Prologue

9.6K 301 38
                                    


Lingid sa kaalaman ni Aliah ay binura ni Calyx ang lahat ng alaala na mayroon siya kasama si Yuri. Nang malaman ni Yuri na kaya ng kuya niya na burahin ang ilang alaala ng isang tao, siya mismo ang humiling na burahin siya sa isip ni Aliah dahil gusto niyang lumayo pansamantala.



Bagama't masakit sa kanya na iwan ang dalaga, kailangan niya munang lumayo upang harapin ang mga pagbabagong nangyayari sa sarili niya simula nang gamutin siya ng mommy ni Aliah at para na rin maputol ang sumpa na bumabalot sa pagkatao niya.



Tadhana na lang marahil ang magdidikta kung kailan siya makakabalik sa buhay ni Aliah...


Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Where stories live. Discover now