Chapter 14: Entirely

198 1 0
                                    

Merong oras sa buhay ng isang tao na kine-question niya ang lahat ng ginawa. Kine-question niya kung bakit niya ginawa ang this and that, kung bakit 'di niya nasabi ang isang matinik na mura para paiyakin ang isang tao o kung bakit nagpaka-tokwa siya't inubos ang oras niya sa isang bagay niya sa isang bagay na 50 - 50 pa ang katotohanan. Kalahating masaklap. Mas masaklap pa pala yung na akala ko tubig yung dinala ko, yun pala perfume. Yon, makakainom. Ano iiihi ko niyan, Victoria's Secret? Nakalimutan ko shinop-lift pala 'to ng nanay ko. The perfume I mean. Okay na sana eh kaso ginamit niya yung bag ko! Bummer. Anyway...

Y'know the feeling na sobrang sure ka na sa gagawin mo pagkalabas mo ng pinto or pagkababa mo ng hagdan sunod 'pag nandun ka na sa baba, 'di mo na maalala yung gagawin mong yun? Ako kasi 'di ko alam eh. But seriously, 'di ko talaga alam. Boy perstaym ako ngayon. Perstaym kong hahalunkatin ang buong lungsod na kinalakihan ko para hanapin ang prinsesa ko. Kulang nalang magpapasok ako sa mga pipe at tubo para makakuha ng extra coins pero that's not the point. The point is pointless ngayon, lapis siya na wala nang graphite, Mt. Fuji na walang snow cone at Pacman na walang pang-Pac. Kasi ever since bumaba ako sa bus, kahit ba siguro umulan na ng ice cream eh hindi matitibag ang pagka-seryoso ko. All or nothing na eh. Dito na magkakaalaman ng katotohanan. And to be honest, ayoko ito malaman kay Ciel or kay Hannah o kanino man. Gusto ko marinig sa hinabol ko, sa kinabaliwan ko at sa gusto kong makita na halos buwis-buhay ako't tinaga sa bato, sa mas malaking bato, sa kaklase kong bato-bato at sa utak ko na hahanapin ko siya until maubos life points ko. Yes, Yugioh reference yun.

"Koko. Huy Koko!"

"Uhh yeah, what's up Ciel?" (nasaan ang kahibangan ko?)

"Ano ba nangyayari sa'yo? Sang lupalop ng Poke World ka na ba umabot at nawala ka na?"

Actually got a taste ng sarili kong sarcasm at ironya dun ah. San nga ba ako napunta? San nga ba ako napadpad? Sang kweba ako nag-hibernate at parang ngayon lang ako naitcha pabalik sa totoong buhay? Dami kong tanong. Para magkaalaman, rewind muna natin yung casette at mag-plashbak.

Huling linggo ng December yun. At pagkatapos ng mahigit-kumulang tatlong araw ng pagpa-finalize kung saan, kailan, paano at gaano (don't ask, tag-hirap ako ng mga oras na yun. Para na akong 5 year old kid nun, nanghihingi ng piso at pinambibiling pochi dahil sa hirap.), nagkaroon na ng date. Nung bisperas ng muli naming pagkikita, nawala ako sa utak ko't 'di mapakali. Para akong nag-fefetus dance sa kama, buti nalang talaga mag-isa ako kundi siguro tinalian na ako ng tissue para tumigil ako. And to tell you honestlyhibang, high, mime-ish, The Joker-ish ako nung gabing yun. Nag-alarm pa ako't nagbilin na gisingin ako sa aking mudra para masiguradong handa ako sa kung ano mang mangyayari at kung tama at hindi biased ang utak ko ngayon, masaya yung araw na yun. Maaaring masaya ngunit ako lang ang pinag-tripan pero yeah, consider na nating masaya yun. 

Guess what though? Lahat nung pinlano namin nung araw na yun ay hindi nasunod. Oras palang eh,  7 AM daw? Yon, 10 AM dumating. Okay lang ang paghintayin ako kaso medyo pagkatapos nung araw kasi na 'yon medyo sumabog yung feedback nung mga tao sa akin eh. Aba'y sabihan ba naman akong siraulong hindi mapakali ng mga matatanda? At nagpapangap na Nobita ng mga bata? Masakit. Pero ang mas masakit ay yung kumakagat sa akin ngayon. Tigas nung pangil!

Megumi EntirelyWhere stories live. Discover now