Chapter Forty-Five: Aftermath

1.4K 51 2
                                    

Riri's POV:

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Yaong pakiramdam na una akong umibig, yun yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapag-isip ng tama. Para bang nabablanko ako.

Sinabayan ako ni Michele sa paglakad. Ang buong paligid ng bahay ni Ethan ay lumiliwanag. Para bang nasa Fairyland ako. Nakadagdag pa ang musika si John Mclaughlin. Nagtaka ako nang iniwan ako ni Michele at may biglang nag abot sa akin ng isang Rosas. Alam ko kaibigan siya ni Ethan at sinabihan niya ako ng 'congratulations'.

Sunod sunod na rin ang pagbibigay ng mga rosas hanggang sa inabutan ako ni Caryll na takang taka ako kung bakit siya.... Wala talaga akong naiintindihan.

" huwag ka ng maginarte, ibablind fold kita. "

" teka, ano ba ito?. Hindi ko pa naman birthday ah? Asan ba si Ethan?. Pakulo niya ba ito?. "

Nang natapos niya akong iblind fold, inescort niya ako sa paglalakad. Inalayan niya ako  at inangat ang paa ko. Parang nasa isang balsa ako.. Para akong sumakay at sinabihan ako ni Caryll na umupo baka mahulog ako.

Nasa tubig ba ako? Kasi parang lumulutang ang sinasakyan ko. Napahawak ako sa handle at bigla na itong huminto.

Wala man lang nagsabi sa akin na pwedi ko nang tanggalin ang takip ng mata ko kaya nagkusa akong kinuha ito.

Para yatang sasabog ang buong pagkatao ko sa nakita ko. Nasa swimming pool pala ako na may lumulutang na mga petals ng mga rosas at iba pang mga bulaklak. Ang ganda ng mga palamuti. May mga sky lanterns na nakasabit at parang temang 'TANGLED' na DISNEY MOVIE.

Sa sobrang ganda at mangha, napa iyak na ako.

Nagpatuloy ang kanta at nakaupo lang ako sa isang bangka na yari sa bamboo sticks na pinag-isa. Napalamutian ito ng mga imahe namin ni ..... Ethan.

Oh my God.

All that I wanted
to hold you so close.
So close to reaching
That famous happy end.

Nagsasayawan ang lahat. Na para bang nasa Royal Ball sila. Andyan si Caryll at ang kanyang katuwang pati na rin si Michele na kasabay sa pag sayaw ang isa sa mga guro sa paaralan ko at ang iba na kasama ko sa paaralan at mga kaibiga ni Ethan at kasama sa trabaho.

Biglang malumanay ang kanta at para bang binigyan nila ng espasyo ang gitna.

Bumungad sa akin ang pinakamamahal ko. Ang bumihag sa puso at kaluluwa ko.

" Ethan".

Oh how could I face the faceless days
If I should lose you now?
We're so close to reaching
that famous happy end,
And almost believing,
this one's not pretend.
Let's go on dreaming
for we know we are...
so close, so close
and still so far..

Hindi ko na maitago ang nararamdaman ko. Napahagulhul na ako ng iyak. Lumusong siya sa pool at tinitignan ang kanyang mukha at ang kanyang katawan habang nakasubsub sa tubig. Nang marating niya ang  kinauupuan ko. Bigla siyang sumandal at umupo na rin.

Nagkatitigan kami.

Para bang nangungusap ang kanyang mga mata.

Na sinasabing ako ay sa kanya lamang at akin lang siya.

Kailanman hindi mapapanis ang pag ibig ko sa kanya.

At sa huling pagkakataon ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sa kanya.

" Riri."

Hindi ko maibuka ang bibig ko. Nabibighani ako sa kanya.

" I don't want to talk more about our past... It's Done. What matters now is today and for the future."

 I Am Yours [ManXBoy] BOOK 2Where stories live. Discover now