Chapter 19

345 23 9
                                    

Chapter 19

  Nanlamig ang kaniyang buong katawan. Ano naman kayang gustong sabihin ni Vanessa sa kanya tungkol kay Luke? Tungkol sa pangba-busted niya rito? Nakatitig siya sa mga mata ni Vanessa habang hinihintay ang susunod na sasabihin nito. Habang tumatagal ay hindi siya mapakali. Abot tainga ang ngiti na ibinigay sa kanya ni Vanessa ngunit napansin  niyang ang mga mata nito ay salungat ang ipinakikita. Hindi ito kumikinang o masaya kagaya ng ngiti niya. Iba ang sinasabi ng aura niya, iba ang nararamdaman ni Vanessa. "I bet, you know about me and Luke." Tipid siyang tumango. Vanessa folded her hands on the table. She bowed her head low and chuckled a little bit, "I just want to say to you that... Luke deserves someone better that can make him genuinely happy."
  "M-masaya naman kayo a?" Close na close sila ni Luke, para ngang wala silang nagiging problema kasi alam nilang i-handle 'yung relasyon nila kahit minsan parang mahirap. "Pero Renaissance hindi lahat ng masaya, masaya talaga."
Wala na siyang nasabi. Hinintay niya na lang ulit ang pagpapaliwanag nito, "I guess nag-long lang ako sakanya. I thought his love is the same. Ramdam ko naman, he still give the same effort as before pero ewan... may kulang." Nakasibangot niyang ngiti.

  "Ano?"

"Puso." She sighed. "And I feel that we don't really belong to each other. Siguro we just want to resume the love we had before but it wasn't the same."

  "Baka naman mag-work out pa." Pagbabaka-sakali niya.

"No. And I asked God about it and it's also a no. His conviction is strong plus my heart isn't flattered that much." She gripped the glass tightly, "I love him, I know. But I feel like intervening in someone's love story."
Kumunot ang noo ni Renaissance, "Bakit ka naman makakaramdam ng ganoon e diba wala naman siyang iba? Ikaw din." Umiling si Vanessa at tumingin ng makahulugan sa mga mata niya, "God wants you for him." Bigla siyang nahilo. Ang kanyang puso ay para bang nakikipagkarera, gustong makatapos ng marathon na walang hanggan.

Tama ba ang narinig ko?

Nanuyo ang kaniyang labi at agad niyang ininom ang iced tea na nasa harapan niya. Umiwas siya ng tingin kay Vanessa at tumawa-tawa na para bang nagbibiro lang ang kausap niya. "Miss Vanessa naman h'wag mo akong binibiro nang ganiyan." Pakiusap niya.

  "I'm not joking."

"Pero—"

   "Listen to me Renaissance. He might look at me with love but he looks with you with genuine love." Siya naman ngayon ang umiling-iling. Gusto niyang hanapin kung may camera sa paligid o ginu-good time lang siya ni Vanessa.

  "Hindi... ano... baka parang kapatid lang." Dahilan pa niya.

"No." she smiled lightly, "Believe me Rein." Renaissance sighed heavily.

Pakiramdam niya nagpapawis buong katawan niya na hindi maintindihan. Gusto niyang pumunta sa CR 'di niya kasi alam kung matatae ba siya o maiiihi.

  "Kinakabahan naman ako sa'yo e." Nakangiwing sagot niya. Vanessa touched her hand, "It may seem weird pero I'm saying the truth. Plus I'll go back to Germany since on-going naman ang boutique dito, it's only a branch, so I need to go back to the main."

  Saw wakas ay tiningnan niya ito sa mata, "Iiwan mo na si doc?"
Malungkot niyang tanong.

"Luke and I talked about this. Except you. Gusto ko siya mismo ang makaka-found out nito. And if that happens, believe what God told you through me."

  "Sure ka talaga?"

"The conviction of the Holy Spirit never fails. We are not for each other. That's why from the first place pa lang siguro there's a lot of hindrance."




ALLRGSTSWhere stories live. Discover now