2 : Pag-uunawa

77.7K 1.4K 35
                                    


Pag-uunawa

Kung puwede lang batukan 'tong Aldamante na 'to, kahit araw araw gagawin ko. Kaasar, ikaw ba naman ang magprito ng itlog sa tubig.

" Baliw ka na talaga, Boss. Sino ba kaseng may sabi sayong sa tubig ka magprito ng itlog ha" Panenermon ko sa kanya.

" Chief naman, malay ko bang hindi pala puwede. Kasalanan mo 'to eh. Dapat pinagluluto mo ang fiance mo para hindi siya gutumin" Pag-aakusa pa niya sa akin.

" At ako pa talaga kinonsensiya mo Aldamante ha" Pagalit kong saad sa kanya.

Kinuha ko yung pinaglulutuan niya sabay tapon sa basurahan.

" Chief, hindi porket mayaman ako magtatapon ka na ng pagkain" Saad sa akin ni Raven.

" Boss, kung sasabihin mo sa akin na kakainin mo pa 'yang niluto mo baka magdalawang isip pa ako" Saad ko sa kanya.

" Ayoko, hindi ko na yun kakainin kaya lutuan mo ulit ako" Saad niya sa akin.

" Hindi ko alam kung girlfriend mo pa ba ako sa lagay na 'to o katulong" Sarkastiko kong saad kay Raven.

" Ikaw ang girlfriend kong lulutuan ako, Chief. Hindi ka kailan man magiging katulong dahil sisiguraduhin kong ako lang ang pagsisilbihan mo" Saad niya na para bang matutuwa ako sa sasabihin niya.

" Pinaganda mo pa Aldamante. Sino pa bang pinagsisilbihan ko bukod sa 'yo" Saad ko na lamang.

" Pakasal na kase tayo, Chief" I smirked

" Ayoko nga, luging lugi ako sa 'yo." I said

" Grabe naman Chief, ikaw nga 'tong swerte sa akin eh" He said. Linagay ko yung kalan saka ako nagsimulang magluto. Ang aga aga kasa tumawag ba naman ang loko, hindi raw niya alam magluto.

" Ilang beses ko bang kailangang ituro sa 'yo magluto, Aldamante ha" Panenermon ko sa kanya

" Ikaw din naman magluluto kapag nagpakasala na tayo eh" Parang bata niyang saad.

" Hoy, Aldamante ha. Sinasabi ko na 'to sa 'yo. Wala akong balak ikasal sayo." Saad ko sa kanya.

" Bahala ka, ikaw din ang lugi. Hindi mo na 'ko matitikman" Pasimple niyang saad

" Kadiri ka" Baka mabatukan ko na talaga ang lalaking 'to eh.

" Totoo naman ah, Chief." Saad niya lamang sa akin.

" Mambabae ka kung gusto mo idasal mo lang na hindi ko iyan malalaman" I told him. Malapit na ring maluto yung itlog na niluluto ko.

" Tapos magseselos ka na naman" he whispered.

" At ano na naman iyang binubulong bulong mo sa sarili mo, Aldamante" Pakuwa'y saad ko ngunit dinig na dinig ko ito

" Wala" He muttered.

Linagay ko na sa plato yung naluto kong itlog para makakain na din siya.

" Ang aga aga binulabog mo ako para lutuan ka lang ng umagahan mo" I said. I saw him smirk at what I've just said.

" Kase nga ikaw ang fiance ko" Saad niya.

" Puwede na mang si Michelle o yung si Marielle, puwede ring si Maribelle." I said. Ang dami niyang babae.

" Tatawagan ba kita kung sila ang gusto kong makita. The heck, I don't even remember their names" He simply said.

" Oh my goodness. Boss, kailan ka ba magtitino ha" I seriously asked him.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now