Chapter 28

3.8K 84 0
                                    


Melarie

"Are you really sure about this?"

"Yes." matipid kong sagot kay Gigi.

I loaded my .38 gun. Isinuksok ko ito sa aking holster na nakapaikot sa aking bewang.

Ron and I planned to go separately to the island. Nauna na siyang umalis sakay ang yateng pinadala ni Emman. Emman, didn't know about our plan. And telling him about it is beyond MY plan.

This time i'll be more careful. More vigilant than before. Hindi na ako magpapadalos dalos sa bawat galaw ko.

Treven will not lay his hands on me again. It's payback time. I'm gonna make him pay sa pagkawala ni Trevore. I know, siya ang pumatay kay Trevore. I'm sure of it.

He'll rot in jail. And i swore to Trevore's grave, mahuhuli ko siya...together with the tyrants of the underground society. Bubuwagin ko ang organisasyon nila na walang ibang ginawa kundi maglaganap ng kasakiman.

And lastly, I'll make that Old-Devil Emmanuel pay for everything he have done to my family.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Gilliana sa akin.

"Just be safe. Bumalik ka dito ah?"

Tumango tango ako.

"I will." hinawakan ko ang wrist niya na may bandage.

The reason why Ron is over protecting Gigi is because of the micro bomb planted in Gigi's flesh. An activated bomb which Emman had set three weeks ago. Nangangamba ako kapag hindi nagawa ni Ron ang plano, baka pindutin na lang bigla ng demonyo ang remote na kumukontrol sa bomba. That's why, nagpumilit akong sumama. I wanted to help him finish the job. Kung hindi, hindi ako mapapanatag lalo pa't mamayang gabi na ang due ng usapan nina Emman at Ron.

Gigi doesn't know anything about the bomb, i'm afraid she might freak out. Ang alam niya lang ay kailangan naming hulihin si Treven dahil napasama ito sa wanted list ng agency at ng local police department which is di naman totoo. Paano mapapasama sa wanted list ang isang taong di man lang makitaan ng criminal records? Possible if you have money, and money is power. Kaya nga malayang nakakagalaw si Treven, because he has lots of money to fix things beforehand.

"I have to go." isinukbit ko ang bag na dadalhin ko sa Isla sa aking balikat at mabilis na hinalikan sa pisngi si Gigi.

Madaling araw pa lang at tanging si Gigi at Juno at ilang kasambahay pa lamang ang gising. Kailangan ko nang umalis bago pa man magising ang kapatid ko. Hindi niya alam ang tungkol dito, i intended not to tell it to her. Alam ko namang di siya papayag. She would definitely object.

"Mag iingat kayo dito."

"Opo ate." sagot ni Juno.

Lumabas na ako ng tarangkahan at mabilis na sumakay sa motor na pagmamay ari ko.

Papunta ako ngayon sa pier kung saan naroon ang speedboat na gagamitin ko.

Ron had make sure that I'll have everything i will need. At kasama na nga ang speedboat na gagamitin ko papunta sa Isla De San Veda.

Nagsisibukasan pa lang ang ilang tindahan sa bawat lugar na dinadaanan ko. Kakaunti rin ang mga sasakyang nakikisabayan sa akin.

Mas dinagdagan ko pa ang bilis ng pagmamaneho ko na halos makaagaw na ng pansin sa lakas ng tunog at bilis ng pagtakbo nito.

I aim to reach my destination in less than 5 minutes.

Inalis ko ang suot kong helmet at ibinigay ito sa taong naghihintay sa akin sa tapat ng gate. Sa taas ay may nakasabit na signage: Do not enter. Private Property.

Obsession #2: The Mafia Lord's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon