Chapter 12: WARNING

10 3 0
                                    

Dedicated to someone close to my heart, Jeremy 😉

It’s a long weekend since August 28 is Monday. It’s a holiday so it means I can be killed by boredom again. Wala naman akong ibang magagawa sa bahay bukod sa magbasa at magsulat. Nothing is unusual except kapag naaalala ko ang sinabi ni Harmony at ang inihagis niyang kahon na naglalaman ng joker card. Anyways, ayoko munang isipin iyan. TGIF kasi ngayon.

Since it is still Friday, I plan my own long weekend vacation kahit saglit lang. Gusto ko sanang isama si William pero alam kong hindi siya papayag. Knowing that he’s a work horse, hindi siya papayag dahil may trabaho pang kailangang tapusin. Ayaw na ayaw niyang may trabahong nakatiwangwang sa law firm so I decided to go alone.

Sanay naman akong mag-isa. Being alone is my way of relaxing. Dagdag isipin lang kasi ang ibang tao.

My parents are not around. They’re making their own businesses so I don’t need their approval. I surf the net until I find a trip to a secret destination.

I found myself booking a first class ship in that secret destination. Hindi ko alam ang magiging saktong destinasyon ko so I find it thrilling. As easy as a click, the ticket will be sent in no time. That’s what they called ‘connection’.

Nag-empake na ako ng mga gamit para sa aking solo escapade ng tumunog ang doorbell. Nagmadali akong bumaba sa hagdan dahil baka ticket ko na iyon. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad sa akin ang isang lalaking hindi gaanong kataasan, payat at maitim. Mukha siyang Indian kaya akala ko ay siya yung nagpapa-5-6. Uso pala sa Pinas ang ganoon.

“Sir, delivery po..” wika niya na nagpanauli ng aking pag-iisip.

Kaagad niyang iniabot ang maliit na papel. I know it’s the ticket. Pagkaabot niya nito’y nanauli ang ngiti sa mga labi niya. Wala namang kahina-hinala. Isa lamang siya ordinaryong mensahero na napag-utusan para mag-deliver.
“Sign here, Sir.” Pagkapirma ko’y umalis na siya.

Ang husay managalog ng lalaki. Sa palagay ko’y matagal na siya dito sa Pilipinas.

Pagkaakyat ko sa kwarto ay tiningnan ko kaagad ang ticket. This will be fun than killing myself inside my room.

Binalikan ko ang itim na backpack na iniwan ko saa aking kwarto ng makasalubong ko si Manang Luz.
“Nanay Luz, babalik din po ako sa Monday ng hapon.” Magalang kong paalam sa kanya. Si Manang Luz ang dati naming kasambahay noong narito pa kami sa Pilipinas. Salamat na lamang at pumayag pa rin siyang balik para manilbihan sa akin

“O sige, anak. Mag-iingat ka. Nagpaalam ka na ba sa Mom at Dad mo?” I shook my head that made her frown.

“No need. They’re busy doing some business. Kayo na po ang bahala kay West. I have to go.”

Pumunta ako sa pinagpaparadahan ng aking black MBW at nakita ko roon si Manong Rod na naghihintay sa tabi ng kotse. Binuksan niya ang backseat at pumasok ako roon. I can’t drive since my license is invalid here.

Isinuot ko ang headset ko hanggang sa makatulog ako sa biyahe. Its 10:30 p.m. when we reach the pier.
“Thank you po, Kuya Rod.” Nakangiting wika ko.

“Mag-iingat po kayo, Sir Herald. Tawagan nyo na lang po ako kapag narito na kayo sa pier sa lunes ng hapon.” Batid niyang sa lunes pa ng hapon ang balik ko galing sa isang destinasyong hindi ko alam.

Full-booked na kasi ang Saturday ng gabi at lunes ng umaga kaya wala akong choice kundi ang umuwi sa hapon ng lunes since our class will resume on Tuesday at 9:00 a.m. due to some events.

Tumunog na ang barko na hudyat na ito’y dumating na. Dahil sa kapaguran, dali-dali na akong pumila upang makapasok kaagad. Tomorrow, I will see a new environment.

The night is deep so I got to go to my designated cabin and take a good sleep since I’m not capable of doing it because of the series of events happened days ago.

Napapikit lamang ako hanggang sa nakatulog na. Makapagrerelax ako ng husto dahil sa bakasyong ito.

Its early in the morning when a ray coming from the sun strikes my face. I tightly close my eyes but when I can’t endure the ray, I opened it.

