Chapter 4.9: NINTH STUDENT's PROPHECY (untold)

11 13 3
                                    

“Goodbye. Your statements will later brighten what’s behind the peculiar ninth student incidence.” His face is so calm but his voice is as cold as ice. That cold voice makes me shiver once again.

It’s ten in the morning when Hany and I finished our statements regarding to the locking incident yesterday. Inspector Garcia commanded his associates to drive us in Harrison’s. A few minutes later, we arrived at the said university, two hours late but fortunately, we’re excuse.

Tiningnan ko ang babaeng nagmamadaling maglakad na nasa unahan ko. Sa sasakyan pa ma’y hindi na kami nakapag-usap pa.  Napansin ko ring balisa siya kanina habang nakatingin sa kriminal na nasa harapan namin kanina. What was wrong? Nagbigay lang naman kami ng statements.

Siguro nga’y balik-normal na ang lahat para sa kanya. Bumalik din siya sa dating siya. Malayo. Hindi ko maramdaman at hindi malaman kung bakit parang galit siya sa akin. Ramdam ko ang palihim niyang tingin kanina ngunit kapag nagsasalpukan ang tingin naming dalawa ay iniirapan niya lamang ako. Something is different. May hindi ba siya sinasabi?

Ilang hakbang pa ay bumungad na sa amin ang Room 101. Tahimik na tahimik ang paligid at parang walang nangyaring hindi maganda sa classroom na ito kagabi.

Naglalakad na ako papasok ng pinto ng matungtungan ko ang isang bubog? Sigurado naman akong bubog ito ngunit bakit hanggang ngayon ay narito pa rin ito? How can it possibly happen?

Hindi ko na lamang itinuon ang pansin ko sa bagay na iyon sa halip ay itinutok ko ang aking mga mata sa babaeng nagsasalita sa unahan. Ang instructor namin sa Araling Panlipunan.

Ine-explain niya ang tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks. Tutok na tutok namang nakikinig ang mga kaklase ko sa kanya. What will you expect from an A+ section? Syempre, ganyan sila. Dapat pala ay ako rin pero dahil wala ako sa wisyong makinig kaya pumikit na lamang ako.

Wala rin namang mangyayari sa kahit anong paliwanag niya. Hinding hindi ko iyon tatanggapin ng tainga ko.

May bumato ng crumpled paper sa mukha ko kaya nagising ako. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
“Mr. Angeles!”

Ang masungit na turan ng English instructor namin. Wait, paano niya ako nakilala, di ba second day palang? Nakalimutan kong siyam nga lamang pala kami. Tss..

English class na pala. Akala ko, A.P. time pa? Mukhang napasarap ang tulog ko.
“Well, well, well, Mr. Angeles, what can you say about that poem?” Anak ng pating. Ano kayang tula ang tinutukoy niya?

Hindi ko nga alam kung nasaang parte na ba ang dini-discuss niya. Malalim kasi ang tulog ko kanina.

“Pardon, Ma’am?”

“You’re not listening!” Galit niyang sabi. Great, Herald. You. Are. Really. Great!

“Excuse me, Ma’am.” Tumaas naman ng kamay ang isang babae sa gilid ko.

Nang makita ng guro kung sino ang nagtaas ng kamay ay kaagad siyang ngumiti rito ng pagkatamis-tamis. Sino ba talaga ang Hany na ito?

“Can I take that imbecile out?” Without a doubt the instructor smiles and just nods.

“How impressive, young lady.” She snorted.

“Pagtulog sa oras ng klase? Did you know that’s a violation on class A+ handbook?” I shake my head.

“I don’t know and I don’t waste my precious time reading such nonsense material.” She punch me in the arm and it hurts. Ang lakas ng babaeng ito.

“You know what? You’re impossible!” She screams.

“Yeah, that’s me..” I imitate her voice and left her alone.

GAME OVERWhere stories live. Discover now