Kabanata 25

6K 159 8
                                    



Nang magmulat ng mga mata si Aliah ay napagtanto niyang nasa isang silid siya na halos walang gamit maliban sa isang pabilog na mesa na karaniwang ginagamit sa mga cocktail parties. May nakapatong na puting tela sa ibabaw ng mesa na iginapos naman ng pink ribbons sa paa ng mesa. Pero sa halip na balloons or flowers ang nasa ibabaw ng mesa, isang punyal ang nakatusok sa ibabaw ng isang parehabang kahon na kulay ginto.



Nang matitigan niyang mabuti ang punyal ay naalala niyang kay Yuri iyon. Iyon ang punyal na gamit nito sa isla noon.



Bahagya siyang gumalaw at nalaman niyang hindi naman siya nakagapos. Nakaupo lang siya sa isang upuang gawa sa mamahaling kahoy. Pero bago pa man siya makatayo ay biglang bumukas ang nag-iisang pinto at pumasok si Yngrid kasunod si Luna na nakahalukipkip ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon na suot nito.



Akmang tatayo sana siya nang magsalita ang matanda. "Please, don't. Maupo ka lang at huwag mong tatangkaing tumakas dahil hindi mo magagawa ang bagay na 'yan. Sa isang kumpas lang ni Luna ay mawawalan ng saysay ang gagawin mo. So if I were you, just behave."



Muli siyang naupo dahil nahinuha niyang hindi ito nagsisinungaling. Mahihirapan nga siyang makatakas sa lugar na 'yon dahil sa isang kumpas lang ng kamay ni Luna ay magagawa na siya nitong i-immobilize.



"Ano ba ang kailangan niyo sa 'kin? May nagawa ba akong masama sa inyo para ganituhin niyo 'ko?"



Lumakad ang matanda palapit sa kanya. Si Luna ay nanatiling nakatayo malapit sa may malapit sa pintuan.



"Wala kang ginagawang masama sa amin. But I need your help, Aliah. I need your power para magamot ko si Yuri. He's dying, don't you know that?"



Napasinghap siya sa sinabi nito. Si Yuri, mamamatay? Nanghina siya sa sinabi nitong iyon. "Hindi totoo 'yan!" galit na sigaw niya dito. Siguro ay gumagawa lang ito ng kwento para makuha ang kapangyarihang taglay niya.



"Nagsasabi ako ng totoo. Isinumpa si Yuri ng isang babaeng galit na galit sa akin. At gusto mong malaman kung sino ang babaeng 'yon?"



Hindi siya umimik. Pero alam niyang alam nitong oo ang sagot sa tanong nitong iyon. Kung nagsasabi man ito ng totoo, gusto niyang malaman ang pangalan ng babaeng sumumpa kay Yuri.



"Candelaria. Her name is Candelaria. At siya ang nanay ni Calyx."



"At bakit niya naman isinumpa si Yuri?" tanong niya.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Where stories live. Discover now