Chapter 6: The Tipping Point

147 2 0
                                    

Tatlong araw na makalipas ang muling pagkikita namin ni Gumi. And aaminin ko, I've been itching to see her again. I'm at my Tipping Point. Yung parang konti nalang sasabog ka na in a way na talagang hindi malalaman ng iba. And no, hindi utot ang pinatutukuyan ko! Syempre yung parang inner voice na sumisigaw dahil hindi masabi ang kanyang gusto niyang sabihin. At dahil nasa Tipping Point na ako, tag-hirap ako mag-cope nung past three days ever since nakita kong umalis muli si Gumi at 'la nanaman akong nagawa. Isama mo pa yung isang text na 'di ko mahanap-hanap sa phone ko. Lahat na siguro ng pedeng kamutin nakamot ko na at lahat siguro ng flashback tungkol kay Gumi ay naibungkal ko na pero alam mo yung feeling na parang kailangan na kailangan mo nang makita yung tao? Yung konti nalang obsessed ka na? Nandun na ako sa point na yun. Akalain mo, nagbubukas na ako ng celphone ngayon at nag-aabang ng kahit isang simpleng hi o kamusta man lang! Eh dati rati, halos malamog at malaspag na kakabato yung phone ko. Yung tipong, ginagawa kong NBA player yung sarili ko at shinu-shoot ko kung san san yung phone ko. And yes, nagkamali na ako minsan at na-shoot ko siya sa inidoro pero siguro more on that later.

Anyway, New Year's Eve na ngayon. At tama ka reader, hindi na tayo nag-flaflashback; present time na tayo ngayon. And pagkagising ko palang halatang-halata na haggard na haggard na ang aking inay at nanay or lola sa paghahanda sa aming annual New Year's Dinner habang si Dad naman, nakahilata pa rin sa kama. Pareho kami ng sitwasyon, pinanindigan ko ang like father, like son na kasabihan at talagang sabay pa kami gumising! Just like any ordinary guy na laging nakahilata at nabubuhay sa luto ng kanyang asawa, nagising kami ng alas dose ng tanghali. Maaga pa nga yun eh kasi ang normal na gising talaga namin ng dad ko alas tres. Skip breakfast, skip lunch, heavy merienda ang motto namin. Nagpatagalan na nga kami ng dad ko once nung naging unemployed siya for a year and guess what? Nanalo siya and he was proclaimed Boss. Ang masama dun, dinagdagan niya pa ng isang word yung napakaayos na boss na yun. Boss Jols daw. 

"I mean seriously dad? Ano yung Jols?"

"Isang acronym yun para sa isang napakalupet na ilalagay ko sa aking--"

"Spare me the misery dad, sabihin n'yo nala--"

"Eto na! Jolly, Over-loving Senior!"

"Dad, if ever may magtanong, 'di n'yo ako anak. Babayooo--"

Hindi talaga senior yun. Bahala na kayo mag-depict kung ano talaga nakalagay dun pero para may clue kayo, hindi siya binigyan ng mom ko ng allowance for two weeks. House bum siya. And that's cause sinabi n'ya yung word na yun. 

Anyway, dumating na ang lunch. And as usual, ako yung inatasang mag-ayos at maghain nung mga plato. Madalas, hindi ito labag sa kalooban ko. Madalas nga gusto ko ito eh na minsan naiisip ko pa sa utak kong nagsasabi ako na "I'm a half-maid bitch, I clean yo plates and help you arrange tables but no way am I cleaning yo plates." Yeah, I'm that weird. Pero yun nga, parang iritang-irita ako nung araw na yun. Yung parang malaki na talaga yung gap sa puso ko at sa sobrang laki nga eh kumakain ako na halos kalahating nagdadabog eh. Bad part is walang nakahalata! Sa sobrang inis ko, napaisip ako, kagagawan ba 'to ng ice cream? Aba, sinisi ko pa ang ice cream! Na minsa'y naging kakampi ko sa mga trying times ko. Talagang iba lang talaga 'tong araw na 'to.

Tuloy-tuloy ang badtrip ko.  At talagang umabot pa 'to ng huling one hour ng 2011 na kung saan yung mga kaklase ko talaga kung makapag-sorry sa phone kala mo nakapatay nung tao, naka-rape ng kabayo't pinakain yung iba nilang kaibigan ng bubuyog (or bubog, whatever works). Naisip ko na parang sinasayang lang nila yung load nila ka-sosorry eh wala namang magbabago diyan sa ugali ng mga ganyan! Once a goat, always a goat!  Pero hindi talaga goat yung gusto kong sabihin. And get this, 'di pa rin mawala-wala yung nag-iisang text na hindi ko mabasa sa phone ko kaya iyun, pinahanap ko sa kapatid ko. Medyo hindi ko kinawawa ang kapatid ko, kasi 'di lang naman 2586 messages ang laman nung phone ko habang ako naman kumuha nung isang piece yung New Year's Dinner namin na hotdog na may catsup lang naman pala.

Nung pagkaubos ko ng hotdog, handa na ulit ako mabanas eh kaso bigla akong tinapik nung kapatid ko sa likod.

"Diko, nahanap ko na oh. Ay, wait. Countdown lang ako."

"5!"

"4!"

"3!"

"2!"

"1!"

"Happy New Year!" 

Nawala bigla badtrip ko pagkatapos magbilang yung kapatid at magulang ko para sa pagsalubong sa 2012. Siguro nga nabadtrip lang ako dahil 'di ko naisayos ang mood ko para sa susunod na taon. O siguro hindi ko lang natanggap ang gusto kong reaksyon? Na parang ako, baliw na baliw na pero siya ni hindi man lang makapag-sabi ng hi. Sabagay, ako rin naman hindi nakapag-text eh. In my defense naman, hindi naman talaga ako nag-tetext eh siya? Mukhang text-a-holic eh kasi nung nagkita kami mas tinitignan n'ya pa yung phone niya kesa sa pagkalinis-linis kong mukha na sobrang proud ako eh. Siguro nga sadyang weirdo lang 'tong araw na 'to kasi biglang may dumaan na menstrual cycle for men which, case and point, ay hindi nangyayari. Pero, in a flick of a finger, dahil lang sa isang text nawala yung 'di kanais-nais na menstrual cycle na yun at bininyayaan ako ng Diyos ng isang new start. Nagkataon lang pala na pinatagal Niya hangang the last second New Year's Eve para talagang tumatak sa akin yun. Saved by the bell kung baga! 

'Di ko kasi talaga akalain na sa dinami-rami ng fireworks na pumutok sa langit noong simula hanggang dulo ng araw na yon, isang text lang pala talaga ang magbabalik sa akin sa aking normal at medyo kalahating-baliw na sarili. Mostly baliw though. Alam n'yo kung bakit? Kasi for the first time sa buhay ko, maghahabol ako.  Literally. Pero dalawang araw lang ang time limit ko.

Megumi EntirelyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz