Chapter 4: Stepping Stones

160 1 0
                                    

"Tick-tock-tick-tock... Kring! Kring! Cuckoo, cuckoo!"

Yan ang tunog na naririnig ko araw-araw noong 4th year ako sa high school. Ang masama pa dun eh 'di siya galing sa orasan, galing yan either sa isang teacher ko na nagpapa-exam at binibilangan kami ng oras o sa katabi ko na kung magpatunog ng bibig niya eh kala mo gumagawa ng sound effects para sa isang barilan. Hindi sila parehong nakakarindi. Hindi ko rin sila gustong sapakin pareho. Pero as usual, wala nanaman akong magagawa. Tiis-tiis nalang din, mas lalo na't yung nagpapatunog na katabi ko ay babaeBabaeng may bakal na bibig. Mahirap na makipag-away sa mga 'yan. Ikaw lang din matatalo, ikaw lang din mapapahiya at mapapa-isip sa sarili mo na "What have I done?" (lakas kaya maka-konsensya babae.) Eto oh, sample conversation namin ng katabi kong babae:

Babae: "Maingay ba ako?"

Ako: "Hindi, okay ka lang naman. Hinaan mo lang ng--"

Babae: "So maingay nga ako! Grabe ka naman mang-judge ng tao, feeling mo pagka-perpepekto mo--!"

Ako: "Wait, 'di yun yung ibig kong sabihin, makinig ka muna--"

Babae: "FRIENDSHIP OVER!"

Ako (sa isip-isip ko): Friends ba tayo? Ang saya mo ah.

Ang dali niya kausapin eh 'no? Actually 'di pa nagtatapos diyan, may sumunod pa.

Babae: "Hey, sorry 'bout yesterday. Peace na tayo ah?

Ako: "Ah, okay lang yun 'no. Easy ka lang kasi minsan--"

Babae: "Iyan ka nanaman eh. Sinasabi mo ba na warfreak ako ha? Kung tanggalan kaya kita ng ano diyan! Ikaw talaga--"

And so it begins again... 'Di na ba uso yung mahinhin at mapagbigay-awa na mga babae? Yung may pag-asa ka naman manalo minsan kahit man lang sa mga pinakamaliit na mga discussion? Aba'y ever since nawala na si Gumi ay wala na akong naging super close na babae! Ewan ko, ganyan ba talaga ang nangyayari 'pag tumatanda na ang mga babae? Madalas mag-drama't kung makatitig sa ibang babae eh parang gusto nilang kalmutin? (Sorry ladies, peace!) Pero bakit 'nung nakita ko muli si Gumi ay 'di naman siya ganyan?

Quota na ako sa tanong, kaya't ikekwento ko nalang kung gaano kasama ang mga babae sa akin. Or siguro, kung gaano ako siguro kawalang-kwenta kumausap sa mga babae. Yung mga tipong retard-nerdface mode on. May catch nanaman dito though... Maaayos ko rin 'yang mga problema ko sa babaeng yan sa tulong ng isang pirasong papel na taglay ang isang tula tungkol sa gusto kong sabihin sa isang past ko. Hindi si Gumi, si Cassie.

Si Cassie ay classmate ko noong 4th year at isa siya doon sa mga babaeng 'di ko akalain na magugustuhan ko. Ibang-ibang kasi siya doon sa mga tipo kong babae. Don't get me wrong, maganda siya; as in sobrang ganda. Tae lang ako kumpara sa kanya. Kaya nga ang weird eh, choosy pa ako kung bakit nagustuhan ko 'tong babae 'to eh kagusto-gusto naman siya. Singkit, matalino, laging nakalugay ang buhok at boss ng ponkan crew sa school namin. (Err.. Girl Scouts of the Philippines) Siya na, siya na talaga pero as I've said before hindi ko siya tipo. Pero na-curious ako sa kanya. Para siyang si Kristen Stewart ng Twilight na ni isang part movie ay hindi ko pa nakakapanood. Hardly siyang ngumiti and me being a nice/torpe guy, made it a point na maging semi-payaso para mapatawa siya kaso parang mas nagmukha pa akong desperado't stalker kesa payaso eh. Oo nga, medyo naging close kami at maipagmamalaki ko yun sa lahat ng mga lalaking binasted niya pero may nagbago sa akin. At katulad ng mga babaeng kinaaayawan ko, gusto ko na rin sapakin lahat ng lumalapit sa kayang lalaki.

Yun pala nag-evolve na rin pala yung mismong misyon ko. Nahulog na rin ako sa kanya. Kaso hindi ko maamin sa sarili ko and before I knew it, kung ano-ano na ang naibigay ko sa kanya ranging from ballpen (na talagang minsan lang ako magdala) to my 5-page report in History. Nagmukha nga akong desperado pero 'ni isang beses 'di ko nahalata 'to.  Ang masama dun, ewan ko pa nga kung sadya yung mga pinagbibibigay at pinagagagawa kong yun eh, kasi parang na-hypnotize ako. Kahit 'di naman siya mukhang may taglay na mahika o kung ano pa ma'y nawawala ako sa tamang-isip ko 'pag nakikita, nakakasama at nakakausap ko siya. Hindi kasi spooky eh 'no? Pero legit info yan. Legit info na natanggap ko lang 2 months before nakita ko muli Gumi. Legit info na kailangan ko pang ipilit ipasok sa akin ng mga kaibigan ko upang maintindihan ko. At legit info na naging stepping stone upang mas mahanap ko pa nga ang nararapat sa akin...

Author's Note:

So yeah, wari'y nag-eenjoy kayo sa pagbabasa ng Megumi Entirely! And I hope you continually support and share this short story sa mga friends n'yo! Anyway, Chapter 5 will hopefully come later so hintay-hintay lang sa update, okay? Kaduktong kasi yun nitong chapter na 'to so... Salamat ulit guys! Cheers ~ 

Megumi EntirelyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang