Kabanata 3

12.2K 291 9
  • Dedicated kay Aileen Virl
                                    

Sa burol ng lola ni Aliah…

Halos hindi magawang ihakbang ni Aliah ang mga paa niya papalapit sa kabaong ng lola niya. Napatingin ang mga tao sa kanya nang magsimulang pumatak ang mga luha niya lalo na at hindi siya kilala ng karamihan ng mga ito dahil bihira lang siya kung umuwi ng Leyte.

Mayamaya lang ay sinalubong siya ng tita Alison niya na siya ring nagbalita sa kanya na pumanaw na nga ang butihin niyang abuela.

“Wala na si mama, Aliah. Wala na ang lola mo.” Punong-puno ng lungkot ang boses ng tita niya nang sabihin ang mga katagang iyon. Parang may kung ano na biglang bumara sa puso niya pagkakita sa hitsura nito. Mugto ang mga mata sa kakaiyak at halos hindi na rin nito nagawang magsuklay.

Magkahawak-kamay na lumapit sila sa kabaong ng lola niya. May isa pa siyang tita na kumuha ng travelling bag niya na katulad ng tita Alison niya ay namumugto rin ang mga mata.

Muling bumukal ang masaganang luha sa mga mata niya nang mapagmasdan ang lola niyang payapang nakahiga sa loob ng kabaong.

I’m sorry, ‘la. Dahil sa pagkawala ni mommy, bihira na akong dumalaw sayo. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala dinalaw na kita noon pa. I will miss you so much, lola. Lihim na pagkausap niya sa lola niya na alam niyang kahit kailan ay hindi na niya magagawang yakapin pa.

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay niyaya siya ng tita niya sa kusina Nandoon ang ilang mga pinsan niya at mga kapatid ng mommy niya. Sa pagkakatanda niya ay nasa sampu ang kapatid ng mommy niya. Samantalang ang daddy naman niya ay nag-iisang anak. Sa pagkakaalam niya ilang taon pa lang ang nakakalipas ng kilalanin ng daddy niya bilang step-sister si aunt Vivien niya.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng bahay. It was just a small house actually with two bedrooms. Sa pagkakaalam niya ay regalo iyon ng tita Alison niya sa lolo at lola niya.

“Kumain ka na ba, Aliah?” tanong ng isa pa niyang auntie na Eloisa ang pangalan.

“Hindi pa po ako nagugutom, tita,” tugon niya. Sa estado ng emosyon niya ngayon, mahihirapan yata siyang lumunok ng kahit na anong pagkain.

“Kamusta ang naging biyahe mo?” tanong ng auntie Alison niya.

Pilit na ngumiti siya. “Okay naman po. Tita, ano po ba talaga ang nangyari kay lola?”

Huminga muna ng malalim ang auntie Alison niya bago sumagot. “Nasa Tacloban ako nang mangyari ang aksidente. Pero ang sabi ng tita Rosario mo,” na isa pa sa kapatid ng mommy niya. “Pumunta daw siya ng Dorelco para magbayad ng kuryente. Noong paalis siya, binilinan pa raw niya si mama na huwag pupunta sa balon lalo na at mag-isa lang siya. Si lolo mo kasi nasa kabilang barangay at may trabaho ng mga oras na ‘yun.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon