💠Chapter 4💠

104K 4K 150
                                    

Snow's POV

My eyes are roaming around the ceiling to the floor, to the walls and furnitures. Everything is screaming with luxury and elegance. May malaking fire place din o chimney as what they call it. The luxurious room is beyond my imagination. Parang ang hirap makamove on sa mga ganitong klaseng bagay na makikita mo.

"Wow, everything looks expensive." Komento ko. Yes, mayaman kami pero hindi kasing yaman ng mga ito. Kung tutuusin yung bahay namin ay parang kalahati lang dito. Hindi din lahat ng gamit ang sing mahal ng mga gamit dito.

"It is a house of nobles, it is expected." Saad ni Luna sa akin.

Oo syempre inexpect ko pero hindi ganito. Nagulat na lang talaga ako. It is almost like nakikipag-kompitensya ito sa Windervale sa pabonggahan ng palasyo.

"You should get use to it." Saad ni Violet na halatang sanay na sanay na ito sa mga ganitong bagay.

Napansin ko lang, wala itong ibang alam sabihin kundi you should get use to it, sa hindi pa ako sanay. Ano magpapanggap ako na sanay ako? Ano yun? Great pretender lang yung galawan? Konti na lang talaga, iisipin ko na talaga na malaki ang galit sa akin ang babaeng ito. I am trying to act friendly and harmony to this freaking bitch pero pag nasagad nito ang pasensya ko bahala na talaga si Batman at talagang mag-aaway kami.

Si Jin naman ay kausap ang mga magulang nito kaya nandito kami sa living room naghihintay. Pero inaasikaso naman kami ng mga katulong sa mansyon at binigyan kami ng mga hot chocolate with marshmallows. Hindi ako mahilig sa ganito pero nagustuhan ko yung pagkakagawa nila. Minsan na kasi akong nakatikim ng ganito at mapait yung lasa kaya hindi na ako umulit pa.

Ilang sandali pa ay pumanhik na sa living room ang mga magulang ni Jin at kasama din si Jin na tahimik pa rin at parang walang kabalak balak na magsalita. Yumukod kami pero hindi si Yuan. Yumukod naman ang mga magulang ni Jin kay Yuan. Hindi ko na yun ikinagulat pa dahil inasahan ko na yun.

"Welcome to our humble abode, your highness." Saad ng mga ito. "And to you, ladies and lord." Bati nito pero napatingin ito sa akin at napakunot ang noo nito dahil malamang hindi ako nito kilala. "Is she the new member?" Tanong ng mama ni Jin habang nakatitig sa akin.

"Yes mom, she is. Her name is Snow Brielle Sylveria." Pakilala naman ni Jin sa akin in a flat tone na akala mo nagbabasa lang ito ng impormasyon galing sa isang folder.

Yumukod naman ako ulit. Nakakailang lang kasi binigyan pa talaga ako ng atensyon na pwedeng hindi naman. They can just ignore me, dahil ayoko din yun napapansin ako lalo na sa mga taong tulad nila.

"Hello dear! I am Margaret and this is my husband Reginald. Welcome, and I guess this is your first time in Windolia?" Nakangiting bati nito sa akin.

"Yes your grace." Sagot ko rito. I feel alienated dahil parang sobrang bait nito. Unusual sa first impression ko sa mga noble na mapagmataas.

"You can enjoy everything here while you stay. Don't be shy." Saad nito. Taliwas sa mga sinasabi ni Violet na nakakahiya ako. Itong parents ni Jin ine-encourage pa talaga ako. Maybe they have a different culture and upbringing but I am liking them more.

"And I believe your sudden visit is about the problem happening in Windolia. We can discuss about it over dinner. It's better to talk about it with full stomach." Saad ni Lord Reginald na kahit strikto tingnan nararamdaman mo pa rin na mabait ito. "Please, lead them to their rooms." Utos nito sa mga katulong nito.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon