Chapter 11

319 23 0
                                    

Chapter 11

   Pagod si Renaissance na naglalakad palabas ng simabahan kasabay si Dr. Luke. Paano ba naman siya hindi mapapagod ay napakaraming bata kanina sa AWANA Club. Tapos, dahil sa sobrang lapit niya sa mga bata ay s'ya ang kinakapitan ng mga ito. Literal na kapit talaga. Hindi siya binibitiwan at laging sinusundan. Pati ang pagkain ay hindi na niya nagawa dahil panay sunod sa kaniya ang mga bata. At sinali pa siya sa laro ng mga ito bilang tagapanguna, naglaro pa ng bring me, si Alexa naman ay sinabi pa na 'bring me your favorite teacher,' tapos sa kanya dumikit ang mga bata at hinila siya kaya nadapa siya at nadaganan. Malay ko ba kasing ako favorite teacher nila? Kakaiba ang mga bata sa simbahan na iyon, masyadong active at energetic. Buti na lang ay kaya niyang makisabay sa mga ito.

   Nalungkot si Renaissance nang makita niyang wala si Lexy, sabi ni Luke ay sinama raw ito ng tita niya sa isang restaurant at inilabas dahil ngayon lang ito nagka-time para sa bata. Hindi namalayan ng dalaga na naroon na pala sila sa tapat ng kotse ni Luke at pinagbuksan siya ng pintuan nito. "You're deep in thought." sabi ni Luke.

  "Ha? Pagod lang po." Totoo naman, talagang pagod siya. Kulang na lang ay nabalian siya kanina sa pagkakadagan sa kaniya. Sumasakit ang kanyang braso at likuran na puno ng kalmot ng mga bata. Kawawa naman ako. Buti na lang sagad-sagad ang pasensya ko sa mga bata at hindi mainit ang dugo ko sa kanila. Buti na lang talaga. Pero grabe ang sakit ng katawan ko!

Pumasok na siya sa loob ng kotse ni Luke at in-start na ng doktor ang sasakyan. "Di po ba natin kasabay si Mrs. Verced?"

  "Susunduin siya ni Dad." Tugon nito. Tumango lang siya bilang sagot. Kailangan na rin niyang umuwi agad kasi baka magtaka masyado ang nanay niya kahit na nagpaalam siya. Tahimik lang sila buong byahe, pilit na dina-divert ni Renaissance sa cellphone niya ang atensyon para hindi niya maramdaman ang awkwardness. Pero ewan ba niya, kung siya lang talaga ang nakaka-feel palagi ng awkward atmosphere at walang paki ang ibang tao tungkol doon. Baka naman, Ren, ka oa-yan mo lang 'yun. Sabi niya sa sarili.





  Hindi naman mahaba ang byahe papunta sa bahay ni Dr. Luke. Medyo malayo nga lang ito sa sibilisasyon, tahimik ang lugar at magkakalayo ang mga bahay. Bumukas ang gate ng bahay ni Luke ng pindutin nito ang code. Wow sosyal. Tumambad sa kaniya ang isang mapuno at maaliwalas na bahay. Moderno ang disenyo nito, hindi kalakihan pero may dalawang palapag. Sa totoo lang ay pampamilya na ang bahay na 'to. Malawak ang paligid at malayo ang distansya ng mismong bahay sa gate. Puno ng halaman at bulaklak sa harapan. Na-miss niya ulit si Bulacan dahil ganoon din ang paligid ng bahay nila. Puro puno at halaman, mas malawak nga lang ang kay Luke. Picture perfect naman masyado 'tong lugar na ito!

  P-in-ark ni Luke ang kaniyang sasakyan. Lumabas na rin si Renaissance na panay ang tingin sa mga lugar. "Do you like gardening?" Tanong niya dito. Tumingin sa kaniya ang dalaga, "Ako?" turo niya sa sarili, "Hindi ko kayang magpatubo ng halaman pero mahilig ako sa halaman."

"Let's go." Tumango itong nakangiti na medyo nahihiya at naglakad kasunod ni Luke sa bahay. Naamoy niya ang mabangong samyo ng pagkain na niluluto. Bigla tuloy kumulo ang tiyan niya, kalerki, nagugutom na ako. Really! Buti na lamang ay hindi narinig ni Luke ang pagtunog ng tiyan niya. "I'll just get my photo album. I'll call you, okay? Make yourself comfortable." Nakangiting sabi ni Luke sa kaniya. Tumango siya at umupo sa malambot na sofa. Luminga-linga si Renaissance sa paligid at nakita niya ang mga plake na naka-display sa sala. Para itong mga libro sa dami. Tiningnan niya ito at napansin niya ang mga pictures na kahilera nito. May mga throwback pictures pa rito, graduation pictures ni Luke mula kinder hanggang college. Ang cute niya, ang pogi niya noong bata pa siya hanggang ngayon. Sarap pisilin ng pisngi! Hindi na niya dapat kinuha 'yung mga pictures niya, sapat na 'to. Nakangiti siyang minamasdan ang mga litrato pati family pictures nila Luke. May hitsura rin ang kapatid ni Luke na si Jacob at ang ganda ni Phoebe. Tiningnan niya ng maigi ang mukha ni Mr. Verced na tatay ni Luke. Gwapo rin ito, pero hindi maikakaila na mas kamukha talaga ni Luke ang bilogical mother niya. Nasa pader naman ang malaking litrato ni Luke noong grumadweyt ito ng kolehiyo. Nakasuot ito ng Sablay at nakasabit sa frame ang medals na nakuha nito. Grabe naman, kahit graduation picture gwapo pa rin. Inilipat ni Renaissance ang tingin sa mga plaque of awards ni Luke na naka-display. Marami-rami na ito at mukhang sa lalong madaling panahon ay kailangan na niyang palitan ang pinaglalagyan dahil crowded na. "Do you want me to scan the pictures?" Nagulat siya sa boses ni Luke. "Po?"

ALLRGSTSWhere stories live. Discover now