Dumungaw ako sa bintana ng kwarto at nakita ang kagandahan ng dagat sa labas nito. The waters are blue which seems to be a landscape beneath the glorious painting above. Kung sa top view ko ito matitingnan ay siguradong makikita ko ang kailaliman ng dagat dahil napakalinis nito. Ang gandang pagmasdan at nakarerepresko! It’s a total breath taker!

Pabagsak akong nahigang muli sa kama at pinagmasdan ang kwarto habang hindi pa dumaraong ang barko. The room isn’t small. Kung tutuusin ay kakasya rito ang isang pamilya na may apat na miyembro. Malinis ang mga gamit rito dahil panay puti ang kulay. There are some touch of other color but not dominating the neutral white.

There’s a five feet tall refrigerator inside this room. I don’t know, maybe for food storage. Tinamad na rin akong busisiin iyon at hindi ko rin napansin ang malaking bagay na iyon kagabi dahil sa antok.

Kalapit nito ang isang aparador na halos kasing laki lamang nito. Sa palagay ko’y doon nakalagay ang mga bed sheet upang hindi na mahirapan ang mga crew sa pagpapalit ng kurtina, bedsheet at punda rito sa kwarto. If that’s the case, mayroon din sigurong ganito kalaking aparador ang ibang kwarto.

Mapapapikit na sana akong muli ng tumunog ang barko. Nagsasaad lamang ito na padaong na kami. Finally, excited na ako sa unknown destination na ito. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at ng mai-lock ko na itong muli ay saka ko lamang naalala ang backpack ko na nasa loob pa pala.

Nakapantong nga iyon sa ibabaw ng kama at sa sobrang pagkaexcite ko ay hindi ko man lang iyon nabitbit palabas. Napabuntong hininga ako.

Natabig ko pa ang isang salamin sa gilid ng kwarto kaya ito’y nabasag. Mamaya ko na babalikan iyan dahil mas gusto kong makalabas muna rito at maenjoy ang bakasyon.

Binuksan ko na ang pinto ng saktong may dumaang isang pamilyar na bulto ng babae. Maalon ang buhok, nakasalamin siya pero alam kong kulay hazel nut ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at may katangkaran. She’s wearing a simple blue green cotton long sleeves and black jeans. So simple but quite eye catchy dahil para siyang modelo sa kanyang paraan ng pagdadala ng damit. She’s carrying an LV bag. Seems to be so ordinary get up for rich girls but if you knew her, its not.

Dahil sa pamilyar niyang mukha, natanto kong hindi ako maaaring magkamali. Siya ito!

Pagkarinig ko ng ‘click’ sa aking kwarto ay kaagad ko siyang hinawakan sa braso.
“What are you—” Gulat siyang tumingin sa akin. Its not her easy reflex. Sigurado akong pinigilan niya lang napilipitin ang braso ko dahil hindi niya sigurado kung sino ang humawak sa kanya.

Nang makaharap siya sa akin ay kaagad niya akong tiningnan ng masama.
“What are you doing here?!”  Halos impit ang boses niya pero halatang galit ito.

Ano bang masama kung magbakasyon ako? Instead of answering that way, ibinalik ko ang tanong sa kanya.
“You too.. What are you doing here?” I asked having the same tone of her but quite chilling. Sa akala niya ba ay siya lang ang may ganoong kakayahan?

“I’m here for something you shouldn’t know. You shall not care! Ayokong madamay ka pa.” Secret destination ito pero alam niya na kaagad ang pupuntahan namin. For some reasons, bigla akong nakaramdam ng kaba para sa kanya. “How about you?”

“I’m here for vacation.” It is obvious. “Long weekend and there’s no way that I will confine myself inside my nest and kill myself due to boredom.” She sighs.

“You should be killed on action.” She laughs so hard as if her words don’t possess something scary.

I can tell that she’s undeniably beautiful. Oh, I can’t say that. She might kill me now.
“You like exaggerating things, my dear transferee.” Statement iyon but it reflects to be answerable by yes or no.

Aalis na sana siya ng pigilan ko ito.
“Can I go with you, Ms. President?” Her face became pale. She’s hesitant to answer but I smile inaisting my thoughts.

“I did warn you a countless times already to stay away from me avoiding possible risks. Now, you really insists stubborness of yours, I let you but I hope you won’t regret that move, transferee.”

GAME OVERWhere stories live. Discover now