36

5K 99 1
                                    

LACXIOUS

Napaatras naman ako ng lumapit siya sakin,at doon ko lang napansin na may saksak rin ako sa kanang hita. Shet!kaya pala nahihirapan akong tumayo.

"Heh...the end, any last word?" Nakangisi niyang tanong

Galit ko siyang tignan,"Die B*tch!" Nawala ang ngisi sa labi niya at lumapit sa 'kin.

"No,DIE!" Napapikit ako dahil tinaas niya ang kutsilyo,alam kong sa puso niya ako sasaksakin .

"Arghh!" Isang daing at isang putok ng baril ang nagpadilat sa 'kin.

Doon, sa lapag nakita ko si lucifer na nakahandusay at may dugo sa, napalingon naman ako sa likuran ko at nakita si ryu na hinihingal habang hawak ang baril.

Ngumisi siya sa 'kin bago ako nilapitan at inalalayan patayo.

"Damn you! Ang tagal mo,saan kaba napunta at bigla kang nawala?" Asar kong tanong sa kaniya.

Umiling siya,"Wala si shanira sa rooftop,isang bangkay ang nakita ko doon may tama ng bala sa hita." Agad akong napatingin sa kaniya.

"What?!"

"Kailangan na nating bilisan," hindi niya ako sinagot.

Nagtaka naman ako ng dinala niya ako sa may swimming pool. What?baka gusto niyang maligo?at sa ganito pang sitwasyon?

"Ryu!" Sigaw ko ng bigla siyang lumusong.

Pero ang may nakakagulat pa ng may isang katawan ng babae siyang inangat at inilapag sa gilid ng swimming pool. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino 'yon.

"Shanira!" Oh shet!

"Anong nangyari?!shet naman oh!" Napa sabunot naman ako sa buhok.

Nangyari pa 'to eh, ni wala akong kaalam alam kung anong gagawin. Napayingin ako kay ryu na ngayon ay nakatulala na.

"Do something ryu!" Inis kong sigaw.

Inipit ni ryu ang ilong ni shanira at...at biglang hinalikan! Naitulak ko naman siya bigla.

"What the f*ck man!" Sigaw niya sakin

Aba!

"Anong! Bakit mo siya hinalikan?! Eh nakikita mo na nga ang sitwasyon!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.

Naihilamos niya ang kamay niya sa buong mukha at inis akong tinignan," CPR 'yon, CPR!! Kaya kung ayaw mong mamatay si shanira hayaan mo ako!" Inis niyang sabi at tunuloy ang ginawa niyang...uhmn C-CPR.

"C'mon!"

Maya maya pa umubo ng umubo si shanira kaya inalalayan namin siya maupo.

"L-lacxious?R-ryu?" Mahina niyang banggit sa pangalan namin.

Nginitian ko siya at hinaplos ang mukha niya,"It's ok now,"

*-*-*-*-*-*-*

Tunog ng ambulance at pulis ang maririnig mo rito sa labas at ang mga bagay na nilalabas ng mga pulis. Pagkatapos magkamalay ni shanira,tumanggi siyang magpadala sa hospital. Kaya naroon siya sa ambulance at nababalutan ng makapal na kumot.

Mabuti nalang at naabutan namin siya,kundi...napailing ako at winaksi ang negatibong ideya sa isip ko.

"Sir, 'yan na po lahat ng patay na nakuha namin." Napakunot naman ako noo ko

"May nakita kayong lalaking naka tuxido?" Tanong ko pero umiling siya nagkatinginan naman kami ni ryu.

Ano?paanong?paanong wala silang nakita?paanong wala ang bangkay ni Lucifer?

"Teka,manong may nakita po ba kayong bangkay sa rooftop?"biglang sulpot ni shanira sa gilid namin ni ryu

Tumango ang pulis,"opo ma'am, isa po." Kunot noong tinitigan ni shanira ang pulis.

"Isa?nakakasiguro kaba?P-pero..." Napaisip ng malamim si shanira kaya nagpaalam na ang pulis para asikasuhan ang iba pa.

"Bakit shanira?" Tanong ni ryu

"Maraming beses kong binaril si Lucian,ryu. Alam kong sa lagay na 'yon mauubusan na siya ng dugo at mamamatay." Napahawak siya sa ulo niya.

Napatulala naman ako,imposibleng buhay pa ang dalawang demonyong 'yon. Maraming tama ng bala si Lucian,binaril naman ni ryu si Lucifer sa puso.

Biglang nawalan ng malay si shanira at buti nalang nasalo ko kaagad siya,"Shanira!" Shet.

*-*-*-*-*-*

Nandito kami ngayon sa hospital,nandito nadin ang kambal at nasa tabi ni shanira. Pinasundo ko sila kay ryu,pero nagulat nalang ako ng pagkapasok namin dito sa hospital nakita namin silang dalawa na nakaupo sa waiting area.

Bumalik ang sinabi sa 'kin ng isa sakanila na magpapakamatay raw si shanira. Hindi kaya totoo 'yon? Kaya siya nandoon sa pool? Dahil magpapakamatay siya?

Napailing ako at napatingin sa kambal na nakatingin kay shanira. Huminga ako ng malalim  at napaisip. Bigla nalang nawala ang katawan ng dalawa. 'Di kaya naging abo?demonyo kasi 'yon kaya pag namatay sila magiging abo na.

Napatawa naman ako sa kalokohang naisip ko, pero atleast nailigtas ko na si shanira mula sa kanila. Ang problema, sa 'kin na mapupunta ang company ni Lucifer dahil kapatid 'kuno' niya ako. Tsk.

"Umn..." Napabaling ang tingin ko kay shanira dahil unti unti siyang gumalaw

"Mom?" Sabay na banggit ng kambal.

Dumilat si shanira at napatingin sa kambal, ang akala ko matutuwa siya at yayakapin ang kambal pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Tinulak niya papalayo ang kambal at sumigaw, "Ahh!!lumayo kayo sa 'kin!Lumayo kayo sa 'kin!"

"Shanira!" Dali dali akong tumayo at tinulungan ang kambal.

Napatingin naman siya sa 'kin at takot na takot na napaatras.

"Demonyo ka!Lumayo ka!layuan mo ako!ahh!" Sigaw niya at sumiksik sa kama.

"Damn!call the doctor ryu!" Dali dali naman siyang sumunod,lumapit ako kay shanira at pilit na pinapatahan.

"Shanira!hey,hey,it's me. Ako 'to si Lacxious."

"Lumayo ka!demonyo ka!" Tinulak niya ako at hinagis ang unan. Damn!

"Calm down!ako 'to si Lacxious!" Bigla siyang napahinto at napatingin sa 'kin.

"L-lacxious?" Tumango ako at pinahiran ang mga luha niya.

Ang dungis dungis na niya,ang gulo ng buhok niya at puno ng luha at pawis ang mukha.Niyakap niya ako at doon umiyak siya ng umiyak.

"T-takot na takot ako lacxious, akala ko mamamatay na ako."

"Shhh." Hinaplos ko ang buhok niya para kumalma siya.

"Mom?" Nabaling ang tingin namin sa kambal na nakatayo lang sa gilid, nangilid ang luha ni shanira at nagsimula na namang umiyak.

"Baby!my baby, shan shon." Napailing ako.

Bago siya mahimatay,ang ayos ayos niya pa. Anong nangyari? Bumukas ang pinto at niluwa nun ang doktor at nurs kasama na si ryu.

"Doc, ano pong nangyari?h-hindi naman po siya  ganyan?"

Huminga ng malalim ang doctor at tumingin kay shanira, "I'm sorry to say this but,nagkaroon siya ng trauma sa mga pangyayari as well as phobia." Napanganga naman ako.

Napatingin ako sa doktor, binigay niya sa 'kin ang papel na hawak niya. Nanlaki ang mata ko at naoatingin sa doktor pabalik sa papel at paulit ulit 'yon.

"D-doc?seryoso?" Tulala kong tanong.

Tumango siya,"We tested her and na  discover namin na..." Huminto siya at tumingin kay shanira pabalik sa 'kin.

"Nagkaroon siya ng sakit sa utak,you know what I mean. I'm sorry Mr. Lacxious but kailangan natin siya dalhin sa MH at baka makapanakit pa siya."

DEVIL'S OBSESSION[devil's trap]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon