15 : Kakulangan

42.4K 984 25
                                    


Kakulangan

" Ikaw Aldamante ha, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo. 'Tong kuwarto, dinaanan na naman ng bagyo. Hindi porket may tagalinis ka, nang-aabuso ka na" Panenermon ko na naman sa kanya.

" Chief naman, malinis naman 'tong kuwarto natin ah" Bulong niya sa akin habang yakap niya parin ako.

" Puro kalandian kase iyang nasa isip mo, kamo" Kahit kailan talaga.

" Labas tayo mamaya Chief" Aya niya sa akin

Alam kong alam niyang off ko ngayon kaya siya hindi nawawala sa paningin ko.

" Asus. 'Tong kalandian ko" Biro ko sa kanya.

" Gusto mo naman. Palagi mo nalang akong sinasabihan ng malandi. Ikaw din naman Chief ah." At talagang nagsalita din 'tong malandi na 'to.

" Atleast hindi halata" Wika ko na naging sanhi ng pagtawa niya ng malakas sabay buhat sa akin bago niya ako ihiga sa kama.

" Gawin nating halata, Chief. Dito nalang kaya tayo. Agahan na natin ang honeymoon natin Chief" Bulong pa niya sa akin.

" Ano ako, uto uto." Bara ko sa kanya. Napasimangot tuloy.

Nanlalambing na naman 'tong Aldamante na 'to.

Wala siyang naging tugon kundi ang isik sik ang mukha niya sa leeg ko.

" Sige na nga Boss. Tara sa SM. Ibibili kita ng brief at chaka sando mo. Paubos na rin iyang pabango mo." Wika ko sa kanya na naging dahilan ng pagyakap niya ng masmahigpit sa akin.

" Nasa 'yo na lahat ng gusto ko sa asawa Chief. You almost make me love you every single day. Hanggang sa tuluyan na akong mahulog sa buong pagkatao mo at ang hirap ng tumayo mag-isa." 'Tong lolo niyo, nagdadrama na naman.

" Humawak ka kase sa matibay na bagay para may panghawakan ka saka ka tumayo, Boss." Akala ko ba magaling 'tong lalaking 'to.

" Ikaw lang naman pinanghahawakan ko, Chief. Wala ng iba." Sumilay ang ngiti sa aking labi bago ko siya kinurot sa ilong.

" Ang guwapo guwapo talaga ng kalandian ko. Kaso waley kung makapaghugot" Sabay pingot ko pa sa ilong niya.

" Tara na Boss. Bibisitahin pa natin si Santa Claus" Seriously Zoey Jordan? Ano bang nakain ko ngayon at nakikipaglandian talaga ako sa Aldamanteng ito?

" Si Santa Claus na naman" Bulong niya sa sarili. Akala siguro niya hindi ko narinig ang kanyang sinabi.

" May sinasabi ka, Boss?" Tanong ko sa kanya.

" Wala. Ang sabi ko palagi na lang si Santa Claus kapag Christmas, hindi ba puwedeng si Raven lang?" Daig niya pa ang sampung taong bata kung makapagsalita ngayon.

Humarap ako sa kanya bago ko siya pinabangoan. Kita mo pati iyun ako pa gumagawa sa kanya.

" Ang bango naman ni Aldamante" Puri ko sa kanya.

" Tssk. Ikaw din naman namili niyan." Bulong muli niya.

" Tara na Boss. Naghihintay na si Santa Claus" Literal na pinagsiklop ko ang kamay namin para lang mahila siya palabas ng unit.

" Kung mahuhuli ko lang iyang si Santa Claus nila, ipapabalik ko siya sa pinanggalingan niya" Wika niya sa akin.

" Huwag! Maawa ka sa mga nacucutan sa kanya na katulad ko. Mawawalan kami ng love. At Santa Claus ko din iyon, Boss" Sige pa Jord, inisin mo pa iyang Aldamante na iyan. Jusko! Ayoko pa man ding ginagalit ang lolo niyo.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now