34

4.9K 93 0
                                    

Lacxious

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko habang nag da-drive naman si lacxious. Napalingon ako sa kaniya at napabuntong hininga.

"Nandito na tayo," napatingin ako sa labas.

Isang malaking building ang nakita ko sa likod ng pader, tsk pano kami makakapasok niyan?tapos ang dami pang bantay. Habang nag iisip ako kung papaano makalusot,nakita ko nalang si ryu na pumunta sa isang puno.

"Oi!" Pabulong kong sigaw sa kaniya at tumakbo papunta doon

"Shhh," sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya at pumunta sa pader

Bale nasa gilid ang puno

May kung ano siyang kinakapa doon kaya kunot noo ko siyang,maya maya may isang tile siya na tinulak

At holy shet!biglang nagkaroon ng secret passage sa pader,nakanganga ko siyang tinignan.

"Paano..." Ngumisi siya at kinuha ang bag niyang nasa tabi.

"Tara na,"sumunod lang ako sa kaniya.

Napatalon naman ako sa gulat dahil biglang sumara,kaya sobrang dilim tuloy dito. Pero may mga lamparang biglang sumindi.

What...

"Nadiskubre ko 'to noong nagtatrabaho ako sa demonyong 'yon noon," napatingin ako sa kaniya.

Ah, 'yong panahong tinraydor niya sila shanira?

"Pero sinasabi ko sayo lacxious,hindi ko rin ginusto 'yon." Napatigil ako at tinitigan siya.

Tumigil din siya at tumingin sa 'kin saglit at saka tumuloy sa paglalakad. Huminga ako ng malalim saka siya sinundan.

Tatanungin ko nalang siya kapag natapos na ang lahat ng 'to.

Ilang minuto pa kaming naglakad nang may makita kaming pader,tulad kanina may tinulak din siyang tile at bumukas 'yon.

Nilibot ko ang tingin ko sa lugar, I think basement ito. Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko at sumunod kay ryu na nahimik na naglalakad.

"Anong lugar 'to?" Naitanong ko

"Nandito sa i-" 'di na na ituloy ni ryu ang sasabihin dahil may nakita kaming mga lalaking tumatakbo.

Na sa tingin ko ay tauhan ng demonyong 'yon,nagtago kami at nagtaka dahil parang may hinahabol sila.

Hindi kaya kami 'yon?

Napailing ako sa naisip, "Bilis! Malalagot tayo kapag nakatakas ang babae!" Babae?

Nagkatinginan kami ni ryu, I know, malamang sa malamang si shanira ang tinutukiy ng mga 'yon.

"Sa rooftop bilis!"

Tumakbo si ryu kaya sumunod ako,pumunta siya sa may oader at may tinulak na namang tile.

Secret elevator?wow

Ang dami niyang alam na secret passage sa lugar na 'to.

Habang nasa loob ng elevator,inilabas ko ang dalawang baril at huminga ng malalim. I hope na ok lang siya.

Napapikit ako at siya namang pag tunog ng elevator

Ting

*****
SHANIRA

Lumuluha ko silang tinignan at 'di ko na napigilan ang hikbi. Hinihingal ako sa pagod dahil sa pag-aatake ko sa kanila.

Pero iwas lang sila ng iwas, ang mga tauhan naman niya ay nasa tabi lang at walang ginagawa.

"You're just wasting your strength," sinamaan ko ng tingin si lucian pero biglang pumasok sa isip ko si sam.

Sam

Napailing ako, hindi na 'yan si sam at alam ko na 'yon. Pero hindi ko magawang isipin na siya parin si sam. Na ang katawang 'yon ay kay sam.

Napatalon ako sa gulat ng may kung anong pilit tinutulak ang pinto dito sa rooftop. Hindi lang pala ako ang na gulat,lahat kami.

Nabaling ang attention namin doon, tinuro ni lucifer ang pinto,tumakbo naman ang tatlo nilang tauhan para tignan kung ano 'yon. Pero nakakabinging putok ng baril ang sumalubong sa kanila.

Bumulagta ang tatlo,biglang sumigaw si lucian at sumugod lahat ng tauhan nila. Napahinga at natulala,gulong gulo ang isip.

Teka,baka sila lacxious na 'yon!

Habang doon pa ang attention nila dali dali akong tumakbo papalayo at paikot at nagulat dahil may isa pa palang pinto.

"Omyghad!" Naisigaw ko nalang nang may bumaril sa paanan ko. At buti nalang hindi ako tinamaan na tila ba sinasadyang doon talaga ipatama.

Isang malamig na boses ang nagpahinto sa 'kin,"Don't you dare shanira."

Napapikit ako at napalunok.

What now?

"Turn around," umiling ako at kinagat angpang ibabang labi.

Not this time! Kung kailan may nakita na akong daan para makatakas!

"Boss!!Nandito po si Lacxious!" Nakuha ng sumigaw ang attention namin.

Para bang nabunutan ako ng tinik.
Nqpangiti ako

Si Lacxious!nandito siya para iligtas ako!

"That bastard!" Tumingin sa 'kin si lucifer, napahinto naman ako at parang ewan na nakatayo lang roon.

"You! Bantayan mo at wag na wag papatakasin, or else you're dead!" Malakas niyang sigaw bago tumakbo ng mabilis," That bastard!I'll kill that bastard!"

Nag alala bigla ako dahil sa huling sinabi ni Lucifer,paano?Napasabunot nalang ako sa buhok at parang baliw na palakad lakad.

Rinig na rinig ko ang putok ng baril sa ibaba, napaupo ako at tinakpan ang magkabilang tainga.

Napahikbi ako at paulit ulit na umiling,"Tama na please....t-tama na." Mahina kong sabi sa pagitan nang aking pag iyak.

"Ma'am?ayos lang po ba kayo?" Ayos?tanga ba siya o ano?

Umiling ako at mas lalong yumuko dahil lumalakas ang putok ng baril sa pandinig ko. Kailan ba matatapos 'to?ayoko na. Ayoko na!

"Ma'am!!"

Dahil sa pag iyak diko namalayan ang pag lapit mg isang tauhan nila sa 'kin, napatingin ako sa kamay niyang may hawak ng baril. Napalunok ako

May nagtutulak sa 'kin na kunin ang baril,at patayin siya para makatakas ako. Napailing ako,hindi ako mamamatay tao!

Pero tinutukso ako nito,  namalayan ko nalang na mabilis akong tumayo at inagaw ang baril niya.

Pero shet!malakas siya at ayaw niyang bitawan!

"Bitawan mo ang baril!" Sigaw ko rito.

"Ma'am kayo po ang bumitaw!malalagot ako kay boss pag nasaktan kayo!"

Napamura ako at sinipa siya sa pagitan ng kaniyang mga hita dahilan para mabitawan niya ang baril.

"Aww!"

"Shut up!"

Napaluhod siya sa lapag habang hawak ang bahaging sinipa ko,kahit nanginginig,nagawa ko parang itutok sa kaniya ang baril.

"M-ma'am,bitawan niyo po 'yan," napa tiim bagang ako dahil sa sinabi niya.

"Shut up!" Kasabay ng pagsigaw ko, aksidente kong nakalabit ang gatilyo at tumama ang bala sa kanang hita niya. Napa atras pa ako dahil sa impact.

Napamura siya,at napatulala naman ako,omyghad!nakabaril ako! Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko ang nangyari kani-kanina lang.

W-what..anong nagawa ko?

DEVIL'S OBSESSION[devil's trap]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum