27-

6.1K 154 13
                                    

SHANIRA's POV

Pagka rating ko sa park wala namang tao doon,I mean may tao pero yung taong inaasahan ko ay wala roon,or baka naman late lang.

Sa totoo lang,nagulat ako sa inasal ng kambal kanina.para bang hindi sila 'yon.basta!naguguluhan na ako.Kung andito lang sila mom...

Mga ilang sandali pa nakita ko na si tita at nakangiting patawid sa kalsada, kaya tumayo na ako sa inuupuan ko at inabangan siya.Pero hindi ko inaasahan ang susunod na mangyari.

Isang kotse ang mabilis na umandar at parang isang iglap lang nawala ang ngiti sa mga labi ni tita ani,kasabay ng mga hiyaw ng mga tao dito sa park.

"TITA!"

Para akong bingi,tulala at hindi marinig ang ingay sa paligid.Lahat ng tao ay nagkakagulo at nag uunahan kung ano ang nangyare.

Napatingin ako sa kotse na mabilis na umandar papalayo,pero isa lang ang hindi ko makalimutan.Ang naka ngisi niyang mga labi at mapupula niyang mga mata.

"Miss!miss!!ayos lang ba kayo?" Isang sigaw at tapik ang nagpa gising sa'kin.

Doon pumasok sa utak ko kung ano ang nangyare,si tita ani...si tita ani

Patay na...

Napaupo ako at umiyak ng umiyak,halos 'di naman mapakali ang babae sa tabi ko.

"Kasalanan ko 'to.kasalanan ko 'to.kasalanan ko 'to.kasalanan ko 'to.kasal----"

"Don't blame yourself mom." Napahinto ako at napatingin sa taong nagsalita.

"Shon..."

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Napatingin ako kay shon,nakangiti siya na parang walang nangyare. At saka bakit nandoon siya?

"Shon---"

"Not now mom," putol niya sa sasabihin ko at tumingin sa'kin."let's go home."

He seem's happy...

Si tita ani,patay na siya.ano na ang gagawin ko ngayon?wala akong contact sa pamilya niya para sabihin kung ano ang nangyare. At ang sasabihin ni tita,ano ang dapat niyang sabihin sakin?

"Sit here mom,bibili lang ako mg drinks." Tumango ako kay shon.

Sinundan ko siya ng tingin habang pumupunta sa counter ah,andito pala kami sa isang cafe.

Napatakip nalang ako sa mukha ko,bakit ba nangyayari sakin 'to?si azumi....

"Mom" napatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang sumulpot sa gilid ko si shon.

Umupo sa harap ko si shon at binigay sakin ang coke.

"Shon,bakit andito ka. Hindi ba dapat ka---"

"Shhh mom,sumunod ako sa inyo.kung hinahanap niyo si shan andun lang siya sa kwarto."

Napahinga naman ako ng maluwag,"Pero shon,dapat hindi mo iniwan ang kambal mo. At si hestia..."

Ngumiti siya,"Yeah,ang saya diba mom?nahanap na si hestia." Sabi niya at uminom ng coke na hawak hawak niya.

Ako lang ba o ano,nag iba ang ugali ni shon.

Tumulo na naman ang luha ko ng maalala ko si tita ani,hindi dapat sakanya nangyari 'yon.Wala naman siyang kasalanan eh.

Tama.

Kasalanan lahat 'to ng demonyong 'yon.kasalanan niya ang lahat lahat ng 'to.

"Mom,"

Kung wala siya,hindi dapat nangyari ang lahat ng 'to. Buhay pa sana lahat ng kaibigan ko,wala pa sanang nangyayaring ganito.

"Mom!"

Napatingin ako kay shon

"Mom it's ok,don't cry." Lalo namang tumulo ang mga luha ko.

Ayoko na,pwede bang mawala nalang ang lahat lahat ng sakit?lahat ng mga masasama? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang?bakit kailangan pang mangyari 'to?

'Coz you're beautiful,mine.'

Napasinghap ako at napatingin sa paligid.

"What's wrong mom?" Umiling ako sa tanong ni shon.Imahinasyon ko lang ba 'yon?

'Nope and nope,I'll take you later mine.'

Napahawak ako sa ulo ko at napailing,hindi.Hindi totoo 'yon.

"Mom,what happened?"

Kinuha ko ang kamay ni shon at hinila siya patayo.kailangan na naming makaalis sa lugar na'to,kailangan naming makabalik doon.

"Mom?"

Hindi pwede 'to,hindi niya pwedeng idamay ang anak ko.Isa siyang demonyo,isa siyang demonyo.isa siyang demonyo.

"Mom!"

Isa siyang demonyo.isa siyang demonyo. Isa siyang demonyo. Isa siyang demonyo. Isa siyang demonyo. Isa siya---

"Mom!your hurting me!"

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin kay shon na paluha na. A-anong ginawa ko? Agad akong lumuhod para pumantay sa kanya at hinawakan siya sa mukha.

"A-are you ok?I'm so sorry shon...I-i'm so sorry...."

Para akong wala sa sarili,anong nangyayari sa'kin?

"Mom," banggit ni shon sa pangalan ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya, ngumiti siya sakin at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"Let's go home mom." Napangiti ako at tumango.

Pagkarating namin sa bahay nila hestia,pumunta kaagad kami sa kwarto.

"Shan?" Tawag ko

Mula sa banyo,lumabas si shan.

Kaagad ko siyang niyakap,"err...mom?"

Umiling ako at niyakap silang dalawa salamat at ligtas sila.

"Why mom?bakit ang lungkot mo?"takang tanong ni shan.

Umiling ako habang pinipigilan ang mga luha ko,"shan,patay na si tita ani mo." At doon tuluyang tumulo ang mga luha ko.Tinapik tapik naman ako sa likod ng kambal.

Mga ilang sandali,nahimasmasan ako mula sa kakaiyak.Hindi pa ba ako nasanay. Halos sakit nalang ang nararamdaman ko.

"Mom, may pumuntang lalaki dito kanina."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni shan. At lalo pang kumunot ng siniko ni shon si shan.

"Sino?" Tanong ko

"Pinapabigay niya sa'yo 'to." Inabot sakin ni shan ang isang sobre.

Isang litrato ang nakita ko sa loob ng sobre,nanlaki ang mata ko ng makita ang nasa litrato.

"Ahh!!"

"Mom! Wake up!"

Napa upo ako mula sa pagkakahiga ko,napatingin ako sa kambal na nasa tabi ko. Isang panaginip?

"Binangungot ka mom,here drink." Ininom ko ang binigay sakinng isang basong tubig ni shon.

"Nakatulog po kayo kakaiyak kanina." Sabi ni shan na nagpagulo ng isip ko.

*-*-*-*-*-*-*-*-*

Ryu POV

Yeah,nangyayari na ang inaasahan.napatawa nalang ako sa sarili ko.sinasabi na nga ba eh.

Hindi matutuloy ang binabalak ni lacxious,wala parin siyang laban.wala pa rin kaming laban sa kaniya.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

A/n: I'm so sorry T^T ngayon lang ulit huhuhu.parang nawalan ng ideya yung utak ko.

Haist :(

Pero salamat sa pagbabasa ^_^ lalo na sa nagsabi na mawawala daw bias ko hahaha char lang.

Thank you sa inyong lahat!!muah!

DEVIL'S OBSESSION[devil's trap]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon