Chapter 8: PHLEGEIN

11 12 5
                                    

Goodness, nasa #187 na ang story na ito. Thank you, mystery!

Its not my first time to ditch classes. Noong nasa States pa ako, madalas ko na itong gawain but only with a different purpose unlike now na may nag-aya sa akin.

"So, Ms. President, the perfect person to be a role model, anong plano mo at saan mo ba ako balak dalhin?"

Nilingon niya ako at tiningnan ng masama ang aking mukha.

"Admiring my features?" Pinagtawanan niya lang ako. Sudden change? Kanina parang kakainin niya ako ng buhay sa titig niya.

"Somehow, yeah.." Walang kagatol-gatol niyang sabi. Mukhang hindi man lamang siya naapektuhan ng presensya ko.

Am I not appealing?

I know it's a fib and I will never be unappealing pero kasi kapag kasama ko siya, sumasadsad sa negative percentage ang lebel ng self confidence ko. She's not the usual girl na pupurihin ako at pupunahin tangi lamang ang magagandang katangian ko.

She's the total 360° reverse of all those girls. Instead of praise, panay panlalait at pambabara ang inaabot ko sa babaeng ito. Ang hindi ko mawari sa sarili ko ay kung bakit patuloy pa rin ako sa pagsama sa kanya.

"Transferee, nandito na tayo."

Huminto kami sa isang puno. Teka, ito yung likod ng cafeteria. Ito ang garden kung saan niya ginamot ang aking sugat.

"Bakit tayo narito?" Taka ko siyang nilingon habang tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad patungo sa puno.

"Kapag nandito ako, I forgot the world." Umupo siya, humarap sa akin at ngumiti.

Kahit hindi ko naiintindihan ang punto kung bakit kami narito ay sinulit ko na rin ang panahon para magrelax.

"Alam mo, transferee, nakakasawa ring maging ako. Hindi ko alam kung hanggang saan ako tatagal ni hindi ko alam kung matatapos pa ang lahat." Malalim ang paghinga niya.

"Ano bang tinutukoy mo?" Tinapik niya ang likod ko na para akong nabibilaukan. Nabigla ako sa ginawa niya.

"Thou shalt not know." Umiling siya. "Ayokong madamay ka pa. Tama ng ako na lang." Malungjot aiyang ngumiti.

Kung anuman ang gulong kinasasangkutan niya, sigurado akong mabigat iyon dahil maaari raw akong mapahamak kapag nalaman ko.

"Kung anuman iyan, hindi ko na aalamin pero kung kailangan mo ng makakausap, narito lang ako."

Nanatili lang kami roon. Nilalasap ang malamig ngunit banayad na simoy ng hangin. Kitang kita ko rin kung paano haplusin ng alon-alon niyang buhok ang kanyang mukha.

Inilagay ko sa likod ng kanyang tainga ang takas niyang buhok. Tiningnan niya lang ako. 'kala ko'y hahampasin niya ang kamay ko ngunit ngumiti lang siya.

"Sana kahit sa isang bagay man lang ay magkamali ako." Kakaiba talaga siya. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya lang ang nagdarasal na magkamali siya.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at hinimas ang mga iyon.

"Sana naandyan ka pa rin kapag nalaman mo ang lahat ngunit natitiyak kong aalis ka na sa kinatatayuan mo at ikaw na mismo ang lalayo kapag nangyari iyon." May lungkot sa mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag pero parang nararamdaman ko rin iyon.

Tumayo siya at akmang iiwan na lang ako roon ng sumunod ako sa kanya. Nakapitan ko agad ang braso niya at iniharap siya sa akin.

"Sa tingin mo ba ay basta-basta na lang ako papayag na iwan mo ako matapos mo akong dalhin sa lugar na ito?"

GAME OVERWhere stories live. Discover now