Chapter 14: CONFESSION OF A MUTE

18 2 0
                                    

“Hany, what are we doing here?” Dadagdag pa ba kami sa mga usisero at usisera? Tsk. Patuloy pa rin siya sa paghila sa akin patungo sa bangkay ng isang babae.

Bakit ba ang daming namamatay sa islang ito? Anong klaseng isla ba ito?

Marami pa kaming narinig na bulung-bulungan sa mga kasama naming nakikiusyoso. Its not my thing to be curious on other’s duty. Ngayon lang dahil sa babaeng kasama ko.

If I’m not mishearing it, Janice Johnson ang pangalan ng babae. Isang Amerikana at bakasyunista na nagtungo lamang rito para sa isang surfing competition na idinaos kahapon. Mamayang gabi pa raw ang awarding. Kung sino ang manalo ay magiging surfing ambassador.

Ngunit isang bagay lang ang lumilitaw na kataka-taka. Sinasabi nilang nalunod ang babae but I think it’s nearly impossible. How can a surfer get drown? Siguro kung lasing ito ay posible pa. Pero sino naman ang matinong surfer na maglalasing bago mag-surfing? That’s tricky! There’s no way that someone will ride against the waves without understanding the possible risks.

Hindi na ako natahimik kaya tinanong ko ang aking kalapit kung may ideya siya.
“Do you have any idea how this one happened?” Nakatingin ako sa kanya pero hindi pa rin siya sumasagot. Titig na titig lang siya sa bangkay.

“Interesting..” Saka lang siya tumingin sa akin. “What did you say?” Tanong niya. Hindi niya nga ako narinig. Too focus?

Nagkulasan ang mga tao ng dumating ang ambulansya at isinakay roon ang kawawang babae. She’s really dead. Ayon sa mga naunang nakakita ay pinulsuhan nila ang biktima ngunit wala na talaga.

Iniisip naman ng mga rumespondeng barangay police na isa lamang itong kaso ng miscalculation o kapabayaan ng surfer. May ilang naniniwalang aksidente lamang ito at hindi inaasahang pangyayari dahil biglang lumaki ang alon kanina at baka pinulikat ito at hindi kaagad nakalangoy sa dalampasigan.
“North..” She claps her hand near my face. “ Do you believe that its just miscalculation or maybe an accident?” I frown. Nakita ko na lang ang sarili ko na umiiling.

“Good. Its not. There’s a foul play here. Gusto ko lang munang malaman kung sino ang magaling na salarin. Sinang-ayunan pa siya ng kalikasan.” Papuri niya sa kriminal na iyon. She’s insane.

Pabalik na sana kami sa aming tinutuluyan naming hotel ng habulin kami ngbpipi. Kung hindi ako nagkakamali ay siya rin ang piping nag-ulat ng balita sa resto kanina.  

Sumenyas siya kay Hany. Basic ABC’s kaya nalaman kong pangalan niya ang sinenyas niya.

He’s Erasto Subieto, 23. An inborn deaf.

Sa paraan ng pagsenyas niya ay mukhang may nalalaman siya na kung anuman tungkol sa babaeng natagpuang patay sa dalampasigan. Malamang na katulad ko ay hindi lamang siya naintindihan ng babaeng pinili niyang lapitan kanina upang ipaliwanag ang nakita niya.

“Can you tell me what you see?” Sobra na siguro ang pagkakunot na nabuo sa noo ko kaya itinransleyt na ni Hany ang kanyang isinenyas.

“You know, North, he’s using natural sign. I bet he’s illiterate. This case really sucks.” Umirap siya sa hangin at tiningnan ang lalaking natigil sa pagsesenyas at nakakunot ang noo na parang pinipilit intindihin ang aming usapan.

Kaya pala hindi ipinasusulat ni Hany kay Erasto ang kanyang nakita. It is because he’s illiterate. This case sucks because we have to understand everything through his own language. Good thing is this mysterious lady beside me knew this language very well.

Nainip na ako sa tagal ng usapan este senyasan nila. Sa totoo lang, wala akong naintindihan dahil hindi ini-interpret sa akin ni Hany ang pinag-uusapan nila. She’s lazy in speaking, right? Its her.

GAME OVERМесто, где живут истории. Откройте их для себя