Chapter 10: CARD Game

13 4 1
                                    

Tinahak ko ang landas pabalik sa pinakamadilim na parte ng tunnel kung nasaan si Hany. Natatakot ako sa maaaring kinahinatnan ng sigaw niyang iyon. Kung sinoman o anoman ang naging dahilan ng pagsigaw niya; siguradong hindi ito pang karaniwang upang mapasigaw ng ganu’n ang presidente ng aming klase. Knowing some of her weird personality, hindi siya pasisindak ng ganu’n kadali.

Binuksan ko ang built-in flashlight na nasa relo ko at bumungad sa akin ang isang card. Isa iyong game card. Ano naman kayang ibig sabihin nito?

Naglakad pa ako ng kaunti nang di sinasadyang masipa ko ang isang sapatos. Sa hitsura ng sapatos ay mukhang galing ang may ari nito sa isang maputik na lugar at sigurado akong dito iyon sa loob iyon ng tunnel. Malamang ay may sikretong lagusang nakatago sa sikretong lagusan. Yes, commonly, there’s a secret inside a secret.

Pinagmasdan ko ng saglit ang simple ngunit eleganteng sapatos at hindi nga ako nagkakamali. Tandang tanda ko ang disenyong ito dahil ang sapatos na ito mismo ang umapak sa baryang nahulog mula sa kamay ko ng una akong bumili sa cafeteria. Hindi ko naiwasang ibulong ang pangalan niya.
“Harmony Harrison…”

Inubos ko ang lakas ko upang makarating kaagad sa dulong bahagi ng tunnel at doon ko nga nakita ang aking kasama na walang malay. Kahit na hinihingal pa ay pinilit ko siyang gisingin sa pamamagitan ng pagtapik sa kanyang mga pisngi ngunit hindi ko siya magawang magising.

Are we playing fairytales?
‘Sleeping beauty: Cinderella edition’
*Insert sacasm*
Mukhang kailangan ko pang buhatin ang babaeng ito pabalik sa room namin kung saan naroon ang bag kong mayroong boteng may lamang ammonia. Ayoko namang dalhin siya sa clinic. For obvious reasons, she’s the daughter of the university’s owner and she’s unconscious right now. Malaking gulo ito kapag nagkataon!

Maingat akong nagmasid sa paligid at nakita ko ang ilang mga estudyante na naggagala na. I sighed as I absent-mindedly glimpse my watch. Five minutes left to end up our last subject. Great! Walang makapapansin sa amin kung iko-couple’s carriage ko siya. I and she hate issues that’s why I take the hidden path towards our classroom. I realize how good knowing a shortcut was!

Sa loob ng wala pang anim o pitong minuto ay narating ko na ang room namin at gaya nga ng inaasahan ko, hindi iyon inila-lock. Kaagad kong hinagilap ang maliit na bote sa bulsa ng itim kong bag at inilagay iyon sa panyong nanggaling sa aking kaliwang bulsa.

Ipinaamoy ko ang ammonia sa walang malay kong kamag-aral at ilang saglit pa’y nagkamalay na siya.
“Transferee..” Hindi ko alam na magiging ganito ang reaksyon niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit na parang gusto niyang hindi na ako pahingahin. Is she scared? Natatakot din ba ang mga babaeng gaya niya? I doubted.
“Bakit ka sumigaw kanina?” Nagtataka pa rin ako. Maraming beses ko ng narinig na sumigaw ang babaeng ito but this time, her voice was different. Its does not sound like her usual ruthless and reckless voice. Marahil ay dahil may kasama iyong panginginig at mahahalata ang takot na bumabalot dito. Its uncommon for someone like her calibre!

“May sumusunod sa atin kanina. I sense that minutes ago before that person attacked me but I decided not to call your attention. Binalak ko ring ‘wag ng ipaalam sa iyo dahil alam kong pagod ka na at hindi na rin kita balak gambalain. You take enough for this day.” Sounds like a strange thing. Can she be concern?

Kaya ba pinipilit niya na akong umuwi ay dahil ayaw niyang madamay ako? Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngunit nakaramdam ako ng kumukulo sa kaloob-looban ko.

Pinilit kong pigilan iyon ngunit ng makita ko ang mga galos at maliit na sugat sa braso niya’y hindi ko na napigilan ang bibig ko.
“You shouldn’t did that! Papaano pala kung nakalayo na talaga ako?! What will happen to you? My conscience will kill me!” I don’t know where that fiery anger came from. Ang alam ko lang, naiinis ako sa ginawa niya.

GAME OVERWhere stories live. Discover now