30-

5.5K 118 6
                                    

Short~*

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatitig sa kawalan. Abala ang kambal sa kung ano man at ito ako,nakatulala sa nalaman.

Napatingin ako sa kambal, dapat ba akong maniwala kay lacxious?hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Mom, for you." Napatingin ako kay shon

Napangiti ako at tinanggap ang ginawa niyang flower na gawa sa papel.

"Saan mo natutunan 'to?" Tanong ko

But instead na sagutin ang tanong ko,ngumiti at bumalik lang siya sa ginawa niya.Napatingin naman ako kay shan na nakatitig lang kay shon.

Naramdaman niya atang nakatingin ako dahil tumingin siya sakin. Nginitian ko siya.

"Mom, pwede ba akong manood ng tv?"

Napatahimik naman ako sa sinabi ni shan,pero tumango rin sa huli. Hindi ko naman siya pwedeng pagbawalan hindi ba?

Tumango nalang ako.

Ibig sabihin ba nun ang katawan ni sam ay kay lucian na? Sobrang gulo na nangpangyayari at halos 'di ko na na aalala ang mga taong nasa paligid ko.

Napatingin ako sa kambal, totoo ba ang sinabi ni lacxious? Sa dami rami ng nangyari sa buhay ko hindi ko na alam kung sino ba dapat ang paniniwalaan ko.

Napatingin ako sa pintuan ng may biglang kumatok,tatayo na sana ako ng pigilan ako ni shon. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Ako na po."

Gulat ko siyang sinundan ng tingin habang binuksan ang pintuan para tingnan kung sino ang kumatok. Napatingin naman ako kay shan na ngayon ay nakatingin kay shon.

"Shanira." Napatayo naman ako kung sino ang taong tumawag ng pangalan ko.

Dahil sa gulat, hindi agad ako nakapag react hangang sa nakalapit na siya sakin. Saka ako natauhan ng bigla niya akong hawakan sa braso.

Napa atras agad ako at hinawakan ang kamay ng kambal at lumayo sa kanya.

"W-wag kang matakot."

Sobrang kabog ng puso ko na halos yun nalang ang naririnig ko.

Umiling ako

" Hindi, hindi ko alam kung bakit buhay kapa ryu." Tama si ryu ang nasa harap ko ngayon.

Biglang lumungkot ang itsura niya bakas doon ang sakit at pagsisisi. Magsasalita na sana ako ng bumukas ang pintuan at pumasok si lacxious na animo'y nagmamadali.

Pero ang nakaagaw sa pansin ko ay ang mga sugat na siya katawan. Teka saan niya nakuha ang mga 'yan.?

"Lacxious..."

"Kailangan na nating magmadali,nalaman na nila na tinakas kita ryu." Teka ano?

"Teka ,teka lang anong pinagsasabi mo lacxious?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Pero di niya ako sinagot at hinila nalang basta basta, kinuha naman ni ryu ang kambal at sumabay samin.

"Teka!ano bang nangyayari!" Sigaw ko at pilit na inaalis ang pagkakahawak ni lacxious sa kamay ko.

Pero hinawakan lang niya ako ng mahigpit at hinila sa kung saan. Teka ano ba talaga ang nangyayari?

"Hindi ito ang tamang oras magpaliwanag shanira,pero kailangan natin makaalis dito sa madaling panahon." Hingal niyang sabi at mas binilisan pa ang takbo.

Lumingon ako sa likod at kita ko na buhat ni ryu ang kambal, ang lakas naman niya.

Napasigaw ako ng biglang may sumabog sa likod namin, huminto kami at tiningnan kung ano 'yon.

Anak ng!

'Yung tinitirhan namin biglang sumabog.

"Sh-t,ryu!bilisan mo!" Biglang sabi ni lacxious at tumakbo ng mabilis.

Takbo lang kami ng takbo hanggang makarating kami sa isang building.

"Lacxious, na-nasan tayo?" Mahina kong tanong

"Pupunta tayo sayo condo ko, ligtas tayo doon."

Napatango nalang ako, nakita ko naman ang kambal kaya dali dali akong tumakbo sakanila at niyakap.

"Ayos lang ba kayo?" Tumango naman ang dalawa sa tanong ko.

Thank goodness.

Ng makarating kami sa condo ni lacxious napatingin ako sa paligid. Malinis at halatang alagang alaga.

Napako ang tingin ko sa pader,may kung anong mga nakasulat doon na hindi ko alam kung ano ang ibig sabibin. Hindi lang iyon, may mga bagay ring naroroon na gawa sa kahoy.

"Ma-upo muna kayo."

Nasa tabi ko ang kambal habang nasa harap ko naman si ryu at lacxious.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari ngayon shanira,pero please maniwala ka sa sasabihin ko."

Napatango nalang ako sa sinabi ni lacxious, maraming katanungan ang nasa isip ko ngayon at sumasakit narin ang ulo ko.

Bumuntong hininga siya," Tinakas ko si ryu, at ngayon alam na nila ang ginawa ko." Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi gusto ni ryu ang mga nangyari  noon shanira." Tinutukoy niya ba yung nasa mansion kaming lahat?
Yung mga ginawa ni ryu?

"Maniwala ka shanira,hindi naman 'yon magagawa ng isang kapatid."

Napa-isip ako,siguro nga hindi talaga ginusto ni ryu na gawin 'yun. Pero kailangan ko parin ng paliwanag.
Wait...kapatid?

"Ano?kapatid?" Naguguluhan kong tanong.

Tumingin si lacxious kay ryu at tumango na para bang sinasabi na sabihin niya na kung ano ang dapat niyang sabihin.

"Shanira, hindi ko naman talaga kapatid si yuri." Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya pero napaisip din.

Ibig sabihin tama ang kutob ko noon na hindi sila magkapatid?

"Ikaw shanira..." Napabalik ang tingin ko sakanya.

"Hah?"

"Ikaw ang kapatid ko shanira."

Feeling ko huminto ang oras at ang lahat sa paligid. Ano?si ryu?kapatid ko?

All this time may kamag anak pa pala akong natitira, mahina naman akong napa iyak.

"P-pero bakit?bakit ngayon mo lang sinabi?bakit ngayon ?" Naguguluhan na ako at eto pa sumabay pa 'tong nalaman ko ngayon.

"Well, sa umpisa palang sasabihin ko na dapat sayo 'yun. Ang kaso pinagbantaan nila ako shanira kung di ako sumunod mas mapapahamak ka." Lalo naman akong napa iyak.

"Magpahinga ka muna." Umiling ako

"Kailangan ko ng paliwanag." Napabuntong hininga nalang si lacxious.

"Well,si ryu. Ginamit ka nila para mapasunod si ryu ,pinagbantaan at kinulong." Kunot noo ko siyang tinitigan.

"Sa umpisa palang planado na nila 'yon." Dugtong ni ryu at uminom ng tubig.

"Ibig sabihin hindi si sam ang nakasama natin noon?" Mahina kong tanong.

Tumango si lacxious," Sobrang galing niyang magtago ng sekreto, lahat kayo nalinlang niya."

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot

DEVIL'S OBSESSION[devil's trap]Where stories live. Discover now