Chapter Fifty: I am Yours

1K 36 7
                                    

Riri's POV:

I was awakened.

My eyes darted to nothingness..

Wala akong ibang nararamdaman maliban sa mahirap huminga at nalalasahan ko ang dugo ko.

Nararamdaman ko ang init ng hinihigaan ko.

Hanggang sa bumalik ang  malay ko.

Napagtanto ko na nasa daan ako nakahandusay.

Duguan..

Napansin ko na ang sasakyan namin ay nakabaligtad.

Ethan was beside me at nakapikit ang kanyang mga mata.

Gusto kong umiyak.

Gusto kong magwala.

Pero hindi ko kaya.

May naririnig na rin akong mga tunog ng mga sasakyan ng police at ng ambulansya.

I can see so many feet outside the car. I tried so hard na hindi pumikit. I want to be alive because Rithan needs me at dapat mabuhay din si Ethan. Gusto ko siyang haplusin at sabihan na magiging okay kaming dalawa, huwag lang siyang bibitaw.

Hanggang sa natransfer ako sa isang spinal board pati na rin si Ethan na wala pa ring malay. They were checking on us and it was the happiest moment of my life nang sinabi nila na may pulse pa si Ethan.

I was so damn HAPPY.  I tried to reach his hands.

At nanalangin ako sa panginoon na sana magiging masaya kami pagkatapos nito. Na sana gagabayan niya kami sa araw-araw na pamumuhay namin. At humihingi din ako ng paumanhin sa lahat ng mga kasalanan ko. Hindi ko kailanman isisisi sa panginoon kung bakit nagkaganito kami.

--

Hindi ko alam kung anong petsa o taon na bastat alam ko na hindi pa rin ako makagalaw ng maayos.  Napansin ko rin na ang daming nakakabit sa akin.

Nakikita ko sila nanay at tatay. Bumyahi talaga sila dito para makita ako. Nakita ko rin si Rithan sa sulok na umiiyak at pinatatahan ni Michele.

Abala naman si nanay sa pag hiwa ng apple at si tatay naman ay inaayos ang
mga pinamili nila.

Mich diverted her attention to  me.  I saw her wide eyed at parang iiyak.

Nabigla din ako sa mga reaksyon nila dahil takang taka sila. 

"Riri!. Thank God you're alive. Ter! Halos sasabog yung puso ko dahil sa nangyari sa inyo ni Ethan. "

I want to ask her if anong petsa na but I don't know how. I can't talk dahil nga sa mga nakakabit sa bibig ko.

I saw a doctor and 3 nurses rushed to me.

They checked me and I don't know anong mga pinanggagawa nila.  Bastat alam ko na buhay pa ako at gusto kong makita si Ethan.

Gusto kong tanungin sila kung kumusta na siya at kailan ba ako makakalabas dito.

---

I was on my full recovery already.

I saw the love of my life laughing with Rithan. It was pure bliss seeing them like that. We were okay at lubos kong pinasasalamatan ang panginoon.

" I love you. "

I said. 3 words that I uttered after the incident.  Gusto kong iparamdam kay Ethan at Rithan na mahal na mahal ko sila.

Parang hindi nila ako narinig kasi panay halakhak silang dalawa. Nakatuun ang atensyon nila sa  Ipad . I just smiled at them.  Pinilit kong bumangun at napansin ako ni Ethan.

 I Am Yours [ManXBoy] BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon