Chapter 7: SLEEPING TIME

20 13 4
                                    

I feel so excited to update because thia story is in #272 of Mystery/Thriller. (09/26/17)
Dedicated to AyreenFortunado.

“I’m warning you, it is addicting. If you discover some part, you’ll never stop until the end.”

Magmula ng sabihin niya iyon ay hindi na ako natahimik sa paghahanap ng clue na makapagsasabi sa akin kung sino nga ba siyang talaga. Kahit binabalaan niya na akong huwag na akong lumapit sa kanya ay binalewala ko pa rin iyon sa hindi ko malamang dahilan.

Kahit na may sulat pa akong natanggap na nagsasabing layuan ko si Harmony Harrison ay hindi ko pa rin ginagawa. Ano ba kasing mayroon siya? Halos hindi na matahimik ang isip ko dahil sa misyeryong bumabalot sa katauhan niya.

Isang linggo na rin pala ang nakalilipas magmula ng insidente na kinasangkutan ni Samuel Concepcion. Ibig sabihin ay isang linggo na ring tahimik ang eskwelahang ito.

Katatapos lamang ng aming lunch break at nasa biology laboratory kami ngayon for our elective subject. Advance biology. Unang beses pa lamang naming gagamitin ang laboratory para sa semester na ito ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na pangalawang beses na akong nakapunta sa lugar na ito. The first time was when Mia, the head registrar was murdered.

Due to her untimely death, ang subordinate niyang si Ma’am Erna Rosales ang pumalit sa kanyang posisyon.

Natapos ng magpaliwanag ang aming instructor kaya sinimulan na namin ang pagdi-dissect ng palaka. It’s a piece of cake for me since on my previous university in States, my instructors gave me advance lessons. Kung tutuusin, pwede kong laktawan na lamang ang grade 10 at ang senior high at dumeresto na sa course na gusto ko but I want it to be fair. Gusto kong danasin lahat ng hirap or what I mean is, I just want to make my time lengthy at school.

Nakita ko kasi ang hirap ni William ng nag-accelerate siya ng three years kaya ayun, wala siyang choice kundi ang magtrabaho na. Useless daw kasi ang acceleration niya kung hindi pa siya magtatrabaho pagkatapos ng Political Science degree niya na later on ay idineretso niya ng law.

Magsa-submit na sana ako ng isa sa mga lalaking kaklase ko ang nawalan ng malay habang nag-di-dissect ng palaka. Imposible namang nagulat lang siya sa palaka kasi kanina pa namin hawak ang sample. Kaya may kakaibang nangyari.

Napansin ko ang nakapapasong tingin ni Hany at nang tingnan ko siya pabalik ay inirapan niya ako. Ano na naman ba iyon!

Kaagad siyang nilapitan ng aming instructor at pagkasuri sa aming kaklase ay tinawag niya ako. Hindi siya ng dalawang sabi ng lumapit ako kaagad.

He’s Kyle Perez. Kilalang science geek ng sectiong ito. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit mahihimatay siya sa kalagitnaan ng pag-di-dissect sa isang palaka. If he’s a real science guy, dissecting samples are ABC.

Itinakbo ko kaagad siya sa clinic. Naihiga ko na siya sa kama at pinalabas ako ng kwarto upang masuri ng university doctor ang aming kaklase.

Nagulat pa ako dahil pagkalabas ko ng pinto ng room sa clinic ay  tumambad sa akin ang isang nakahalukipkip na pigura ng babae. Nakataas din ang kanyang kilay habang binabasa ang kabuuan ko.

“How was Kyle?” Kaagad niyang tanong pagkalapit ko sa kanya.

“He’s fine. Mukhang hinimatay lang siya kanina. High humidity?” Nagkibit-balikat pa ako para mas epektibo ang statement na binitiwan ko.

Hindi ko sinabi ang aking totoong puna. Ayokong kung saan na namang kaso kami pulutin ng babaeng ito.

“You know, transferee..” Tiningnan l  ako mula ulo hanggang paa. “… you can’t enroll in a drama class. You’re not even good at pretending.” Inikilutan niya ako. She’s wearing her famous smirk.

GAME OVERWhere stories live. Discover now