💠Chapter 39💠

91.3K 3.7K 572
                                    

Snow's POV

There was a last minute change in plans. Nagreklamo kasi si Luna dahil natitiyak nito na marami daw akong kaparehong kulay. Talagang tinext pa nito ang boutique para mabago ang kulay at ginawa nitong royal blue. Angal din ito dahil hindi daw bagay sa akin ang aquamarine. Pambata daw ang kulay na yun.

Gusto ko naman tumutol dahil nakakahiya naman pero ano pa ang magagawa ko? Nasabi na siya sa seamster at nabago na nga ang kay. Kaya wala akong mapagpipilian kundi ang tanggapin na lang ang pagbabago. At hindi tumagal ay naideliver na nga ang mga damit namin. Nakaready narin ang mga stylist.

Agad na tiningnan ko ang gown. It's a royal blue gown, with a layered single crisscross at the back studded with diamonds. Kitang kita ang likod ko nito. It's a deep cut of V cut in front. It's a free flowing skirtna abot hanggang talampakan.

Meron din sapatos. It's a blue pointed closed pumps with silver vines design. The mask is silver.

"I like your dress!" Tuwang saad naman ni Luna sa akin na namamanghang nakatingin sa damit ko na nakalatag sa higaan.

"Gusto mo palit tayo?" Tanong ko rito.

"No way." Agad na sagot nito. Para itong batang niyakap ang gown. Kala mo may aagaw.

"Maupo na nga kayo, at aayusan na tayo." Reklamo naman ni Violet na prenteng nakaupo na at sinisimulan ng kulayan ang mukha at pati buhok nito ay inaayos na rin.

Umupo na din kami at sinimulan ng ayusin ang mga itsura namin. Kung anu-ano na lang ang ipinapahid sa mukha ko tapos yung buhok ko kinakalikot naman. It was a messy bun hair na talagang maganda ang pagkakagawa.

Natapos na din ang pag-aayos sa amin kaya nakita ko na rin ang resulta. It's beautiful and I like it better, because my looks is a lot more simpler than the last ball.

Nakita ko naman si Luna na suot ang kanyang gown, it's a sequenced lilac gown. Napangiwi naman ako. Ayoko mga damit na may sequence dahil nangangati ako sa mga ganoon. But he gown is really beautiful. Hapit ito sa katawan ni Luna at one sided sleeves lang ito.

Si Violet naman ang may pinakamagandang damit sa aming tatlo. Ganito pala ang ombré. It was colored violet at the top tube and it's fading going down to the skirt until it turned into red. Her skirt looks like a flower who hasn't fully bloomed yet. I am sure it's layered.

"We look amazing!" Masayang saad ni Luna.

"I know right?" Komento naman ni Violet.

Ako naman ay tahimik lang. Kalbaryo ko naman ang mga pesteng heels na ito. Sasakit na naman mamaya ang mga paa ko. Naalala ko pa yung paltos ko sa nakaraang party. Alam ko matagal na yun pero talagang masakit yung mga paltos ko sobra.

Agad naman kaming lumabas dahil malapit na mag-alas siete ng gabi, baka naman awayin pa kami nina Yuan dahil sa sobrang tagal namin. Pero what's the sense? Nauna na nga sila sa hall kaya mas panatag ang loob ko.

Bumaba kami sa hagdanan at may mga sumalubong naman sa amin na mga butlers at iginiya kami sa daan. Tila may mga gwardiya kami. Nakasuot na kami ng aming kanya kanyang mascara at nadadaanan namin ang garden na maraming ilaw na din at sobrang ganda.

Unti-unti na namin naririnig ang ugong ng musika mula sa event hall at pumasok na kami sa pinto. Agad bumungad sa akin ang napakalawak at malapad na hagdanan. But its not the first time I saw this stairs. Pumanhik na kami pataas ng hagdanan at nang makarating kami sa malaking pinto ay agad na bumukas ito at lumikha ng mahinang langitngit.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon