Chapter Forty-Four: Another Life

1.5K 53 1
                                    

Riri's POV:

" michele! Ano ba! Kung makahila ka ha! Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

" alam mo ang bakla mo! Mas bumakla ka pa yata ngayon! Ang bagal mo kasi, kaya kakaladkarin talaga kita!"

Dinala ako ni Michele sa bagong restaurant. Masarap daw ang mga pagkain at promising ang lugar. Good place to eat and chill nga daw. Oh diba? Inaadvertise niya lang sa akin. Pinakitaan pa niya ako ng parang suki card. Ngayon lang ata ako nakakita ng restaurant na may Suki Card. Pabibo din, 1 week may suki card na agad?.   Tinawanan ko lang siya at napahinto nang nakita ko si Caryll.

" Caryll?!"

" Bitch! I am back! " sabi niya na para bang walang ibang kumakain dito.

" Reunion to mga beh! Excited na ako!". Pangiting sabi ni Michele.

" oh my god. Super ganda mo na Mich." sabi ni Caryll .

" yep. Kung di dahil sa malaking pasweldo, oh divah! Nilunok ko na yata lahat ng gluta caps kulang na lang yung sabon gawin kong shake. "

" eww" . Paarte ni Caryll

Nakangiti lang akong nakatingin sa kanila.

" Namiss ko kayong dalawa. I mean ito, yung pagiging totoo natin sa isa't isa. Yung mga tawa at biro natin. "

Naluluha kong sabi.

" ay, andyan ka pala?!"

" pabibo na naman kayo!". Banat ko.

" biro lang teka ano nang balita sa inyo ni... Oh my god! Bakit may pasa ka sa mukha?!" . Tanong ni Caryll na nagtataka.

Nagsimula akong magkwento sa kanila. Halos paalisin na kami ng restaurant sa ingay na dinudulot namin. Pero nang dahil sa ang dami naming inorder pinabayaan na lang nila kami.

" jusko... Napakaswerte mo din ano sa pag-ibig, ang daming humahabol sa iyo. Pero bakit ba may namamatay sa bandang huli?" . Banat ni Caryll.

" so you mean, mamamatay din si Ethan sa bandang huli?".

Sinapak ni Caryll si Michele at bigla niyang nailuwa ang pustiso niya.

" OH MY GOD!!!! MICHELE!!! EWW!!".

Tawang tawa naman ako sa nagaganap.

Kinuha niya ito at isinuot muli.

" BAKIT MO BA KASI AKO SINAPAK!?!!". natatawa na rin si michele.

" eh kasi naman po, yang bibig mo kung ano-ano na lang ang lumalabas!". Sigaw ni Caryll.

" pashensya nadala sa emosyen".

Nagtatawanan na lang kaming tatlo.

" ang ibig sabihin, si Ethan ay talagang para sa iyo!. Kahit paglayuin man kayo, kahit na anong dagok man ang itatapon sa inyo, hindi pa rin mawawala ang katotohanan na kayo ay para sa isa't isa".

" who are you?". Sabi ko kay Caryll.

" ang bwisit mo! Ang ganda na ng pinagsasabi ko, pinatay mo agad ang emosyon eh".

Nagtawanan kami uli.

" May hindi pa ako nasasabi sa inyo". Sabi ko.

" ano?". Tanong nilang dalawa.

" buntis ako".

Sa sobrang lakas ng tawa nila halos mabilaukan sila sa kanilang kinain at ang iba naman ay tumilapon sa ibang mesa.

Ang mga tabi naming mesa na inokyupa ng ibang tao ay lumipat dahil na rin sa kahayupan ng dalawang ito. Ewan ko ba kung magagalit ako o matatakot o masisiyahan.

 I Am Yours [ManXBoy] BOOK 2Where stories live. Discover now