22 : Kinagisnan

34.8K 829 25
                                    


Kinagisnan

True to my words, nagluto talaga ako ng marami. Sinarapan ko lahat ng luto ko para pag-uwi niya mamaya, gaganahan siyang kumain.

Nagtext muna ako kay Raven bago ko ipinagpatuloy ang pagluluto ko. Maaga pa naman, it's still five in the evening, nagluluto palang ako. Atleast tapos ko na yung dessert para mamaya, nasa frigo na rin. 'Tong bulalo nalang ang matagal kong niluluto.

" Hoy Aldamante nagluto ako okay. Kaya uuwian mo ako mamaya ha. Uwi ka ng maaga, Boss" I hit send before continuing what I am doing.

Ilang sandali lamang ang nakakalipas, nagreply na agad ang lolo niyo.

" Jord naman, may dinner kami ni Denise diba, I told you not to cook dinner for me" He replied right away. Feeling ko tuloy, may lumalabas na na usok sa ilong ko.

" Wala akong pakialam kung may dinner ka kasama ang girlfriend mong haliparot at malandi basta uuwian mo ako mamaya dahil nagluto ako ng paborito mo. Masmasarap yung ulam mo dito Aldamante kaya siguraduhin mong uuwi ka, kung hindi mageeskandalo ako sa opisina mo ngayon din" Kung hindi ko madadaan sa paglalambing ang Aldamanteng iyun, dadaanin ko siya sa ganitong paraan.

I have no choice Boss, hindi mo ako maalala eh. Ang hirap nung akin kase iba ang babaeng naaalala mo. Iba ang babaeng minamahal mo ngayon na dapat ako lang. Dahil ikaw lang din.

Nagring agad yung phone ko pagkatapos.

" Jord naman. Huwag ka na kaseng magluto ng marami. Yung para sa 'yo lang. Hindi ako makakauwi mamaya kase nga ilalabas ko ang girlfriend ko" Parang bata niyang wika sa akin. He is unconsciously using that tone on me again. Kung alam niya lang kung gaano ko kamiss yung boses niyang ganon.

Kung gaano ko kagustong pakinggan araw araw.

" Bakit? Hindi ba kayang lumabas mag-isa ng babae mo. Aba Aldamante ha, susugod ako ngayon din diyan sa opisina mo kung hindi mo ako uuwian sa bahay mamaya. Huwag kang mag-alala, hihintayin naman kita kahit anong oras ka pa uuwi. Basta uuwian mo ako ha" Wika ko sa kanya. Isang buntong hininga ang aking narinig sa kabilang linya bago siya muling sumagot.

" Sige, susubukan kong umuwi ng maaga, Jord. Pero mauna ka ng kumain kung nagugutom ka na. Huwag mong gugutumin ang sarili mo ha. Ayokong nagugutom ka. Matakaw ka pa man din ngayon kase period mo" Wika niya sa akin na ikinaiyak kong muli.

'Yung Raven ko. Ang tagal niya akong maalala.

" Alam mo naman pala Boss eh. Kaya uuwi ka ng maaga. Hayaan mo na yung haliparot na babae mo, kaya naman niyang kumain mag-isa eh. Kase ako hindi ko kaya. Boss, hindi ko kayang kainin mag-isa 'tong mga niluto ko. Kaya uuwi ka ha. Uuwian mo ako" Napapikit ako ng wala akong matanggap na tugon mula sa kabilang linya.

" Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo Boss ha. Magpahinga ka muna kung pagod ka na" I silently sobbed.

Pesteng mga luha 'to. Hindi na nauubos.

" Please don't cry again Jordan. Huwag ka namang umiyak oh" Bulong niya sa kabilang linya.

" Eh nasasaktan ako, Boss eh. Alangan naman na tumawa ako dito kahit na nasasaktan na ako" Bakit kase may iba agad Aldamante ha. Bakit wala pang tatlong buwan, may iba na agad.

Alam mo namang masyado akong mababaw pag dating sa ganong usapan Aldamante.

" Huwag ka ng umiyak Jord. I can still hear your sobs here. Tahan na Jord. I cannot concentrate with what I'm doing here when all I remember are your sobs." He truthfully told me.

" Then come home, Boss. Come home and see me. Come home and dine with me" I told him. Kinakalalan ko na talaga ang mukha ko ngayon.

Because nothing will happen when I won't do it.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now