasakyan, karamihan ng pagkain ay si Lexy at Grace na ang kumain, sa tingin niya ay mas kailangan ng dalawa iyon samantalang kaya n'ya namang tiisin ang gutom kahit sandali. "Let's pray." Agad siyang pumikit at sinabayan sa isip ang panalangin Luke. Pagkatapos manalangin biglang sumilay sa labi ng dalaga ang isang masayang ngiti at mabilis na kumuha ng pagkain. Tila nakalimutan na niya ang kasama niya at sumubo agad. Sa katunayan ay hindi pa puno ng pagkain ang kanyang pinggan kaya nilagyan ito ni Luke ng kanin at ulam sa tabi. "Slow down at nguyain mo nang mabuti. Your tummy will hurt if you don't." Paalala nito sa kanya. Binagalan niya ang kanyang pagnguya at uminom ng tubig, "Kumain ka rin doc..." Sabi niya habang ngumunguya, "Stop talking when your mouth is full." He warned her. Tiningnan niya lang ito at ngumuso tsaka bumalik sa pagkain.



"Hay! Busog na busog ako." Hinimas ni Renaissance ang kanyang tiyan habang naglalakad sila ni Luke sa dalampasigan. Parang nakapabilis ng oras at hapon na kanina ay tanghali lang. Nag-stay sila ni Luke sa karinderya slash restaurant ng ilang oras pagkatapos ay nag-aya ito na maglibot muna bago maghanap ng matutuluyan. May mga souvenir shop doon at agad niyang naalala na hindi nga pala siya nakabili ng kahit na ano para sa pamilya niya. "Bibili muna ako ng mga pasalubong... hintayin mo na lang ako dito."

ALLRGSTSWhere stories live. Discover now