Chapter 22

3.6K 84 0
                                    


"I've tasted the best food ever!" manghang turan ni Treven habang naglalakad kami pabalik sa aming classroom. Kaming tatlo pa rin ang magkakasama, tutal magkaklase naman kami eh. At habang naglalakad kami ay ino orient na siya ni GIgi ng mga lugar na maaaring tambayan dito sa school.

"Yeah...magaling kasi sa Nanay Belinda eh." nahihiyang turan na Gigi na halatang kanina pa kinikilig. Katabi niya kasi si Treven at halos magkadikitan na sila dahil sa siksikan ngayon dito sa Hallway.

Pinagtitinginan ngayon ng ilang studyante si Treven na akala siguro ay Artista. Nagkibikit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pero hindi ko pa rin naiwasang mapakinggan ang ilang bulungan.

"Ang swerte ng dalawang girl..."

"Oo nga no? Nakatabi nila ang isang famous."

"Di lang famous, anak pa ng may-ari nitong school!"

Nagpatay malisya na lang ako at nauna nang maglakad sa dalwa.

"Wait for us!" rinig kong sigaw ni Treven pero papaakyat na ako nun sa hagdan kaya hindi na ako nag aksaya pang lumingon. On my to our room, dinig na dinig ko ang nakakabinging sigawan ng mga kaklase ko. Hindi siya yung sigaw na parang kinikilig.

Parang may nag bubugbugan.

Mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa room namin at dun nga, nabungaran ko si Josh---kaklase ko at ang kakambal ni Treven na nagbabasagan ng bungo. Ang ilang kong kaklaseng lalaki ay nakatayo lamang sa gilid habang masayang nanunuod. Amg ilang babae naman ay di alam ang gagawin, kung mag ch-cheer ba? Dahil dalawang nag-gwapuhang nilalang ang nasa focus ngayon o mag h-histerical lalo na't nababasag ang mukha ng kanilang ini idolo. I think...the former?

"J-josh---" napatingin sa akin si Josh kaya hindi niya namalayan ang kamao ni Trevore. Tumama ito sa kaliwang pisngi ni Josh na nagpaatras dito palapit sa aking direksyon.

Agad ko siyang dinaluhan at hindi na pinansin pa ang masasamang tinging ipinupukol sa akin ng ilang kong kaklaseng babae.

"Josh.."

Nagtaas ng tingin si Josh sa akin. Nakakaawa ang itsura ni Josh. Putok na ang labi't namamaga pa ang mga mata't pisngi.

Akmang susuntok pa si Trevore nang biglang dumating si Treven at iniharang ang sarili laban sa malademonyong kapatid.

"Stop it." madiing saad ni Treven.

Kita ang gulat sa mukha ng ilan kong kaklase, marahil ay ngayon lang nakita---o napansing may kakambal pala ang kanilang hinahangaan.

"Move." kalmado ngunit nakakatakot sa sabi ni Trevore.

"No. You're gonna hurt her." marahil ay ako ang tinutukoy ni Treven. Baka iniisip niyang sasaktan ako ng kakambal niya dahil sa ginawa kong pag harang at pagtulong kay Josh.

"I don't fucking care!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa galit niya. 1st year highschool pa lang siya, how could he be this cruel?

"Move aside or I'm gonna beat the hell out of you." banta ni Trevore.

"Then so be it." mas domoble ang laki ng mata ko nang biglang i itsa ni Treven ang dala niyang back pack at itinaas ang magkabilang manggas.

"Fight me then."

Nag smirk si Trevore at pinantaasan kami ng kilay. "Really? You're making yourself a hero to that..." tiningnan ako ni Trevore mula ulo hanggang paa na may pagmamaliit. "Lowlife?"

Obsession #2: The Mafia Lord's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon