Chapter 35

6.2K 95 8
                                    

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kay Jaguar na sa sobrang liit ay halos di niya na mabuhat ang kalahating sako ng yelo.

He's busy hauling the snow that covered the cemented path.

Sobrang cute niya sa suot na makapal na sweater at jacket na tatlong layer pa para hindi siya lamigin. May suot din siyang winter boots na umabot hanggang tuhod nito. At ang bonnet nito na ginawa pa ni Gemma.

Napatingin ako sa mag asawa na panay tawa habang pinapanood ang kanilang anak.

"Ang savage niyong mag asawa no? Kawawa ang anak niyo?"

Lumapit sa akin si Gemma at binigyan ako ng halik sa pisngi.

Kagagaling lang nila sa isang ob-gyne para magpa check up.

Ako ang naiwan sa kanilang panganay na anak na si Jaguar na ngayon ay Limang taong gulang na.

Limang taon.

Limang taon na rin kaming naninirahan dito sa Chicago.

Tahimik at simpleng buhay na hinangad noon ng aking mga magulang.

Noong panahon tumatakas ako kay Trevore at sa sakit ng nakaraan ay naisipan kong mangibang bansa.

Naisip ko pa noon na sa Hawaii or sa Alberta magtago dahil tahimik na lugar iyon, at posibleng hindi ako mahanap ni Trevore.

Pero nung magdesisyong sumama ang mag asawang si Juno at Gemma, wala na akong nagawa nang imungkahi nilang sa Chicago na lang kami manirahan.

Limang taong walang Trevore at limang taon ko na ring kinalimutan ang masasamang nangyari sa aming magkapatid.

Tuluyan ko nang napatawad si Ron. At maging si Treven at ang ama nila ni Trevore.

When Jaguar came to our life, natutunan kong may mas importante pang dapat pag tuunan ng pansin maliban sa sakit at nakaraan.

Hindi na ako nagtago.

I started to live my life like a normal person. Yung hindi naka libing ang mga paa sa hukay.

I became a secretary to one of Juno's business partner here in Chicago. Real estate ang kompanyang pinagtatrabahuan ko, at apat na taon na akong nagsisilbi rito.

Sikat ang kompanyang kinabibilangan ko kaya hindi imposibleng balang araw ay makita ni Trevore sa mga pahayagan ang mukha ko.

Pero hindi ko na lubusang inintindi iyon. Kung magkita man kami ay magkita.

Sa tingin ko naman, sa limang taon naming pagkakalayo ay natutunan na rin niya akong kalimutan.

Napatingin ako sa hawak kong kwintas. Ito ang singsing ko na ginawa kong kwintas.

To me... it's special. And it will remain as is forever.

"Ate. Nakatingin ka na naman sa kwintas ah. Miss mo na siya?"

Kaagad kong itinago sa suot kong makapal na jacket ang kwintas nang lumapit si Juno.

"Oo. Minsan." Nginitian ko siya.

Natural na sa amin ang mag aminan.

Totoong kapatid na ang turingan namin ni Juno sa isa't isa kaya naman labis labis ang saya ng kapatid ko. Medyo soft hearted kasi si Gemma na siyang totoo noyang pagkatao.

"Oh siya. Ipasok niyo na si Jaguar at baka sipunin yan." Inutusan ko ang yaya nila na tulungan si Gemma sa pag aya kay Jaguar.

Nagpaalam na rin ako sa kanila pagka't ako'y uuwi na rin.

Obsession #2: The Mafia Lord's PropertyOnde histórias criam vida. Descubra agora