💠Chapter 2💠

112K 5K 336
                                    

Snow's POV

Naging mabilis ang araw at natapos na rin ako sa aking supplemetary class. Naging maluwag ulit ang schedule ko at kahit papaano ay nakakapagpahinga na ako ng sakto tuwing gabi. Dahil sa paghahabol ko sa Elites ay kinailangan ko ang puspusan na pag-aaral para mahabol ko lang sila. I need to vacant my afternoon class kaya pilit kong pinagkakasya lahat sa umaga.

Akala ko nga noon una ay hindi ko kakayanin. Nasa isipan ko na nga ang sumuko at maging regular student na lang sa Academy pero pilit din naman na sumisingit sa pride ko si Yuan. Naiisip ko pa lang na sasabihin ko na hindi ko na kaya, I can already see his mocking face towards me at kahit imagination pa lang yun ay naiinis na ako. I should make him amazed over me, kaya imbes na magquit ay pinagpatuloy ko pa rin.

Kaya ngayon ay balik na ulit ako sa normal. Pero kung kailan naman ako naging normal tsaka naman may isa sa amin na umaakto ng hindi normal. Napapansin namin ang kakaibang katahimikan ni Jin. He's always isolating himself. Kung dati ay nakikihalubilo pa ito sa amin, ngayon ay halos hindi na namin ito nakakasama. Nagkukulong ito sa kwarto niya. Si Jin na tahimik ay mas lalo pang nanahimik at tila may malaki itong problema na dinadala na hindi naman sinasabi.

Lahat kami ay nakakahalata na pero kung tatanungin naman ito ni Yuan ay nagdedeny naman at sinasabing wala daw siyang problema. Naging ganoon siya sa mga nakalipas na araw at tsaka laging nagkukulong sa kuwarto. Dati kahit tahimik ito ay nakikisama naman din kahit papaano, ngayon parang lahat kami iniiwasan. Talo pa namin ang may ketong na sakit sa pagkakaiwas niya sa amin.

"What is wrong with him? Is he angry on something?" Naiiritang tanong ni Violet. Naiintindihan ko kung bakit siya naiirita. Kahit sino naman siguro kung biglang ganoon na lang ang pakikitungo ng kasama mo sa iyo.

Si Violet ay napaka-vocal to the point that she's being offensive sometimes, but I find her nice naman kahit papaano, hindi lang talaga siya plastic. Kung ayaw mo ng plastic na kaibigan, ibig sabihin handa ka ng mainsulto araw-araw.

"I don't have any idea what is going on. He's acting weird." Sagot naman ni Avis.

"Maybe, a process of adolescence?" Saad ko. Wala akong ibang maisip dahil wala naman kaming ginawang ikakagalit nito.

Natawa naman si Luna. "He is 21, he is an adult already." Natatawang saad naman ni Luna.

"I know. Then what's the problem? He's no longer a teenager but with his actions right now, he's like a kid on rebellion." Naitanong ko ulit.

"Let's just wait until he decide to tell us." Saad ni Yuan. He remains cool and looks like it doesn't matter to him.

Nagpasya na lang akong manahimik. Whatever the problem is, I believe it is heavy and a burden to Jin.

•••

Papunta ako sa headmaster's office para ibigay ang listahan na pinabibigay ni Yuan. Inutusan ako nito kasi ako yung pinakabata sa kanila at pinakabago. That is their rule and it needs to be adhere. Hindi naman gaanong malayo ang office ni Heamaster Kier but it is quite a walk.

Nadatnan ko na wala yung secretary niya sa labas. Usually, sa secretary lang niya dumadaan ang lahat o kung may ipapasa ay ito na yung nagbibigay sa loob. Himalang wala ito ngayon sa desk niya. Napansin ko naman na medyo bukas ang pintuan ng headmaster's office kaya napagpasyahan ko na pumasok na lang dahil wala yung secretary.

I touched the handle of the door and about to push it open but I heard voices inside.

"Headmaster, the case in the city of Windolia is not good. Few people are missing and the number of missing people are increasing. They don't have any information where are these people have been taken." Saad ng isang boses na hindi pamilyar sa akin.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon