Chapter 7: Sobre't Ballpen

185 1 0
                                    

Meron talagang mga taong hindi marunong sumuko. Yung tipong alam na nilang, dead end na, magpapauntog pa rin sila sa pader. Matalino eh. Pero alam mo, hindi lang pala doon nagtatapos ang mga taong kinamumuhian ang pagsusuko. Kaya siguro nauso ang paghahabol sa isang taong nakasakay na sa isang tren sa mga movies; yung kala mo impossible pero bigla-biglang magiging si Da Flash yung mga naghahabol? Kaya rin siguro nauso yung buwis-buhay na pangongopya sa mga quiz at exam dahil yun na nga, ayaw bumagsak eh. Kasi 'di uso ang  pag-suko ngayon. Lahat pinaglalaban, kahit piso man lang yan o halik sa chicks, ginagawang paligsahan o challenge. Minsan okay sana yun eh, pero yung pipigilan mo yung isang taong kakakita mo lang muli na nakabili na ng ticket papuntang ibang bansa sa loob ng 24 oras? Kalokohan na yun. Hindi na yun tapang o tigas ng pangawill to win kasi nakalatag na yung pangyayari yun. Hard, if not impossible to stop na. Pero talagang meron lang talagang mga taong napakalakas ang mga tama at nagpapakaloko para mahabol man kung ano man ang gusto nilang habulin. Isa na ako dun.

Marami na akong nagawang kalokohan at, in a lighter notekababalaghan sa buong buhay ko. Sa sobrang dami nga nila'y halos yung mga latest yung naalala ko, kasama rito sa mga ito ang:

- Pag-apak sa "Don't step on the grass"

- Pag-dadye ng buhok ko nang parang kay Dennis Rodman

- Nangurot ng isang maskulado sa kanto sunod tumakbo (sunod nabugbog.)

- Hindi pag-shashower ng isang buong linggo para manalo ng P100

- At muling hindi pag-shashower ng isang buong linggo dahil... wala lang

Pero sa sobrang dami kong ginawang kalokohan na halos malakalimutan ko na, isa lang ang sigurado ako, hindi ako naghabol ng isang taong papunta na sa airport para sabihan siya ng mahal ko siya. Heck, siguro nga may nagawa na rin akong mga bagay na sobrang cheesy at tagos to the bones pero sabi ko nga iba pa rin ang humabol ng dream girl mo sa loob ng more or less isang araw. Buwis-buhay 'to! Parang kaparehas niya talaga yung basketball tournament namin nung grade school, na sadyang buwis-buhay din. Isipin mo naman kasi hinabol namin ang 24 point lead  ng kalaban namin. Babad na babad yung mga kaibigan kong magaling sa basketball. Yung tipong, konti nalang dugo na siguro yung pinapawis nila only to find out na mababao't maba-block lang pala yung game-winning shot nila? Hindi nakakainsulto. Pero, ano ba magagawa ko? Benchwarmer lang ako nun. Taga-palakpak sa gilid ng court. Taga-painit ng upuan at taga-bigay ng-- oops, quota na ako sa kwento. Oras na para i-pilit ko ang destiny na gusto kong mangyari.

So yun, kakarating palang namin sa bahay namin galing sa probinsya nung binasa ko ulit yung message na sinend sa akin ni Gumi, chine-check ko lang baka namamalik mata lang ako at hindi January 2 ang pagkakita ko sa date ng pag-alis niya.

"Uy koko, happy new year syo! Thx ult ha? Ng-enjoy aq sa muli nting pgkikita. Ampyat mo pa rin! Preho lng tau hehe. Nga pla, mkhang 'di na ulit m22loy yng 2nd gala natin... Nkkuha kc aq ng scholarship sa US eh... Snod Jan. 2 na kgad alis nmin kc dmi png aayusin. Sori tlaga... Sna mgkita pa tyo! Sometym sa future ah! Ptaba k n! TC lagi.. :)" 

Payat!? Payat pa ako kahit I gained 5 pounds? Pero, enough about my weight. Seryoso na tayo ngayon, kailangan kong habulin ang deadline ng project kong ito. No excuses. Kaya't sinimulan ko na ang pagpaplano para sa aking goodbye kay Gumi. Problem was, walang pumapasok sa utak ko. Sobrang bangag pa kasi ako dahil nung madaling araw nung after The Countdown medyo sinugapa't sinarili ko na yung hotdog. Hindi ko man lang naisip nun na hotdog pa ang sisira sa aking paghahabol under limited time or whatever. 

Na-blanko ako sa loob ng isang oras... hanggang dumating yung oras na binato ko na yung hawak kong celphone sa kamay ko. 'Bat kasi ngayon pa ako mabablanko? Pritong balyena naman oh! Pinulot ko yung phone ko. And nung pagkatingin ko sa kanya, pati doon sa pwestong pinagbatuhan ko sa kanya na punong-puno ng sobre, doon ko lamang nalaman kung anong gagawin ko. Isang liham. Pero hindi love lettersiguro isang letter lang para maalala niya ako habang nagiginaw siya dun sa United States. Kaso... may isa pang problema na sadyang ikinagulat ko. 

Sa pagkakaalam ko kasi lahat ng tahana't bahay may ballpen eh. Pero sa loob siguro ng isang deep and thorough search ko sa mga possibleng lugar na pedeng paglagyan ng kahit Panda lang na ballpen, wala talaga akong nakita. The closest I got was yung cover nung G-tec nung kapatid kong babae. Adik kasi sa G-tec at Fine Tec yun, pero that's not the point! Ang point dito is kung kailan kailangan mong nasa posisyon at ayos ang lahat ng bagay, dun pa sila hindi sumasaayos. Tinotokwa na ata talaga ako ni destiny eh pero no matter, I shall not falter! (Well, technically unless my body gives in and-- nevermind.)

Mini-stop. 7-11. Kapitbahay kong kalbo at si Kuya sa Chowking. Bakit lahat sila walang kahit anong ballpen? Bakit lahat sila naka-lapis? Bigla bang nagkaubusan ng ballpen sa National o kung san mang bookstore? 'Di ko kasi type ang mga lapis 'pag nagsusulat ako ng letter eh. Feeling ko kasi parang ang dali niyang mabura. (Malamang, uso ang eraser) Pero since no choice ako, gumawa muna ako ng draft at hinintay kong dumating ang aking inay from work. 

And finally, pagkalipas nang humigit-kumulang 3 hours lang naman, nakagawa na ako ng isang taos-pusong paragraph! Ready na siya for finalization. Wow lang, parang gumagawa lang ako ng project ko't ipapasa ko talaga sa professor ko. Na, if hindi ko mapapasa on timeincomplete na ako't wala nang pag-asa at kung maiipasa ko man ay I live to tell yet another tale. Anyway, sa sobrang excited ko sa letter na ifa-finalize ko na, pagkadating palang ni mom ay halik, hablot bag at kuha ballpen kagad. Parang snatcher lang then sinimulan ko nang isulat ang one paragraph masterpiece ko para sa magiging mother of my children. I like the sound of that... Sana nga lang, magkatotoo. And of course, sana'y hindi ako mahuli sa susunod na araw at syempre 'di ko makalimutan 'tong sobre hawak ko. Pati na siguro yung ballpen kung sakaling may idadagdag pa ako! Swerte ko lang talaga sa kanila, kasi kung 'di dahil sa sobre't ballpen na 'to, parang pupunta ako sa gera ng wala man lang baril. Siguro, yun pa ang mas kalokohan.

Megumi EntirelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon