Chapter 9: BEfriend with TOMINO

19 12 5
                                    

Kaagad din namang nawala ang gulat sa mukha ni Hany ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya gamit ang salamin ng sasakyan. Alam kong ginawa niya lang iyon para itago ang nabasa. I’m not that stupid to unrecognized that there’s something wrong on what she read earlier. Siguro nga ay mas magaling ang deduction skills nya but I’m not that ignorant not to notice a problem.

Tumambay kami sa presinto dahil sa theft case ni Mang Selmar. Nalaman din namin na matagal na pala itong may galit sa may ari kay Phlegein. Kaya bumabawi lang ito sa mga atraso kuno ng lalaki sa kanya. Tsk. Such an fallible reason!

Isang oras din kaming nanatili roon. For an hour, wala akong ginawa kundi magsound trip habang nasa loob ng office si Hany, ang akusado at si Inspector Garcia. Ni hindi nila ako pinapasok sa loob and I’m not even interested. Sa totoo lang, sabit lang naman ako sa kasong ito. I’m a total nuisance. I snorted on the fact.

Inilabas na ng mga pulis si Mang Selmar pero hindi pa rin lumalabas si Hany at si Inspector Garcia. Bigla tuloy akong napaisip kung ano pa ang pinag-uusapan ng dalawa hanggang sa lumabas ng pinto si Hany sa unang pagkakataon.

“Hey…”

“Pupunta lang ako sa comport room. Sira kasing ‘yung sa loob.”

Mabilis din siyang nakabalik at isinara ang pinto. Ang pangalawang beses na lumabas si Hany mula sa pinto ay noong may tinanggap siyang tawag. Hawak-hawak niya pa rin ang notebook at ayaw niya itong bitawan. Base sa tono niya ay iritado din siya. Sounds like someone called that she needs to go home. Nang pagkakataong iyon ay iniwan niyang bahagyang bukas ang pinto dahil roon ay bahagya kong maririnig ang usapan nila sa loob. Talagang sinadya ito ni Hany para iparinig ang pinag-uusapan nila. She hates repeating herself tho. Alam nya rin namang itatanong ko sa kanya ang napag-usapan nila.

Makalipas ang thirty minutes na pag-uusap nila ay lumabas si Hany at iniwanan niya ang inspektor sa loob. Kaagad akong tumayo at sinalubong siya.
“Mind spilling the beans?” I thought I’m not interested by now, I’m contradicting myself. This is embarrassing!

“You should know it.” Tinaasan niya ako ng kilay. Yeah, the door says it all. Ayaw niya nga pala ng tinatanong ko siya. Ayaw niya ng paulit-ulit.

She have no time for repeating herself again and again.

Habang naglalakad kami palabas ng presinto ay napansin kong kapit-kapit niya pa rin ang notebook. Ano bang mayroon iyon? It was just a plain spiral crimson-colored one. Gumagalaw ito na kasama ng kaliwang kamay at kasabay ng kanang paa niya. The goddesses will envy her for having perfect posture. She wears Harrison High’s simple white blouse with matching navy blue longsleeve-coat and miniskirt uniform. It seemed to be an ordinary uniform for high school students at Harrison but it turns out to be an expensive apparel worn by a well-known top model— a brand ambassador. Perfect!

Where outside the bastille when I caught her off guard. Inagaw ko sa kanya ang maliit na pulang notebook na binasa niya kanina habang nasa patrol car kami.

“Akin na ‘yan!” Inis niyang inaagaw sa akin ang notebook. Mabuti na lamang at mas matangkad pa rin ako sa kanya. I’m six flat and she maybe 5’7 or less.

Habang pinag-aagawan namin ang notebook ay may lumipad na bond paper mula rito. Mabilis na tinakbo ni Hany ang papel at pinulot iyon.

Ang wirdo rin ng notebook na ito dahil sa likuran ang umpisa ng sulat. Hindi ko rin maintindihan ang nakasulat.
“Tomino no Jigoku…”

“Wag!” Kaagad na sigaw ni Hany. Ni hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya at naagaw na ang notebook.

Natulala ako sa nabasa ko.
Tomino no Jigoku?

GAME OVERWhere stories live. Discover now