Kabanata 21

6.6K 183 20
                                    


Ihininto ni Yuri ang Terrano niya sa harap ng isang malaki at napakataas na itim na gate. Nasa harap na siya ng Floridablanca. Pipindutin na sana niya ang doorbell nang bigla namang bumukas ang malaking gate at iniluwa niyon si Luna na sakay ng bagong-bagong Toyota Wigo. Nakababa ang salamin nito sa driver's seat kaya mabilis na namataan siya nito.



"Yuri? Oh my God! You're back!" masayang pagsalubong sa kanya ng kababata niya na mabilis na nakababa sa sasakyan nito at ngayon nga ay mahigpit siyang niyayakap. Dalagang-dalaga na si Luna ngayon.



"Kumusta ka na?" tanong niya kay Luna.



"I'm good. Ikaw, kumusta ka? Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita after how many years?"



"I am also good. Nandiyan ba si lola Yngrid?" pag-iwas niya sa isa pa nitong tanong.



"Kakakaalis lang ni lola Yngrid. Pero mayamaya lang ay nandito na rin 'yun for sure. Halika't pumasok muna tayo at marami akong tanong sayo. Like bakit bigla ka na lang nawala ng napakatagal na panahon."



"Am I still welcome here?" tanong niya habang iginagala ang paningin sa loob ng Floridablanca.



"Of course! You're always welcome here because this is your home, Yuri. This is our home."



Ang home na sinasabi ni Luna ay hindi lang isang malaking bahay. It was a very huge mansion with almost fifty rooms in it. Lahat ng kwarto ay may kanya-kanyang bathroom at maliit na receiving area.



Napapalibutan naman ng matataas na puno ang buong mansiyon bukod pa sa napakataas na pader na siyang naghihiwalay sa Floridablanca sa ibang kabahayan na matatagpuan sa isang liblib na bayan ng Marilao.



Itinayo raw ang Floridablanca noong early nineteen fifties at nagsilbing kanlungan ng mga taong nagtataglay ng iba't ibang uri ng kakayahan.



Sa pangunguna ni Lola Yngrid ay nabuo sa loob ng Floridablanca ang isang samahan na tinatawag na "DIWA". Lahat ng kasapi sa samahang ito ay may kanya-kanyang taglay na kapangyarihan.



Binuo ang samahang DIWA dahil gusto diumanong pangalagaan at proteksiyunan ng samahan ang mga taong may taglay na kapangyarihan. Sa loob ng Floridablanca ay sinasanay ang bawat tao na hasain ang kakayahang taglay nito.



Maging sila ni Luna ay sumailalim rin sa matinding pagsasanay noong bago pa lang sila sa Floridablanca.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Where stories live. Discover now