💠Chapter 7💠

96.5K 4.3K 687
                                    

Snow's POV

Lalong lumakas ang hangin sa labas pero kami ay patuloy sa mabilisan na paglakad. Ang problema lang ay tumataas yung level ng snow kaya isa ito sa nagiging dahilan para mahirapan kami.

"We are almost there." Saad ni Jin.

All I can see are rocky mountain, wala akong ibang taong nakikita bukod sa amin. Sigurado ba si Jin na malapit na kami? Kung hindi ako hila-hila ni Yuan, malamang naiwanan na ako kanina pa. Hindi ko alam kung saan nila kinukuha ang lakas na ganito ang panahon. Kahit sila Luna at Violet din naman ay nahihirapan pero inaalalayan din sila ng dalawang lalaki.

I just don't know why did I end up with Yuan. Lagi na lang. Pero may reklamo pa ba ako? Ang kapal ko naman di ba? Prinsipe na nga ito, choosy pa?

"There!" Saad ni Jin at may itinuro.

Lahat kami ay tiningnan ang direksyon ng tinuturo nito. We saw a cave between the two mountains. Everyone felt relief aside from me, dahil hindi relief ang nararamdaman ko but familiarity. I swear, I already seen this cave or even this area as well, but I can't remember when, I can't even think the reason why is it familiar.

Naging double time yung pagkakad namin but suddenly naramdaman na lang namin ang malakas na hangin na halos magtayuan lahat ng balahibo ko. The barrier was broken. Wala na kaming magawa kaya tiniis namin ang malakas na hangin. Yuan who was holding my hand, is now almost embracing me. This right arm is encircling my waist and his left hand is holding my shoulder. Imbes na matakot ako ay kinilig ako, grabe kasi, bumabagyo na pero yung utak ko, naku.

Di nagtagal ay narating din namin ang kuweba. Walang nyebe sa loob pero sobrang lamig pa rin. Madilim doon and I can smell the earthy scent of the cave.

"Lets look for twigs to make a fire." Saad ni Yuan na nagsimulang gumala sa kuweba para maghanap ng mga kahoy.

Hindi naman nabigo ang mga ito at may mga nahanap naman din na mga kahoy ang mga ito at inipon nila. Agad na nagpalabas ng apoy si Yuan at derechong pinatama yun sa mga kahoy. Agad na lumiyab ang mga kahoy na inipon nila at lumikha iyon ng init at liwanag sa paligid. Lahat kami ay nakaramdam ng ginhawa. Para sa tulad ko na hindi sanay sa lamig ay talagang napakalaking bagay na ito, pero si Jin parang wala lang rito, malamang dahil sanay ito.

"They said, this is the place where they found the survivor." Saad ni Jin at palinga-linga ito sa paligid. "This is the boarder of Windolia and Lithe."

Oo, nabanggit nga yun ng papa niya kagabi, but how come a survivor reached this place? Sa estado sa labas at kung nag-iisa ka lang, imposibleng aabot yun dito ng buhay.

"By the way, why didn't we visit the survivor? We should have ask it with information first." Tanong ko na lang. Sa totoo lang ngayon ko lang din ito naisip. Wala kasi ako sa tamang katinuan kanina.

"The survivor is under quarantine and no one is allowed to approach it, so it won't help visiting the survivor right now." Sagot naman nito.

Napakunot naman ang noo ko. The survivor is the witness, why are they not allowing anyone to see the survivor? Why is he under quarantine? As far as I know, people who is under quarantine, either they are contaminated or bearing a virus.

"Then, the survivor is no help at all, since we are not even allowed to see and talk to it." Sarkastikong saad ko. Nakakaasar lang kasi? Rush na rush kaming pumunta rito dahil may survivor daw pero hindi naman pwedeng makita at kausapin. Nasisiraan na ba sila ng bait? Paano masasagot ang mysteryo kung hindi tatanungin yung survivor?

"He was infected." Maikling sagot ni Jin.

"Infected with what?" Tanong naman ni Avis. Naunahan na ako sa tanong, malamang kaming lahat ay nagtataka.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon