16 : Kaharutan

42.6K 931 10
                                    


Kaharutan

" Ikaw Boss tigil tigilan mo ako ha. Bakit may pa I love you I love you ka pa kanina" Naglalakad kami ngayon ni Aldamante papunta naman sa section ng mga pabango.

" Public display of affection yun Chief" Aba. At talagang siya pa talaga ng explain ng PDA.

" Oh tapos. Masaya ka na kase naging maharot ka sa publiko" Ganun din naman ang ibig sabihin nun, pinaganda niya lang.

" Masaya ako kase hinalikan mo din ako pabalik, Chief" Seryoso, kinilig din ako sa sinabi ng Aldamante na 'to.

" Arte" Bulong ko.

Isang malapad na ngiti ang naging sagot niya.

" Mahal na mahal parin kita Chief. Kahit maarte ka pa. Kahit hindi mo ako pinapansin kapag nanlalambing ako. Kahit binabara mo ako. Mahal na mahal parin kita. Sobra sobra. Kaya huwag kang bibitaw ha. Kahit anong mangyari, huwag mo akong iiwan" Ang drama na naman ng lolo niyo.

" Ang drama mo Aldamante. Siyempre naman, kahit ano ang mangyari, andito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan, baka ikaw pa nga mang-iwan eh" Seryoso talaga, bakit ba ang lalim ng lambingan namin ngayon.

" There will be problems ahead of us, Chief. I cannot promise you I won't hurt you and make you cry but nevertheless, I won't give you a reason to doubt my love to you, Chief. Magalit, magselos ka sa akin ngunit huwag naman dahil sa ibang babae, Chief. You can get mad at me but don't leave me. Don't let go" Agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kilalang kilala talaga ako ng Aldamanteng 'to. Alam niya kung saan ako kadalasang magalit at magselos. He cannot do anything about it, normal lang naman siguro na magselos ako at magalit sa ibang babae.

" Anong gusto mong gawin ko, ngitian ko sila. Patuluyin ko sa bahay. Bilhan ko pa ng regalo kapag Christmas?" Pasimle pa 'tong Aldamanteng 'to. If I know, Baka may tinatagong babae 'tong lalaking 'to.

Yung lolo niyo, nagbababae! Jusko!

" Walang hiya ka! May babae ka no!" Nagsisimula na akong mageskandalo dito. Agad niyang hinawakan ang dalawang braso ko at linagay sa likod ko bago niya ihiga ang ulo niya sa leeg ko.

" Wala akong babae, Chief. Yes I have a mistress, at kadate ko siya ngayon. Pero nagseselos parin siya" Bulong niya.

" Maharot ka! Ilabas mo iyang babae mo at kakaladkarin ko palabas ng Pilipinas" At 'tong lolo niyo, pinagtawanan ba naman ako.

" Kakaladkarin mo ang sarili mo palabas ng Pilipinas? No way! Itatali kita sa kama ko para lang huwag kang lumabas ng Pilipinas, Chief" Sagot niya sabay tawa ngunit ramdam ko ang kaseryosohan ng boses niya.

" Ikaw lang, Chief. Ikaw lang wala ng iba. There is no other woman aside from you. Ikaw lang nakatatak sa puso, isip at kaluluwa ko. Ikaw lang ang babaeng iibigin at iiyakan ko" Asus, 'tong lolo niyo masyado nang nagpapafall na naman.

" Oo na oo na. Iiyakan daw. Baka magpaparty ka pa nga kapag umalis ako." Wika ko sa kanya kahit alam kong hindi naman totoo.

" Don't you dare think if doing that Chief. Kung aalis ka man, siguraduhin mong isasama mo ako. Huwag kang aalis ng wala ako, Chief ha." 'Tong Aldamante na 'to akala mo naman kung galit, hindi naman pala.

" Oo na. Isasama kita" Saad ko mapanatag lang siya at hindi na niya ako kulitin pa.

" I love you, Chief" Ang sweet talaga ng Aldamanteng 'to.

" I love you too, Boss. Saan mo ba gustong kumain ha?" Tanong ko sa kanya ng makalabas kami ng perfume section.

Halos dalawang oras kaming namili ng sando ng lolo niyo. Ang arte kase, mana sa akin.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now