Chapter 3: THE REGISTRAR'S NOTE (The Encounter)

32 13 3
                                    

Isang buwan na ang nakalilipas magmula ng makalabas si Dad. Nagpasalamat siya sa mga pulis at nahuli ang frustrated killer niya. Isinikreto namin ni William na ako ang nakadiskrubre kay Mr. Blaster, ang may ari ng power plant na naipasara nila Dad sa U.S.. Hindi rin naman mate-trace ng mga pulis na nakialam ako sa imbestigasyon nila dahil binack-up-an ako ni William.

It's good to have a loyal friend.

Halos kalahating buwan na lamang at magpapasukan na naman. Hindi ko gustong makipagsiksikan sa enrolment kaya mag-e-enroll na ako ng maaga. Ngayon, magpapakahirap akong mag-enroll dahil hindi ko tinanggap ang offers ng mga school abroad.

9:35 a.m. ng makarating ako sa bukana ng isang university, ito na yata ang university na hinahanap ko. Wala naman kasing ibang school na mas malapit sa location na sinabi sa advertisement sa internet.

Kung ito na nga ang university na hinahanap ko ay hindi na rin masama. Tiyak na magiging komportable ako rito dahil maayos at malawak ang pasilidad. I'll bet, I'll enjoy my stay here.

"Good morning, Sir." Ang bati ng mga palakaibigang gwardiya na animo'y mga businessman sa suot nilang corporate attire. Strange. Bakit ganu'n ang suot nila? Siguro ay dahil enrolment season.

Para hindi naman ako magmukhang bastos ay nginitian ko sila at nagdire-diretso na sa pag-o-occular visit sa paligid.

Sa pagpasok ko pa lamang ay naagaw na ang aking pansin ng mga salamin na halos kuminang kapag nasisinagan ng araw. Kung hindi ako nagkakamali ay kapareho iyon ng salaming ginagamit sa isang mamahaling brand ng relo. Hindi naman maburloloy ang disenyo ng paligid, simple lamang ngunit mukhang elegante at mamahalin, rubberize rin ang pavement.

Ito ba talaga ang eskwelahang itinuro ng bote noong nag-spin the bottle ako? Para naman kasing hindi dahil ordinary university lamang ang nakasaad sa internet. Wala man lamang sinabing ganito at ganyan ang mga facility dito. Siguro nga ay hindi sila naglagay ng napakaraming impormasyon para ma-curious ang mga estudyanteng gustong mag-aral dito.

Limang minuto na akong naglalakad ng may makasalubong akong isang lalaking may dalang tatlong itim na folder, may taas itong 5'7 at balingkinitan ang pangangatawan. May kalakihan din ang mga kulay brown nitong mata. Madaling-madali ito at tila may hinahabol na oras. Mainit ang panahon pero makikita mo ang panlalamig sa katawan niya dahil maputla ito.

"Manong..." Tiningnan ako ng masama ng lalaki.

Ano namang mali sa sinabi ko? Kapareho kasi ng suot niya ang uniporme ng mga gwardiya kanina. Nakacorporate attire din ito ngunit imbes na plain black ang iterno niya sa kanyang puting long sleeves ay may disenyo itong kaunting pula. Something is wrong.

"I'm a professor here." Mukhang nabasa nya ang gulat sa mukha ko. "It's okay though. Mukhang bago ka lamang sa university kaya hindi mo pa ako kilala."
Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa kaliwang kamay niya. Ipagwawalang bahala ko na lang sana iyon ng mapansin ko ang maliit na hiwa sa kaliwang hinlalaki niya. May mali nga sa kanya.

"Sorry po." Iyon na lamang ang sinabi ko at hindi na ako nagpahalata na may napansin akong mali sa kanya.

Kunwari ay nahihiya akong tumango at hindi ko inaasahang magpapakilala ang lalaki.

"Alden Santiago, biological science professor." Iniabot niya ang kanang kamay niya.

"Herald Angeles.." Tinanggap ko iyon. Malamig ang kamay niya. Posible kayang...

"Ano nga palang kailangan mo? Bakit mo ako tinawag kanina?" Alangang tanong niya. Bakit parang iniiwasan niya ang mga tingin ko?

"Sir, I just want to ask something.." Medyo nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Ano kayang itinatago ng isang ito? Adultery? Plagiarism? Falsification of documents?

GAME OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon