29-

5.8K 157 19
                                    

A/n:ahmn first of all thank you dahil sa pag support niyo sa story ko.and sorry super tagal ko lagi mag ud hehe.
so yun lang enjoy~

*********

Nakasunod lang ako kay lacxious na ngayon ay may kung anong pinagkakaabalahan.

Hindi ko alam kung nasaan kami,pero sa tingin ko totoo naman ang sinabi niya na sasabihin niya sakin ang lahat lahat.

Napagpasyahan kong sumama sa kanya dahil may kung anong nagtutulak sa akin na dapat malaman ko kung ano ang sasabihin niya.

Lumingon sakin si lacxious,pero nakatuon ang tingin ko sa hawak niyang album. Album?

"Tingnan mo lahat ng 'to." Saka niya nilapag sa harap ko ang tatlong malalaking album.

"Unti-unting malalaman mo na ang katotohanan,shanira. At sana handa ka." Napalunok naman ako sa sinabi niya.

Ngayon paba?ngayon paba ako matatakot?ngayon paba ako matatakot na halos puro takot at pangamba na ang nararamdaman ko.

Kinuha ko ang isang album at binuklat. Isang masayang pamilya ang bumungad sakin. Pero naagaw ng pansin ko ang dalawang batang lalaki.

Ang isa nakangiti sa mantalang ang isa naman ay walang expresion ang makikita sa mga mata.

"I bet,ikaw 'tong batang nakangiti?" Nasabi ko nalang

Narinig ko naman siyang tumawa nang mahina kaya napatingin ako. Tumango siya

"Alam kong kilala mo na ang isa."

"Oo"

Sa sunod Na picture dalawa sila ni lacxious at lucifer.
Sa pangalawang album,puro stolen shots nilang dalawa ang nandoon. May mga nakakatawa,pero agaw pansin parin ang isa. Si lucifer.

Kumunot ang noo ko sa sumunod na picture,puro siya ang andoon at wala ng picture si lacxious.

"Sinama ako ng tita ko that time sa america." Napatango naman ako.

Pero hindi ordinaryong shots ang meron,halos lahat ng pictures niya para siyang may kausap.

Sa paglipat ko ng page sa album,may nalaglag na picture. Pinulot ko 'yon pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Si Lucifer na nakaharap sa salamin,kitang kita ko sa reflection na naka ngisi siya. Since nakatalikod siya sa camera 'diko alam kung nakangisi takaga siya.

"Teka,sinunog na namin 'to ah?" Takang tanong ni lacxious at kinuha ang picture.

"Ano?"

Napabuntong hininga siya at nilapag sa mesa ang picture. "Hindi na ako magtataka." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Noong mga bata palang kami,gusto niya lagi na mag isa siya. Bilang nga lang ang pag uusap namin eh." Sabi niya at saka uminom ng juice.

"Shanira,ampon lang ako."

"Ano?" Nasabi ko nalang

"You see, ang tatay namin  I mean ni lucifer binenta niya ang soul niya sa isang demonyo." Napatulala naman ako sa sinabi niya.

"Pero hindi lang 'yun ang nangyaring kapalit, You see...dalawa ang katauhan niya."

Napamaang ako," what do you mean?"

Tinuro niya ang picture na nilapag kanina, "Nakikita mo 'yan?isa niya pang katauhan ang nakikita mong nakangisi."

Napa kurap naman ako ng ilang beses sa sinabi ni lacxious,parang si azumi lang pala ang tatay niya.tsk

DEVIL'S OBSESSION[devil's trap]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt