Chapter 5

392 69 3
                                    

Chapter 5


"Sandali lang, wait lang. Nandito pa ako sa ospital. Hindi pa ako makakapunta diyan." Tugon ni Rennaisance. Tumatakbo na naman siya papasok ng clinic ni Luke para magpa-teraphy ngunit nagugulumihanan siya dahil kailangan na niya agad-agad bumalik ng campus para magawa nila ang thesis na kailangan nilang masimulan. "Naku, may thesis pa pala ako, violin lesson, tapos kailangan ko pang mag-review for world literature. Ha! Tapos may quiz pa pala bukas bukod pa 'yung exams! God help me please!" Tingin niya sa schedule niya habang umaakyat ng hagdanan. Naabutan niyang dalawa nalang ang nasa pila at medyo nahuli siya. Matatapos na ang clinic hours at ngayon lang siya nakapunta sa sobrang dami niyang gawain.


  Habang nag-aabang ay ginagawa niya ang ideas for their thesis at the same time may nakapasak na ear buds sa taenga niya para makabisa ang piyesa ng violin. "Giovanni Boccacio, writer of—ay ano ba 'yon?!" Nagulat niyang sigaw. Nakita niya si Luke na naka-cross arms at nakatingin sa kaniya. "Why do you look so stressed?"

Napangiti siya  nang makita ang doktor. "Dr. Luke..." she trailed.

"What happened to you, huh? You're looking as if you don't have any time in the world?"

  "Uh... busy lang sa school." Tinangal niya ang earbuds.

"Burn out? Well, you need to rest for half an hour. Go inside the clinic." He commanded then they both entered in. Habang naglalakad ay patuloy pa rin ang pagre-review ni Reinassance na nakatingin sa kaniyang notebook hanggang sa tumama siya sa likuran ng doktor. "Sorry..." Nahihiyang sabi niya sabay upo sa patient's chair. Tinurukan na siya ng gamot at hinintay ang kalahating oras. Walang nagtangkang magsalita isa man sa kanila, Luke was arranging his files while the young lassie continue to review her notes at the same time her quiz. Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok ang mga kasamahan ni Luke. "Hey, Reiny baby." Sabi ni Dr. James. Hindi naman siya narinig ng dalaga dahil binalik niya ang earbuds pagkatapos at sinensyas na lang ni Luke na busy ito. James shrugged and some of them sat comfortably on the sofa. Nakapikit parin si Renaissance na mahinang nagmu-mumble ng mga nirereview niya. Habang nag-uusap-ang dalawang doktor ay bigla namang nag-ring ang cellphone ng dalaga at na ikinagulat niya. Nakapikit niyang sinagot ang cellphone. "Bakit?"

  "Yung thesis."

"Malapit na ako okay. Tsaka kaya n'yo ng simulan iyan." Malata niyang sagot.

  "Ano nga iyong topic?"

"Nagbigay na ako sa inyo ng topic diba..."

"Basta, punta ka na. Now na please? We can't start without you."

Napa buntong hininga siya, bakit mula noon hanggang ngayon sa kaniya iniaasa ng mga kagrupo niya ang mga gawain nila, "Kaya niyo na iyan. Saka malapit na ko, wait lang kayo."

"Bakit ka ba kasi busy?"

"Kasi naman... explain ko na lang mamaya ha? Bye." Tsaka niya biglang pinatay ang phone. Hindi na siya nag-abalang dumilat pa at tinuloy na lamang ang pagre-review. Bea raised her brow and rolled her eyes. They continue their conversations with each other, on the other hand Renaissance spend most of the half hour reviewing her lectures. Masyado kasi siyang perfectionist at inaamin naman niya iyon. Lagi niyang prayer bago mag-exam ay kahit isang  exam man lamang ang mai-perfect niya.


  Nang matapos na ang oras tinapik ni Dr. Luke ang balikat ng dalaga, "Tapos na?" Tanong niya tsaka niya napansin 'yung ibang mga doktor. Handa na silang umalis. Kinuha na niya 'yung mga gamit niya at bigla naman siyang napahikab. Tinakpan niya ang bibig at nag-apologize. Sinuhestiya ng doktor na sumabay na siya sa pagbaba nila. Binitbit nalang niya ang mga dala-dala niyang reviewer at malatang naglakad. Masyado siyang napuyat kagabi dahil halos tatlong oras lang ang nalaan niya sa pagtulog at gumawa pa siya ng script na kailangan niyang tapusin right away. Napahikab na naman siya at napansin ito ni Luke habang naglalakad sila sa hallway ng ospital. "You sure, you're okay?"

ALLRGSTSWhere stories live. Discover now