Chapter 11: JOKER

22 3 0
                                    

“ITS YOU!” Humarap na ako sa nagsalita. She’s Harmony but a different side of her. Her eyes is as blazing as fire as she look agressively to someone in front of her.

Lumipat naman ang tingin ko sa kaliwa ko at nakita ko roon ang .... bulto ng isang lalaki?

“Yes, our dearest president. Its me, Anthony Williams.” Tumawa ito na parang demonyo pagkatapos ay dumapo ang tingin sa akin. “And look who’s here, the transferee! Talagang nagpasama ka pa.”

“Stop this evil game of yours, Williams!”

Anthony Williams
Class A+ Eight student
The Math wizard
Logic master

Aktong lalapit na sa akin ang kaklase namin ng itulak siya ni Hany gamit ang arnis. Surely, ghosts know where she got that! Bigla na lamang nagkaroon nito ang kamay niya o baka hindi ko napansing pinulot niya ito sa isang stall na nadaanan namin kanina.
“Don’t you ever lay your filthy hands to this guy. I swear to gods that if you do, I’ll cut your major veins without anaesthesia.”

Humawak siya sa tiyan niya at humalakhak ng malakas. “So, you’re friend with the ninth guy! The first student and the last member of special class, together. Wow! It’s a great scene. Just wow!” He said mockingly. “I’m scared!” Nagkunwari pa siyang nanginginig. Batukan ko kaya ang isang ito.

“Ano namang masama roon?!” Hindi ko mapigilang hindi sumabad sa usapan nila.

“Masama? Hmmm..” Naglakad-lakad siya papalapit sa akin ngunit itinulak na naman siya ni Hany gamit ang piraso ng arnis. “… Sumama ka kasi sa babaeng iyan ng wala kang alam. She’s evil. Hindi mo alam kung gaano siya kasama. You don’t know what she’s capable of. She’s a real MONSTER!”

Habang inilalahad niya ang rason niya ay pilit na umaakyat sa isip ko ang deskripsyon ng malaanghel na mukha ni Harmony. She has a nice pair of mysterious brown eyes. Mayroon siyang magandang korte ng kilay at maging ang kanyang perpektong ilong na malamang ay pinagpala ng diyosang si Venus. Worshiper siguro ng Roman goddess ang mga magulang niya kaya ganyan siya kaganda. Taliwas sa rumerehistrong hitsura ng isang halimaw ang nakikita ko sa kanan ko ngayon. She nearly looks like an angel far from an evil monster that this guy is referring to. She’s no image of a monster!

“Don’t be deceive on what you see. Sometimes, looks aren’t real. They’re fake!”

“SHUT UP!” Inis siyang tininganan ni Harmony.

“Oh, precious, why did you shout? Are you scared what he might know?” Lumapit siya kay Harmony.

“No! I am not! Hindi siya gaya ng iba. Alam kong matatanggap niya ako kahit malaman niya ang sikreto ko!”

“Oh.. Real sure!” Humalakhak ito. “Siguro nga ay magkaibigan na kayo ng ninth student pero sigurado akong wala siyang alam sa mga ginawa mo noon!” Nakita ko kung paano namutla ang buong mukha ng kaklase naming si Anthony at kung paano ito nabuwal sa sahig.

“ANTHONY!!” Kaagad siyang dinaluhan ni Hany.

Nakita ko ang isang matalim na bagay na nasa leeg nito. Katulad iyon ng nakikita ko sa mga film. Iyong hinihipan ng mga katutubo para tumusok sa anumang parte ng bibiktimahin nila. Ginagamit din ito sa pangangaso. Hindi ko lamang matandaan kung anong tawag doon dahil hindi ako mahilig mag-usisa sa napapanood ko.

“Venom..” Bulong ko na kasabay ng pagsipsip ni Hany sa leeg ni Anthony na parang bampira sa pelikula.

Iniluwa niya ang lason at bahagyang napaubo. Naghintay kami ng ilang minuto sa kalapit ni Anthony bago ito tuluyang magising.
“Are you okay?” Kaagad kong tanong sa kanya.

GAME OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon