Chapter 25

222 17 4
                                    

Parang nilagay sa freezer si Renaissance. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib at naramdaman niyang nanginginig siya at biglang gininaw. Ganito ang reaksyon niya kapag masyadong kinakabahan, o kapag papagalitan siya ng magulang niya noon, o kapag naiwan niya sa dorm ang papel na ipapasa at kailangan niyang bumalik sa ilang minuto, pero may nadagdag... nag-iinit ang mukha niya. Sa buong buhay niya ngayon lang niya naramdamang sa sobrang kaba nag-iinit ang mukha niya. Kasi hindi usual ang dahilan ng kaba niya. Si Luke. Oo, may pagka-slow siya, pero alam ni Renaissance kung ano ang meaning ng 'I like you' ni Luke.

Matagal siyang nakatitig dito habang ang doktor ay kinakabahang naghihintay ng sagot. Ni hindi kumikilos o pumipikit si Renaissance kaya tinawag niya na 'to, "Ren?" Sa pagtawag niyang iyon ay biglang napapitlag si Renaissance at nasagi ang wine glass para tumapon ang nalalabing laman nito sa sahig. Buti na lang at nasalo ni Luke ang glass nang mabilis. Walang ibang nagawa si Renaissance kundi takpan ng kamay niya ang bibig para pigilan ang sigaw na muntik ng lumabas, "Sorry, sorry..." sabi niya. Kumuha siya ng tissue at akmang pupunasan ang natapon sa sahig nang pigilan siya ni Luke at tumawag ng janitor.

Habang pinupunasan ng janitor ang sahig ay hindi tumitingin si Renaissance kay Luke, Lord please pakalmahin mo puso ko. Di ako makapag-focus. Nag-inhale at exhale siya ng hindi pinapahalata kay Luke hanggang sa medyo kumalma na ang tibok ng puso niya at matapos ang janitor sa pagpupunas, "Thank you po, Kuya. Pasensya na ho." Tumango lang ang janitor sa kanya at nagpasalamat din dito si Luke. Nang makaalis na ang janitor ay tumingin siya kay Luke na nakatingin na rin sa kanya. Di alam ni Renaissance kung paano magre-react, lahat ng 'to ay bago sa kanya.

"I'm sorry if I shocked you." Luke apologized. Umiling si Renaissance, "Okay lang... ano ka ba, sinabi mo lang naman 'yung nararamdaman mo." Buti pa si Luke may confidence. Loob-loob niya.

"Reinassance, it doesn't mean that because I've admitted my feelings to you doesn't mean that I'm pressuring you to like me back," huminto siya at seryosong tumingin sa mga mata ng dalaga. Halata ni Luke na nabibigla pa rin ito at kinakabahan, "I just did what I think I should do. I'm contented and happy that I've admitted this to you." He smiled gently.

Binuka ni Renaissance ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na salita kahit isa, "You can say whatever you want, don't mind me." Paanyaya ni Luke dahil mukhang nahihiya itong magsalita sa kanya.

"Ah... Luke... sorry, di ko kasi alam sasabihin ko e. Hindi ko alam kung paano magre-react." She truthfully said. A smile played on Luke's lips. She's really clueless. And he finds that cute.

"It's okay." He replied.

Matagal na nag-isip si Renaissance, pero sa loob-loob niya ay nagpe-pray talaga siya, seeking God's guidance. "Manliligaw ka ba?" Biglang tanong niya. Ngayon si Luke naman ang nagulat sa tinanong nito, "K-kasi... ayoko pa magpaligaw, tsaka kinakabahan ako sa magulang ko. Di ko alam sasabihin ko sa kanila, tapos— pwede bang maging magkaibigan muna tayo? Getting to know each other ganoon?"

Parang pinana naman ng punyal ang puso ni Luke. Na-friendzone siya. "I respect your decision. Even if you want me to be friend with you then I'll be your friend to get to know you more." Ngumiti siya sa dalaga bilang pag-aalo ng pakiramdam nito. "I don't want to rush you to that stage. You're the one I'm pursuing, you have the right to say yes or no." Tumango si Renaissance bilang sagot pero hindi ito nakatingin sa mga mata niya. Kanina pa ito hindi makatingin ng direkta sa kanya.

"Thank you, Luke. Alam kong alam mo 'yung priorities ko ngayon. Thank you." Ngiti nito sa kanya. Para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si Renaissance.


Mahangin ang gabi at giniginaw siya. Kaya bago sila lumabas ng restaurant ay binigay ni Luke ang jacket niya kay Renaissance. "Thank you." Sabi niya.

ALLRGSTSWhere stories live. Discover now