Chapter 12: Imagine

123 1 0
                                    

Imagine. Isa ito sa mga pinakasikat na kanta ng isang musical icon na si John Lennon. Kung 'di n'yo nga pala siya kilala ay meron akong isang phrase para sa'yo. Tumigil ka na sa pagbabasa't pakinggan mo siya. Sa Youtube, Vimeo at kahit sa mga oldies na kanta sa radyo tuwing Linggo'y nandun siya! Or kung 'di mo talaga siya kilala'y may dalawang salita nalang ang bibigay ko sa'yo. The Beatles. Kung 'di mo pa rin kilala yoong bandang yon ay gagawin ko na sa'yo ang laging ginagawa ni LeBron James sa mga 4th Quarter. Choke. Yeap, I will literally choke you hanggang maging falsetto na yung boses mo. Sa totoo lang though, ano nga bang point at binanggit ko yang one-liner na yan?

Simple lang yan.

As I've said, mahirap magmove-on. Mahirap ding ipilit mo sa sarili at pekein mo yang pagmove-on mo na yan. Kaso, medyo nawala ata ako sa isip ko't  gumamit ng dahas. Para bang Burnout Revenge lang. Ayoko na ng puro racing at paunahan nalang, minsan kailangang gumamit ng daya. Pero yung daya syempre, hindi galing sa loob o sa sinumang tao kaya't I took all of the blame at 'di na gumamit ng iba pang tao. Little did I know na mali din pala yun. Parang tinakpan ko lang pala ng plastic cover ang pancit dahil dadalhin ko sa bahay at umuulan, lulusot at lulusutan pa rin pala ito ng patak ng ulan. Ang mas masama pa doon, 'di ko din alam na nilulusutan na pala siya. Kaya't sa bisperas ng birthday ni Gumi ay iyon, nag-imagine ako.

October 1, 2012. 'Di pa ba ako nagsasawang mag-celebrate mag-isa? 'Di pa ba ako nagsasawa makipagkita sa isang lalakeng adik sa Powerpuff Girls dahil gusto ito ni Gumi noong bata kami? Actually oo, nagsasawa na nga ako. Kaya't nag-imagine nalang ako. Pero hindi 'to yung normal na pag-iimagine na iniisip n'yo. 

Nag-imagine ako na magaling ako sa basketball. Nag-imagine ako na magaling ako sa kumanta't mag-gitara pero never ako nag-imagine na nandito na ang nag-iisang taong nagpasabog ng Mt. Pinatubo ng puso ko. Kabaliwan na yun, pero ginawa ko pa rin. Nakita ko nalang bigla ang sarili ko na iyan, inaayos na ang welcoming party ni Gumi at iniimbita na ang mga taong pareho naming kilala. And yes, inimbita ko rin yung lalakeng adik sa Powerpuff Girls. Ang ganda nung flow nung party, lahat maayos. Nakatulong pa nga ako sa kaibigan kong medyo lasingero eh. Dami kong sinabi sa kanya at sa dulo ng araw na 'yon ay ininom na niya ang huli niyang Red Horse. Kahit sabihin natin na limang beses niya pang sinabing huling bote na yun ay at least tumigil na siya at natulog nalang ng mahimbing na parang si Tweety Bird na hindi hinahabol-habol ni Sylvester. Problem was, mas nagka-hangover pa ata ako kesa sa kanya. 

Umiikot ang mundo ko. Sumuka ako sa banyo (among other places)Face down ako sa sarili kong kama ng 'di ko alam kung bakit ako nagkaganoon. at bakit ako napunta doon. (Pasalamat nalang talaga sa may nag-uwi sa akin!) That is until nakausap ko yung taong uminom ng Red Horse nung gabing yon na ikinagulat ko talaga kung bakit napakatino at napakasigla niya pa kahit sangkatutak na alcohol na ata yung umiikot sa ulo niya nung mga oras na yun.

"Tindi mo Koko. Para sa isang taong sinabing kailanman ay hindi siya malalasing ay nakarami ka kagabi."

Ah, wait. Pakiulit nga.

"Impossible yun! Hindi talaga ako umiinom. Ever. And alam ko nga ikaw yung nagsabing limang beses na 'Last shot! Woo' bago ka talagang tumigil uminom."

"Err, dre. Hindi ako uminom kagabi like you said dati pa. Hindi pa ako umiinom sinceBaliktad ang storya mo."

It turns out na lahat ng pinaniwalaan kong ginawa ko para sa iba'y ginawa ko pala sa sarili ko. At yung mga tao na mismong sinabihan ko ng problema ko'y iyon pa mismo ang tumulong sa akin at pinandigan ang mga pangako nila sa akin. Iba yung experience ko the moment na sinabi sa akin nung kaibigan ko yung mga pinaggagagawa ko. Kasama na dito ang:

- Umihi sa halaman sa labas habang sumisigaw ng "Go Miami Heat!" (for the record, Thunder and Bulls fan ako.)

- Nilagyan ng hot sauce ang Pepsi't ininom ito. 

- Tinapon yung mini-fan na dinala ko sa tubig para makakita ng electric shock

Muling pagbato ng celphone sa loob ng inidoro na parang nagti-three point katulad noong ginawa ko simula nung mini-Koko pa ako

And of course, yung pangarap ko pa since bata ako na gumulong-gulong sa hagdan.

'Di ko akalain na magagawa ko yung mga bagay na yun. Yung magwala. Besides, sayang yung fan at sayang at hindi na kami muling makakapag-venue dun. Mura pa naman dun. And ang added irony pa dun eh yung mga taong dating nawawalan pa ng landas ang tumulong sa akin. Weird nga naman talaga ang mundo, yung mga inaakala mong kaya mong controllin' at mga bagay na akala mo'y naiintindihan mo na ay yun pala mismo ang hindi mo pa lubos na naiilalagay sa puso't sistema mo. May mukha pa ba akong ihaharap kay Gumi?

And just like that, ang isang kathang-isip lamang ay naging katotohanan at ang mga bagay na akala ko'y hindi ko magagawa ay nagawa ko. Pero ang talagang nagpasabog sa ulo ko ay ang mga pangyayari sa huli.

"At, nga pala, dumating si Gumi doon sa venue kagabi."

"Akala ko ba nasa--"

"Akala ko rin eh, kaso mukhang mali tayo pareho dre. Mukhang pareho lang nating 'di iniisip yung possibility na mang-susurprise siya't gugulatin tayo. Puro tayo imag-- "

"I get it. Tigilan mo na nga yang pagsasalita mo na parang narrator ka sa isang pelikula. Wala na akong oras para diyan. Nasan si Gumi?"

"Joke la--"

"Tatangalan at ipapakain ko sayo yung kuko mo 'pag joke lang yan."

"Yun oh. Loyalista na!"

"Gusto mo ba ibalik ko sa'yo gamit ang force 'tong loyalista na sinasa--"

"Eto na! Sasabihin na, pero wait lang, wala ka talagang naalala tungkol sa kagabi?"

"Wala eh, ano bang--"

"Nasa probin--"

"Aalis na ako. Mag-sesembreak nanaman in three days. Sabihin mo nalang sa kaklase ko may sakit ako.  Sabihin mo na rin kay Mama, Ilabhersomats. Sana hindi niya ako patayin. Paayos nalang yung kalahat. Kthxbye dre."

"Dre, sandali lang--"

Sa sobrang bilis ko maglakad eh wala na 'di ko narinig yung susunod niyang sinabi. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. May hangover man o wala kailangan ko siyang habulin. Ngayon, 'di ko na kailangan ng imagination ko para magawa at masabi ko na ang kailangan kong sabihin. Aksyon na ang kailangan ko. I won't let her slip away time na talaga. Maghabol na kung maghabol. Magahol na sa oras kung magagahol. Pero ang itatanim ko nalang sa isip ko ay No excuses. In order for us to be together, I have to get her. Yung iba sa susunod ko na iisipin. Bahala na si BatmanOr should I say, bahala na ang Chemical X. Joke lang, corny ko. Dohoho ~ 

Megumi EntirelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon