Chapter 7

392 40 21
                                    

Chapter 7

Pailing-iling si Renaissance habang naglalakad pabalik sa clinic ni Dr. Luke. Si Dra. Bea kasi mukhang ang lungkot-lungkot nang malaman na wala siyang balak tulungan ito. Bakit niya ba kasi bini-business 'yung buhay ng tao? Di naman niya lovelife 'yon kaya bakit siya nangangailam ng tulong at gagamitin pa siya. May nalalaman pang 'deserve mo kasi si Luke.' Hay! Mababaliw lang ako sa kakaisip... pero sino ba kasi iyong babae na 'yon at mukhang hate na hate siya ni Dra. Bea? Gaano ba kasama 'yung ugali niya? Pero teka, di naman magakakagusto si Dr. Luke sa may magaspang na ugali. Kahit na opposite attracts! Hay, ewan ko ba. Pati tuloy ako naguguluhan, mananahimik na lang ako, di naman kasi involve 'to sa buhay ko.

Nang marating niya ang klinika ng Doktor pumasok na siya at doon naupo sa isang isang tabi dahil may tinitingnan pa itong pasyente. Ang tagal pa ng oras bago matapos 'yung kaniya kaya nakaramdam na siya ng pagkabagot. Kinuha na lang niya ang cellphone niya at nagbasa ng novel sa pdf file. Nakaraan na ang apat na pasyente, bata, dalaga, baby at buntis pero pakiramdam niya hindi pa rin tapos ang oras at ang tagal-tagal pa. Kapag naman walang pasyente ay busy lang ang doktor sa pagfi-fill ng mga files. Tinitingnan niya ito habang nagche-check up ng bata. Di talaga kaila na maraming magkakagusto rito. Swerte nga ni Dra. Bea na kaibigan pa nito si Luke pero nakakalumgkot lang na ang tingin lang sa kaniya kapatid at si Luke mukhang zero percent talagang magkagusto kay Bea. Sa totoo lang ay nagagandahan siya kay Bea, medyo morena, matangos ang ilong, 'yung halatang anak mayaman na naalagaan kaya naging maganda. Walang-wala siya na plain kung maituturing. Pero kakaiba siguro si Luke kaya hindi kagaya ng Doktora ang taste niya sa mga babae. Ano kaya taste niya? Maitanong kaya mamaya kapag siguro nakahugot na siya ng lakas ng loob. Huhu, minsan wala akong ganoon.


Matatapos na ang trenta minutos pero nandito pa rin siya at hindi makapag salita. Last na ang pasyenteng tinitingnan ni Luke, nireresetahan niya na lang ng gamot. Hanggang ngayon wala pa rin siyang courage para kausapin ito. Paano ba naman kasi, gusto niya ito ang maunang magsalita pero hindi naman ito nakikipag-usap—

"Why are you staring at me?" Tanong nito. Nanlaki naman ang mga mata niya. Kanina pa nga naman siya nakatitig dito.

"W-wala lang..." She trailed off. Masyado siyang obvious, mamaya baka asarin na naman siya nito na isa siya sa mga babaeng napapatulala sa kaniya. He nodded, 'yun lang? Tango lang?!

Kinuha na niya ang bag niya at aalis na siya sa lugar na ito kung saan sobrang awkward ang namamayani sa atmosphere. "Doc, mauna na po ako. Salamat po." Masaya niyang paalam pero sa totoo kinakabahan siya. Nakaklerki!

He nodded again at lumabas na siya. Napangiwi siya paglabas, anong problema ng tao na 'yon? Nung isang linggo kay daldal-daldal niya tapos ngayon tahimik?! Anyare dude? Nagsimula na niyang tahakin ang hagdan pababa ng lobby. Dapat magsanay na siyang mag-elevator, saglit lang naman. Ayaw niya kasi talaga na mag-isa lang siya natatakot siya mag-isa simula noong may nangyari sa kaniya na ayaw na niyang mangyari pa ulit.



Iinom dapat siya ng tubig nang makita niyang ubos na ang laman nito. Nakakita naman siya ng vending machine at bumili ng tubig. Napagastos pa tuloy siya ng ten pesos, pamasehe na rin iyon. "Dapat sa susunod lakihan ko na 'yung bote." Habang hinihintay niyang malaglag ang tubig sa sobrang bagal na vending machine nakita naman siya ni Dr. James Lee at agad siyang binati.

"Hi Reiny!" Masayang bati nito habang nakasuksok ang isang kamay sa lab coat niya. Nag-bow siya nang kaunti, "Hello po Dr. Lee."

"Tapos na session mo?"

"Opo." Magalang niyang sagot. Nahulog na 'yung tubig na akala niya ay aabutin ng forever sa kahihintay. Kinuha niya ito at nagpaalam na kay Dr. Lee. "Mauna na po ako doc, nice seeing you again." Sabi niya.

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon