33

5.1K 96 2
                                    

SHANIRA

Napahawak ako sa ulo ng biglang sumakit 'yon, kinakailangan ko pang i-adjust ang paningin ko dahil sa silaw.

Napabangon ako bigla ng maalala ang nangyari.

Ang kambal!

Nilibot ko ang paningin ko,teka asan ba ako? Napahawak ako sa ulo nang sumakit na naman 'yon dahil sa pilit kong inaalala ang pangyayari,kung bakit ako nandirito ngayon.
Napatingin ako sa suot ko.

Kailan pa ako nagsuot ng pulang dress?

Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yon,nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang pumasok.

"L-lucifer..."

Ngumiti siya sa 'kin at unti-unting naglakad papalapit,kaya napaatras naman ako.

"W-wag kang lalapit!"

Baliwala lang sa kaniya ang sinabi ko at patuloy na naglakad papalapit sa 'kin. Myghad!ano ng gagawin ko?!

"Sabing w-wag kang lumapit eh!" Sigaw ko at tumakbo sa gilid ng kama.

Ngumisi lang siya sa 'kin at umupo sa gilid ng kama,napakapit naman ako sa kurtina .

"You know," panimula niya.

Tumitig siya sa 'kin at ngumisi, "Wala ka nang kawala sa 'min ngayon shanira. So be prepared." Nakangisi niyang sabi.

Paulit ulit akong umiling at napatingin sa lampshade na nasa table. Napatingin din siya doon pero bago pa siya tumayo,mabilis kong kinuha 'yon at hinampas sa ulo niya.

"Oh f*ck!!"

Mabilis akong tumakbo palabas sa kwarto,mas mabilis pa akong tumakbo ng marinig ko siyang sumigaw.

"LUCIAN!F*CK!" Shete!

"Grab her!you idiots!"

Mabilis akong lumiko ng makita ang mga tauhan niya,shet!napakaraming liko na ang nagawa ko at hindi ko pa nahanap ang pinto palabas.

Napatingin ako sa likod at nakita ang mga tauhan niya na hinahabol ako, napamura nalang ako at mabilis na lumiko sa kanan at lumiko sa kaliwa.

Kinakailangan ko silang iligaw.

"Dito bilis!" Mabigat ang paghingang ginawa ko at mabilis na tumakbo.

Pero pagkaliko ko sa kanan napahinto ako ng makita ko si Lucian,napaatras ako ng lumingon siya sa 'kin.

"There you are," nakangisi niyang sabi at mabilis na tumakbo sa 'kin.

Tumakbo ako papalayo sa kanya at umakyat sa hagdan,hindi ko alam kung saan papunta 'to. Pero tatakbo ako para makalayo sa kanila.

"Shanira!stop running!" Rinig kong sigaw ni Lucifer.

Bwiset kayo!ng dahil sa inyo naging miserable ang buhay ko! Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha.

Hindi.

Hindi ako magpapadala sa takot,may nakita akong pinto kaya dali dali ko 'yon binuksan.

Pero shet!naka lock! Aligagang napalingon ako sa paligid at naghanap ng bagay na maaaring magamit ko para masira ang lock.

Napangiti ako ng makita ko ang bakal na upuan,dali dali kong kinuha 'yon at hinampas ang lock.

Bwiset na lock 'to!

Mas nilakasan ko pa ang paghampas ng marinig ko ang mga yabag nila na papalapit sa 'kin. Shit!shit!shit!

Ng masira ang lock dali dali akong pumasok sa loob at sinara 'yon. Mabuti nalang may lock,pero sa tingin ko 'di kakayanin ng lock 'yon.

Napatingin ako sa paligid at napagtantong nasa rooftop ako,sa'n ba ako dinala ng mga 'yon.

"Shanira!" Napatalon ako sa gulat.

"Open this f*cking door!"

Napasabunot nalang ako sa buhok ko at napaiyak. Ano na?ano ng gagawin ko? Umikot ako  at naghanap ng mapagtataguan.

Pero bago ako makapag tago narinig kong nasira ang pinto,nanapahinto ako sa paglalakad.

"Tsk,tsk, now now, come here shanira." Lumingon ako sakanila at paulit ulit na umiling.

Kita ko kung papano tumalim ang tingin ni Lucifer sa 'kin,napasinghap ako at napakurap ng ilang beses. Kailangan kong maka takas sa kanila.

Pero papano?! Eh,nandito kami sa rooftop. Napailing ako at napatingin sa kanila, napaatras ako dahil naglakad papunta sa direksyon ko si Lucifer at Lucian.

"W-wag kayong lalapit!" Sigaw ko at umatras.

Ngumisi si Lucian," Wala ka ng matatakbuhan shanira,kaya halikana." Umiling ako.

Alam kong may iba pang daan para makalabas dito sa impyernong 'to. Pasimple akong tumingin sa paligid at naghanap ng bagay na pwedeng ipanglaban sa kanila.

Lihim akong napangiti at kinuha ang bakal sa tabi,"Sige,subukan niyong lumapit."

Umiling iling ang dalawa,"tsk,tsk, isang bakal?come on." Hinigpitan ko ang pag hawak sa bakal ng makitang unti unting humakbang ang mga tauhan nila.

"Stop."

"Come on shanira, sa 'min din naman ang bagsak mo. Wala ka ng babalikan doon." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Lucian.

Ano?

"You know what?walang magliligtas sayo,you should know that mine."

Paulit ulit akong umiling,"Hindi!At kailan man ay hindi ako magiging sa inyo!"

Wala akong plano na magpahuli sa inyo!mga demonyo!

"The twins are dead."

Sandali akong napatulala, parang kinurot at dinurog ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Hindi!

Isang patak....

Isang patak hanggang sa sunod sunod na patak ng luha ang lumabas sa mga mata ko, napailing ako at matalim silang tinignan.

"Mga sinungaling!" Galit kong sigaw

"No,we're not. 'Yon ang totoo, nang mahulog ang kotseng sinasakyan niyo sa bangin tanging ikaw lang ang nakaligtas."

What?

Umiling ako,"Bawiin mo ang sinabi mo, bawiin mo!" Umiiyak  kong sigaw .

Hindi,hindi pwedeng mangyari 'yon. Napamahal na sila sa 'kin at eto? Ganito lang ang mangyayari.

"Kasalanan niyo ang lahat ng 'to,kasalanan niyo!"

Napaatras naman silang lahat,pero wala akong pakialam. Mga sinungaling sila.

*-*-*-*-*

LACXIOUS

"Dito lang kayo, ah?" Paalala ko sa kambal at sinuot ang bag na naglalaman ng mga armas.

Tumango naman sila,umupo ang isa sa may upuan hanang ang isa naman ay nakatayo lang at nakatingin sa kawalan.

Napabuntong hininga nalang ako at sinara ang pintuan.

"Lacxious," napatalon ako sa gulat.

Pero ang gulat ay napalitan ng galit ng makita kung sino ang taong tumawag sa 'kin.

"Ryu," Nilabas ko ang baril at tinutok 'yon sa kaniya.

"May lakas loob kapang magpakita sa 'kin pagkatapos ng ginawa mo!hayop ka!" Napaatras siya dahil sa ginawa ko.

"Te-teka lang,andito ako para tulungan ka. Oo nagawa ko lang 'yon dahil sa takot lacxious."

"Eh, duwag ka pala eh!"

Napayuko naman siya,mabuti nga. Kalalaking tao ang duwag.

"Alam ko, at nandito ako para itama lahat ng pagkakamali ko." Binaba ko ang baril at tinitigan siya.

"Alam ko kung nasan nila dinala si shanira," nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Pero 'di ko maiwasang paghinalaan siya at baka nagsisinungaling na naman. Mahirap na

"Siguraduhin mo lang Ryu kung hindi, hinding hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."

DEVIL'S OBSESSION[devil's trap]Where stories live. Discover now